5. Letting Go
Angelo's POV:
Pagkaalis ni Chelsea, sinundan siya kaagad nung tatlo niyang kaibigan.
Halata sa mukha ng pinsan kong si Clyde na nagtataka siya pero hinayaan lang niya si Lorraine na sumama kina Rhia at Kate.
Napatingin si Clyde saamin ni Paolo. "Dude, what's happening?"
Gusto ko sana siya sagutin pero wala akong masabi na sagot. Nanahimik lang din si Paolo.
"Excuse me." Yun lang ang sinabi ko sakanila at pinili ko na hanapin kung asan yung magkakaibigan na yun.
Ewan ko ba, pero nag-aalala ako sa mga yun eh.. Lalo na sakanya..
Malakas yung kutob ko na nasa parking lot sila kaya dun din ako nagpunta. At tama nga yung kutob ko.. Andito sila..
Naabutan ko sila sa may tapat ng kotse ata ni Chelsea.
Nagulat ako nang sampalin ni Lorraine si Chelsea.
Lalapit na dapat ako pero naisip ko na this is between them..
Nagtago ako nalang ako dun sa may likod ng pader...Nagsisigawan na sila kaya narinig ko yung mga sinasabi nila.
"What's wrong with you? Ikaw ang nang-iwan! And you're blaming me? You left him hanging! You have no idea kung paano siya unting-unti namatay ng dahil sa pang-iiwan mo!"
"Siya lang ba? Siya lang ang nahirapan? Siya lang ang nasaktan? You too.. You don't have any idea how much it kills me when I broke up with him.. When I left him and went to Paris.."
Yun ba ang rason niya kung bat siya nakipaghiwalay kay Clyde?
"Akala ko maiintindihan mo ko..Pero akala ko lang pala yun..Ikaw yung nilapitan ko eh.... Pero di ko in-expect na ikaw din ang kukuha sakanya at ang papalit saakin...Bestfriend with my ex? Ang saya diba? Akala ko mag b-bestfriends tayo.. Akala ko alam niyo kung gaano ko siya kamahal hanggang ngayon...Pero bakit hinayaan niyo lang na mas masaktan pa ako ngayong pagbalik ko?"
Rinig na rinig sa boses niya ang hinanakit...
So mahal pa rin pala talaga niya yung pinsan ko...
"Ahh.. Alam ko na.. I really deserve this...Ako nga pala ang nang-iwan.. Kaya wala akong karapatan masaktan ngayon. Wala din akong karapatan para ilabas itong sakit na nararamdaman ko...I'm Sorry for that girlfriends."
Pumasok na siya sa kotse niya at umalis na. Dahan-dahan din naman akong naglakad papunta sa kotse ko at hahabulin ko kung san nagpunta si Chels..
Rhia's POV:
"Lorraine, hindi mo dapat siya sinampal.."
BINABASA MO ANG
Another Chance For Their Love Story [HIATUS]
Genç KurguTHIS IS THE BOOK 2 OF HER LOVE STORY. Sa Unang libro, natapos na ang kanyang love story. Dahil dito sa pangalawang libro, sisimulan na natin ang kanilang love story. PS: Wag niyo po munang basahin to if di niyo pa nababasa yung Her Love Story.. Baka...