Puppy Love 3

382 32 45
                                    

Reminder:  Mas maganda po kung napapakinggan ninyo yung multimedia sa right side habang nagbabasa. It's a beautiful song from the band, Kodaline. Na-inspired din po ako sa kantang ito kaya nagawa ko ang story na ito.

Emma's POV

Hindi ko akalain na magiging close kami ni Kevin. Since first year high school crush ko na talaga siya. Hindi ko alam kung parehas kami ng nararamdaman. Tahimik kasi siya palagi at naka-focus lang palagi sa Academics. I want to know him pero he seems so private and mysterious. Very impressive ang katalinuhan niya. I admire him so much kaya na-inspired akong tumakbo as SC Councilor and yes, I was able to get the position. Inisip ko na sana mapansin ako ni Kevin sa ginawa kong ito pero aloof pa rin siya.

Kahit ata anong gawin ko, waley pa rin! NGA-NGA!

Until one day, when finally I got the chance to talk to him. Kakatapos lang i-announce ng teacher namin na siya ang napili sa science competition. Tuwang-tuwa ako habang nagtatasa ng lapis sa likuran, di naman ako makatingin sa kanya sa unahan dahil all ears ang smile ko! Napakatalino ni crush!

Noong una, nahihiya ako kasi di ba it should be the guy to make the first move. Pero, naisip ko na friendly lang naman ang approach ko so decent pa rin ang dating. Nakapila kami noon sa isang sikat na cafe shop sa labas ng academy.

I was so surprised ng makita ang reaction niya. I'm not sure if namalikmata ako pero napansin kong namula ang pisngi niya. I have this hunch na maybe pareho kami ng nararamdaman. Still, I don't want to assume.

Sabi nga nila, never assume unless otherwise stated.

Hindi ko na namalayan na umusad na kami sa pila. I was so happy na nilibre niya ako at ininvite para mag-jogging the next day.

Though, hindi natuloy ang jogging namin. Feeling ko mas naging close kami dahil sa paghahanap sa cute niyang aso na si Aki. Na-touch ako ng makita ang weak side niya. I never thought na mag-isa lang pala siya sa buhay and the situation truly made an impact on him.

Mas humanga ako sa kanya dahil sobra ang pagmamahal niya sa kanyang alagang aso.

Nang finally nakita niya si Aki sa tulong nina Veronica at Jerome, mas lalo akong naging close sa kanya. Napabilang na din siya sa circle of friends namin ni Veronica at Jerome. Hindi ko akalain na masayahin at fun-to-be-with din si Kevin. Mas lalo atang nahuhulog ang loob ko sa kanya. Nakakalungkot lang na parang hanggang kaibigan lang ang turing niya sa akin.

Hanggang sa dumating ang hinihintay ko kahapon...

After classes, nilapitan ako ni Kevin at may sinabi siya sa akin.

"Emma, can we meet tomorrow sa park at 10am?"

Naisip ko siguro magjo-jogging lang ulit kami pero bakit parang late na masyado ang 10am?

"Sure, lagi naman tayong nagjo-jogging, di ba?"

"No, this time it'll be different. I need to say something."

"Huh?! Bakit di pa ngayon?"

"B-basta, please be there at 10am."

Bigla naman bumilis ang tibok ng puso ko. Sana ito na yung matagal ko nang hinihintay sa kanya. Syempre, pumayag ako kaya I'm on my way now sa park.

Medyo maaga ako ng 30 minutes. Hindi naman halatang excited ako di ba?

Nabigla na lang ako nang may umagaw sa aking shoulder bag!

Napa-tulala lang ako hanggang sa na-realize ko na...

"Snatcher! Snatcher!" sigaw ko at hinabol ko siya. Medyo malapit ko na siyang maabutan ng biglang tumawid siya sa kalsada. Sinundan ko na siya at nabigla ng may tumulak sa akin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 21, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Puppy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon