Part 2

13 2 0
                                    

Travis's POV

Naglalakad si Travis papunta sa cr ng kilalang restaurant dito sa New York, nang may mapansin syang babaeng nakayuko sa dulong table ng restaurant.

Sa hindi malamang dahilan ay bigla nalang bumilis ang tibok ng puso nya.

What's happening to me? That woman can't be her. Nagpatuloy sya sa paglalakad at ng akmang lalapitan nya na ang babae ay bigla nalang syang nabangga sa kung anong maliit na bagay.

Yumuko sya upang makita iyon at laking gulat nya ng makita ang isang cute na batang lalaki na sapo ang noo dahil sa pag kabangga sa hita niya.

"Ouch! Mister! Please watch where you're going!" nagulat sya sa tinuran ng bata, ngunit hindi sya nag pahalata.

Lumuhod sya ng bahagya upang mag pantay sila nito.

"I'm sorry young man, I didn't notice you, are you hurt?" tanong nya sa bata, nag angat ito ng tingin sakanya. At nang magtama ang mga mata nila ay may kung anong saya at lungkot siyang naramdaman ng makita ang muka nito. Pero isinawalang bahala nalang nya ito.

"Tsss" iritang sagot ng batang lalaki habang hawak parin ang noo. Marahil ay nasaktan ito sa pag kakabangga nito sa kanya.

"I'm sorry I didn't mean-" hindi na niya natapos ang kanyang sasabihin ng biglang tumunog ang cellphone nya.

Danica calling.

"I'm sorry young boy, but I need to answer this phone call. Here," inabutan nya ng $50 ang bata at kaagad na lumabas ng restaurant.

"Hello babe!" masiglang bati ni Danica sa kabilang linya.

"Yes? Do you need anything?" malamig kong turan sa kaniya. Oo nga at fiancee ko si Danica, pero dahil lang iyon sa kagustuhan ng mga magulang nila. Ipinagkasundo lamang sila ng mga ito dahil sa business.

Maganda si Danica, she's every man's desire. Mataas din ang narating nito at kilala ito bilang isang successful writers sa Pilipinas at sa ibang bansa. Ngunit isa lang ang gusto nyang pakasalan. Ang babaeng sinaktan at labis na pinag malupitan nya noon, pero alam nya sa sarili nyang malabo na iyong mangyari dahil sa galit nito sakanya. At aminado syang kasalanan nya iyon.

"Why so sungit babe? I would just like to remind you that you need to accompany Mr. Lim at the Westchester Airport at sabay kayong babalik dito sa Pilipinas. Dad told me that Mr. Lim already called him saying that he's already at the Departure Area." mahabang sabi nito.

"Shit!" I hissed. "I forgot, Tell Tito Damien I'm on my way." hindi ko na inantay ang sagot nya, I end the call. I ran to my car and start the engine, and suddenly bigla syang may naalala.

I forgot to ask the name of the kid.

Nag kibit balikat nalang sya at nag Drive na papuntang airport.

Viona's POV

Pinunasan ko ang luhang kumawala sa aking mapag larong mga mata.

Hindi na dapat ako nasasaktan ng dahil sa kanya. I moved on. Kailangan kong maging matatag para sa anak ko.

Lumapit ang waiter at nilagay na ang orders nila.

Saka nya naalala si Nathan. Hindi pa ito bumabalik. Masyadong na okupa ni Travis ang utak nya.

"Mommy!" lumingon sya sa pinanggalingan ng boses na tumawag sakanya.

Nakakunot ang noo nito, pero napansin nya ang hawak na dolyar nito.

"Anak, saan mo nakuha yan?" tinuro nya ang hawak na pera nito.

"Binigay po saken nung Mister, nabangga po kase aq sakanya. Kaso he already left, but before that he gave me this." paliwanag nito. Tinuro nito ang pinto kung saan malamng lumabas ang sinasabi nitong nakabungguan nya at inabot sakanya ang $50 na hawak nya.

"Did you say sorry to him?" tanong ko sakanya.

"I didn't mommy, umalis na po kase sya agad. Pero nag sorry po sya saken." umupo ito sa tapat nya at nag simula nang kumain ng pizza na inorder nito.

"It's okay baby, but next time pag may nakabangga ka you have to say sorry kahit na hindi ikaw ang may kasalanan ahh?" tango lang ang sinagot nito dahil punong puno ang bibig niti ng pag kain.

Lagi nyang itinuturo sa anak nya ang magandang asal na itinuro sakanya ng mga magulang nya. Buti na lamang at mmasuring bata ang anak nya kaya hindi sya nahihirapan na pangaralan ito tuwing nag kakamali ito.

Pag katapos nilang kumain ay dumiretso na aila sa Airport para antayin ang flight nila. Maaga sila ng 1 hour kaya nag ikot ikot muna sila sa Airport. May mga shops kase dito na pwedeng puntahan.

Nang malapit na ang oras ng flight nila dumiretso na sila sa departure area.

Sa di kalayuan, napansin nya ang isang pamilyar na bulto ng lalaki na kahit kailan ay hindi nya malilimutan.

Travis.








Fated To Love A MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon