Puppy Love 2

326 32 12
                                    

Tumatakbo ako sa napakalawak na park. Napakataas ng sikat ng araw ngunit wala akong nakakasabay sa pagjo-jogging. Natanaw ko ang isang pamilyar na pigura mula sa malayo.

"Arf! Arf!" tawag nito sa akin. Lumapit ako at niyapos siya.

"Akala ko nawala ka na sa akin. Hindi ko kakayanin kapag nawala ka sa akin."

Hindi ko na napigilan ang pag-luha. Aki started to lick my tears falling from my eyes. Nang tingnan ko siyang muli, nagtaka ako dahil unti-unti siyang naglalaho.

"Aki! NO! Please, NO!' sigaw ko hanggang sa tuluyan na siyang mawala sa paningin ko.

"AKI!" sigaw ko. Nagising na lang ako dahil sa masamang panaginip. Tumayo ako sa kama at hinanap si Aki sa loob ng bahay.. Nang hindi ko siya mahanap, naisip kong walang pinagkaiba ang panaginip ko sa reyalidad. 

Nawawala talaga si Aki!

Napakasama kong amo para pabayaan siya. Kung anu-anong iniisip ko kung bakit hindi nakabalik si Aki.

Saan na kaya siya pumunta? Pinuntahan niya kaya yung mga lugar kung saan ako pumunta kanina? Pero bakit wala siya dun ng hinanap ko?

May kumuha na kaya sa kanyang iba?

HIndi ko na mapigilang mapahagulgol. Ang bigat sa dibdib. Kung anong naramdaman ko noong nawala sina Mama at Papa ay ganun din ang nararamdaman ko ngayon.

"Aki, I'm sorry. I'm so sorry."

Buong gabi akong umiyak ng umiyak at nagdadasal na sana makita ko pa si Aki.

***

Umaga ng Sabado. Matamlay akong bumangon sa kama. Kinuha ko ang solo picture ni Aki. Magpo-post ako ng pictures niya para kung may makakita sa kanya ay agad akong matatawagan. Mago-offer na din ako ng konting reward parang token of appreciation na rin sa sinumang makakakita sa kanya.

 After kong magbihis at maligo, agad akong lumabas ng bahay. Bigla kong naisip si Emma!

May usapan nga pala kami ngayong Sabado sa park! Hindi ko na naalala! Baka kanina pa yun naghihintay!

Nagmamadali akong pumunta at nakita ko nga si Emma na nakaupo sa may bench at nakahalumbaba.

"Emma! So-sorry. Na-na late ako." hingal na hingal kong sabi.

Tumayo siya at nag-aalalang tumingin sa akin at tumingin sa tagiliran ko. Hinahanap siguro kung kasama ko si Aki.

"Nawawala si Aki. Hi-hindi ko alam kung san siya pumunta. I'm sorry, Emma, pero di matutuloy ang jogging natin. I need to find Aki." nakatungo kong sabi sa kanya at tumulo na lang ang luha ko.

Sari-sari na kasing emotion ang nararamdaman ko. Feeling ko nung nawala si Aki ay nawala na din lahat maging ang pag-asa ko para kay Emma. Handa kasi akong bitawan ang ano mang nararamdaman ko kay Emma para hanapin si Aki.

Alam kong nakakahiya ang ginagawa ko dahil umiiyak ako sa harapan ng isang babae. And you know what's worst? Sa harapan pa ni Emma!

Nabigla na lang ako ng kinuha niya ang mga kamay ko.

"I'll go with you. I'll help you find, Aki." bigla na lang niya akong niyapos. I feel like I'm a lost puppy. Di ba dapat ako ang nagko-comfort sa isang babae? Pero here I am being comforted by my first love. Hindi ko alam kung anong dapat maramdaman.

Umalis ako sa pagkakayakap mula sa kanya.

"Hindi mo na kelangan gawin yun. Alam kong busy ka ring tao. I'm really sorry." sabi ko sa kanya.

Puppy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon