Puppy Love

1.3K 35 12
                                    

"Aki! Aki!" bungad ko pagkabukas ko ng pintuan ng maliit na bungalow kung saan ako nakatira. Kinuha ko ang pasalubong ko sa kanya sa aking grocery bag.

"Aki! Boy! Come here!" tawag kong muli sa kanya at narinig ko ang tahol niya. Agad niya akong nilapitan habang kumakawag pa ang buntot niya.

"Na-miss kita, Aki!" wika ko sa kanya habang hinihimas pa ang ulo niya. As usual, binigyan ko na naman siya ng power hug.

"Arf! Arf!" tugon naman niya sa akin. Habit ko ng kausapin si Aki kahit na laging tahol lang ang sagot niya. Alam ko naman na kahit hanggang tahol lang siya ay naiintindihan naman niya ako.

Natatandaan ko pa na birthday gift si Aki ng parents ko when I turned 11. Sabi ng Mama ko, Labrador retriever daw ang breed nito.

Pero a week after my birthday celebration, my parents died sa isang plane crash. Pinaghati-hatian na agad ng mga relatives ko ang mga gamit na naiwan nina Mama at Papa sa bahay while I'm still on the process of grieving. Samantalang ang funds na nakalaan sa akin ay makukuha ko pa when I turned 18.

During that time na kailangan ko ng comfort, si Aki lang ang kasama ko. Nasa tabi ko siya palagi tuwing umiiyak ako. Kapag gustong kong may makakusap at may malalabasan ng sama ng loob, nakamasid siya sa akin at lagi ko siyang niyayakap. Aki is there during the time I needed comfort and longing. Iniisip ko nga dati na mas asal-tao pa si Aki compare sa relatives ko.

Maliksi siya kapag masaya ako. Matamlay naman siya kapag malungkot ako. Minsan mabuti pang magtiwala sa isang aso kesa sa ibang tao. Walang maaasahan sa mga relatives ko. Nang maasikaso nila ang mga papeles, pinatira nila ako sa isang maliit na bungalow. Sabi ni Tito Benedict, kelangan ko daw matuto kung paano maging independent dahil wala na sina Mama at Papa. 

Hindi ko maintindihan mga ugali nila pero wala naman akong magagawa. 11 years old pa lang ako that time. Narinig ko dati sa attorney ng pamilya namin na nasa pangalan ko daw ang lahat ng ari-arian once na tumuntong ako sa legal age. Narinig ko pa kung paano magwala si Tito Benedict dahil akala niya na sa kanya na mapupunta lahat ng kayamanan ni Papa pati ang Accounting firm namin.

Pero sila pa rin ang may hawak ng pang-edukasyon ko at allowances ko dahil sila ang pinakamalapit kong kamag-anak. Kaya rin siguro dito nila ako pinatira sa maliit na bungalow. Pinapalabas na lang nina Tito na may adult akong kasama sa bahay pero sa totoo lang wala. Kapag may kailangang umattend sa meeting, mga secretary lang ni Tito ang pinadadala niya. Walang problema kung mag-isa lang ako basta ang mahalaga kasama ko si Aki.

"Aki, ang drama ko na naman today. Kung anu-ano na naman naiisip ko." wika ko sa kanya at as usual pinungay na naman niya ang kanyang mga cute na mata.  

Nagbihis na ako at sabay na kaming kumain. Naka-upo ako sa mesa habang siya nasa may paanan ko at kumakain ng paborito niyang dog food. Corned beef naman sa akin.

"Alam mo, Aki! Sobrang hirap ng exam namin sa English. Magkaka-anemia ata ako sa dami ng dugong lumabas sa ilong ko! Tsk! Pero okay lang, araw-araw ko namang nakikita si Emma."

Haay! Si Emma na matagal ko nang crush. Simula first year hanggang ngayong third year high school siya pa rin ang tinitibok ng torpe kong puso. Sa tagal ko nang may crush sa kanya, love na ata ito.

Nakakainis bakit pa kasi tinamaan ang puso ko ng first love na yan?

Kahit na tumataas na ang grade ko, walang effect pa rin. Kahit anong pa-bibo ko, waley! NGA-NGA!

Natatakot naman akong umamin sa kanya kasi baka ma-reject ako. Feeling ko kasi di naman niya ako type. Ang ganda kaya nya tapos ako ulila na nga mukha pang nerd. Kaya nga top secret ko ito. Si Aki lang ang nakakaalam nito.

Puppy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon