Part 3

13 0 0
                                    

5 years later. It took me 5 long years to come back. I can still feel the pain, anger and sadness nang makatapak ako sa bansang tinakbuhan ko 5 years ago.

I can still remember every words he said. I thought okay na ko, na kaya ko na. Pero hindi pa pala. Masakit padin pala.

But I need to face everything now. Hindi pwedeng habang buhay ako mag tago. Kailangan kong maging matatag para sa mga taong nag mamahal saken sa pamilya ko, sa mga kaibigan ko at lalong lalo na sa ala-alang iniwan nya saken, sa anak ko.

Hinawakan ko ang kamay ni Nathan habang papalabas kami ng eroplano.
Habang tinatahak namin ang daan palabas, pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko.

Sa wakas, sa loob ng limang taon na pag tatago, nakabalik na din ako sa bansang pilit kong tinakasan.

Pero iba parin talaga pag nakabalik ka sa pinang galingan mo. Yung lugar na una mong minahal.

Malayo palang kita ko na ang mga magulang ko habang nag aantay sa amin.

Kinawayan ko sila upang madali nila kaming makita. Binuhat ko si Nathan dahil mukang pagod na talaga ito.

Mabuti nalang at inalalayan kami ng crew, dahil kung hindi malamng hindi nya alam kung pano itutulak ang cart nila na may mga bagahe nilang mag ina.

"Iha, it's good to see you again. Na miss kita ng sobra anak." niyakap ako ni mommy at hindi ko na napigilang umiyak.

Sa loob ng limang taon, sa video call lang kami nagkikita. Hindi din namin napag usapan yung mga nangyari noon.

Maswerte ako at may magulang akong katulad nila. Sa mga panahong durog na durog ako, nandyan parin sila para gabayan ako at suportahan ako sa lahat ng naging desisyon ko sa buhay.

"I miss you more ma. I-Im sorry. I'm so sorry." naiiyak na din si Mama pero alam ko pinipigilan nya ang emosyon nya dahil kay Nathan.

"Ano kaba Viona, hanggang ngayon napaka iyakin mo pa rin!" ginulo ni papa ang buhok ko at niyakap nya na din ako.

Natawa ako sa tinuran ni Papa. Hindi pa rin sya nag babago, sya parin yung cool na papa na kilala ko.

"Tsss, namiss mo lang ako pa!" natawa kaming lahat.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala si Nathan sa balikat ko. Kinuha sya ni papa sa akin at nauna na silang mag lakad papunta sa sasakyan.

Bago ako tuluyang lumabas sa lugar na yon, pilit hinahanap ng mata ko ang lalaking bumihag at dumurog ng puso ko. Ngunit nabigo ang mapaglarong mga mata ko.

Pag dating namin sa mansyon, ay sinalubong kami ng mga pinsan ko at ilang kamag anak namin.

Hindi kami ganoon kayaman, pero masasabi ko na kaya naming makipag sabayan sa iba.

Naitaguyod kami ni papa sa sarili nyang sikap at tyaga.
Isa ang pamilya namin sa tinitingalang kompanya ng Architecture Firm dito sa bansa at ilang bansa sa labas. At patuloy pa itong lumalago dahil sa sipag ng aking ama.

"Maraming salamat sa inyong lahat!" isa isa ko silang niyakap.

"You're still as stunning as ever Viona! Kahit may anak ka na, eh maganda ka pa rin!" sabi ni tito Fred, kapatid sya ni mama.

"Thank you tito! Bolero pa rin po kayo" natawa silang lahat sa tinuran ko.

"Vio!!" nakakabinging tilian ang nag palingon saming lahat sa pintuan.

Kahit na hindi ko na sila nakakasama, hindi padin sila nag babago. Maiingay parin sila.

Sinalubong ko ng yakap si Elisa at Davon na kulang nalang ay liparin ang kinatatayuan ko.

"I missed you much girls!" naluluha ako. Pero pinipigalan kong maging emosyonal.

Sila ang tumulong sakin nung mga panahon na tumakas ako at lumabas ng bansa para makaalis sa impyernong buhay ko kay Travis.

Malaki ang pasasalamat ko sa kanilang dalawa. Naging tunay silang mga kaibigan sa akin.

"Bruha ka! Bakit ngayon ka lang umuwi! Napaka rami mong utang samin!" sibi ni Davon na nag pipigil ding maiyak. Nang umalis kase ako noon ng Pilipinas, hindi nila alam na buntis ako. Nalaman lang nila noong dinalaw ako ni tito Fred sa New York pag katapos ng meeting nito sa isang business partner nila ni papa.

"I'm sorry" tanging nasabi ko nalang at mahigpit silang niyakap.

"Ano ka ba naman Davon! Kararating lang ni Viona eh! Yan ang isasalubong mo! May oras para sa kwento!" Inambaan ni Elisa si Davon. Natawa ako sa ginawa nya, sya parin ang pinaka brutal.

"Okay tama na yan!" sigaw ni mama. "Kumain na tayo at nakahanda na ang mga pag kain" nag tungo na ang lahat sa kusina upang kumain.

Napuno ang hapag namin ng tawanan at kwentuhan. Ito ang namiss ko dito sa Pilipinas. Ang makasama ang buong pamilya ko.

Nag sisi ako kung bakit ako umalis noon, alam ko namang hindi ako pababayaan ng mga taong ito na mag isa. Ngunit mas pinili kong mag paka layolayo upag maibsan lahat ng sakit na nadarama ko noon. At naiintindihan naman nila ito.

Pag katapos kumain ay nag tungo kami sa kwarto ko. Iniwan ko muna si Nathan kay mama dahil na rin sa kagustuhan nito.

Pag pasok ko sa kwarto ay hindi ko mapigilang mapasinghap. Halatang hindi pinagalaw ni mama ang kwarto ko. Pero malinis ito.

Itong kwarto na ito ang naging saksi sa bawat pag iyak ko noon.

"In fairness sayo Viona ha! Nanganak ka na't lahat pero ang sexy mo pa rin!" natatawang sabi ni Davon.

"Mas sexy ka pa rin sakin, Dav. At saka ang laki na kaya ng tyan ko!" hinila ko ang maleta ko at ipinatong ito sa kama.

Naupo si Elisa at Davon sa kama.

"Nalalakihan ka pa sa tyan mong yan? Paano naman yung kay Elisa?!"

"Bwisit ka talaga!!" hinampas ni Elisa ng unan si Davon dahil sa sinabi nito.

"Hahahahahahahaha" napuno ng tawanan naming tatlo ang kwarto ko.

Biglang natahimik ang dalawa.

"By the way, have you heard the news?" seryosong  tanong ni Elisa.

"Yeah." maikling sagot ko. Nakatungo ako dahil inaayos ko ang maleta ko kaya hindi nila makita ang muka ko.

"Are you okay?" tanong ni Davon sa kin at hinawakan ang kamay ko.

"Of course, I'm okay!" nag angat ako ng tingin sa kanila. "Nakita ko sya sa Westchester Airport." nanlaki ang mga mata nila.

"Really?!" sabay nilang sabi.

"Yes, pero hindi nya ako nakita. Nag tago kami ni Nathan." pinag patuloy ko ang pag aayos ko ng gamit.

"Mabuti nalang at ganon. Pano nalang kung makita nya si Nathan at kunin nya sayo ang bata! Naku! Makakalbo ko talaga sya!" nakaramdam ako ng takot dahil sa sinabi nyang iyon.

Naisio ko na rin iyon dati, kaya nabuo ang desisyon ko na wag nang ipaalam kay Travis ang tungkol kay Nathan. Alam kong hindi tama, pero natatakot ako na baka pati si Nathan ay hindi nya tanggapin.
O kaya, kapag nalaman nya eh kunin nito sa akin ang anak ko. Hindi ko kaakayanin.

"Ano kaba naman Davon!" natulala ako dahil sa sinabi ni Davon.

Hinawakan ni Elisa ang balikat ko. At marahan ako hinarap sa kanya.

"Viona, do you think he deserves to know? Sya pa rin ang ama ng anak mo. At I'm sure Nathan wanted to know him too." tumalikod ako sa knya para itago ang mga luhang nag babadyang tumulo sa mga mata ko.

Ayaw kong makita nila na nasasaktan pa rin ako.

"Hindi ko pa alam, pero natatakot ako. Na baka pag nalaman nya itakwil nya si Nathan katulad ng pag tataboy nya skin noon. Hindi ko kakayanin kung pati ang anak ko eh maranasan ang kalupitan ng ama nya."  niyakap nila akong dalawa.

"Hindi ko kaya.."

Fated To Love A MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon