7. Another Start
One week na din simula nung nagtrabaho ako bilang designer ni Shawn. Natuwa ako para sa sarili ko dahil nakakayanan kong makipagtrabaho sakanya. Nakakaadapt na ako sa sitwasyon namin at ibig sabihin nito ay unting-unti na ako nakakamove-on.
Andito lang ako sa desk ko at nag s-sketch ng mga bagong designs na damit. Plano kong maghold ng isang fashion show kaya pinaghahandaan ko din ito.
Busy ako sa kaka sketch nang biglang may tumayo sa gilid ko at parang pinagmamasdan yung ginawa ko.
Inangat ko yung ulo ko at nagulat ako dahil nakita ko ang mukha ni Shawn.
"Have you seen Rex?" tanong niya.
"Wala siya dito ngayon. May importanteng appointment daw eh." sagot ko sa tanong niya.
Normal kaming dalawa. Kinakausap niya ako, kinakausap ko din siya. Kailangan kong masanay sa ganitong eksena. Nakakatuwa naman dahil parang nakalimutan na niya yung mga katangahan ko sa harap niya. Tulad nung pagbuhos ko ng inumin sa polo niya, yung pag-iyak ko sa harap niya at yung pag-yakap ko sakanya nung isang gabi. Gahd. Nakakahiya talaga yun. Pero wala na akong magagawa, di ko na mabubura yung mga nangyaring yun diba? At saka sobrang init ng ulo niya saakin simula nung nagkita kami ulit. Kaya ayun, natuwa naman ako dahil ngayon nararamdaman ko na na tinanggap na din niya na magiging isa ako sa mga designer niya pansamantala.
Tinuloy ko na ang pag sketch ng mga damit dahil akala ko dun na matatapos ang usapan namin. Bigla naman siya ulit nagsalita.
"Para san yan?"
Shawn please, umalis ka nalang dahil ramdam kong kinikilig pa rin ako tuwing kinakausap mo ko. I can't help it. I'm not completely over him. At ito ang unang beses na kinakausap niya ako na hindi related sa trabaho.
Bumuntong-hininga ako. Chelsea, masanay ka na dapat. Remember?
"Plano ko mag hold ng fashion show."
"Ah. Puro mga babae ang models mo? Pambabae kasi lahat ng dina-draw mo ngayon eh."
"Hmm. Pinag-iisipan ko pa. Depende kasi sa mga outcomes ng ginuguhit ko ngayon."
"Pangit naman ng mga ginuguhit mo eh."
Automatic na napatigil ako sa pag sketch at kaagad na tiningnan siya. Nalaglag yung panga ko.
"A-ano ulit?"
"Napansin ko lang na pangit yung mga ginuguhit mo eh. Fashion ba talaga tawag jan?"
Pinikit ko yung mga mata ko at pilit na kinakalma yung sarili ko. Eto ang unang pagkakataon na may tumawag na pangit sa mga iniis-sketch kong mga damit, sapatos at accessories. And to think si Shawn pa talaga ang nagsabi!
BINABASA MO ANG
Another Chance For Their Love Story [HIATUS]
Teen FictionTHIS IS THE BOOK 2 OF HER LOVE STORY. Sa Unang libro, natapos na ang kanyang love story. Dahil dito sa pangalawang libro, sisimulan na natin ang kanilang love story. PS: Wag niyo po munang basahin to if di niyo pa nababasa yung Her Love Story.. Baka...