Part 4

12 0 0
                                    

Pagkatapos ng mahabang kwentuhan namin nila Elisa at Davon, ay umalis na din sila.

Ngunit bago sila umalis ay niyaya nila akong mag out of town kami. Para naman daw mawala lahat ng iniisip ko, tutal ay nag bakasyon ako dito sa pinas para mag saya.

Dahil sa kakulitan ng dalawa, pumayag na rin ako. Since namimiss ko na din ang beach dito sa pinas.

Pagkaalis ng dalawa ay umidlip ako saglit para makapag pahinga na din.

Gabi na ng bumangon ako. Unang hinanap ng mata ko ay ang anak ko. Dahil wala itong sariling kwarto dito sa mansyon, ay mag kasama sila sa iisang kwarto.

Wala namang problema sa kanya iyon dahil ganun naman ang set up nila sa New York. Sinanay nya ang anak nyang matulog katabi siya.

Nang hindi nya mahagilap ang anak ay lumabas sya ng kwarto at nag tungo sa sala.

Ngunit wala ding tao roon.

"Asan sila? 9pm na." nag tungo ako sa kusina para uminom ng tubig.

Naabutan ko si Manang Lydia na nag huhugas ng mga pinagkainan. Na siya namang ipinag taka ko dahil kanina pa tapos kumain ang lahat.

"Manang, may dumating ho bang bisita at nag huhugas nanaman kayo ng pinggan?" tanong ko saknya habang kumukuha ng baso.


Nilingon ako ni manang Lydia at matamis na ngumiti sa akin.

“Nag paluto kase ng snack ang papa mo. Nanonood kase sila ng movie sa theater room. Nakakatuwa iyong si Nathan iha. Napaka daldal. Kaya naman tuwang tuwa ang iyong mga magulang.”natatawang sabi nito at pinag patuloy na ulit ang ginagawa na hindi inaalis ang ngiti sa kanya mga labi.

“Ganon ho talaga iyon manang, sana lang ho ay hindi kayo mapagod dahil sa kakulitan ng batang iyon.”ibinalik ko ang tubig sa ref at inabot kay manang ang basong ginamit ko.

“Ano ka ba naman iha, hindi mo ba naalala na ganyang ganyan ka din noong ikaý maliit pa lamang. Saka napakaka tagal na panahon na din simula nung nag karoon ng batang ganyang kakulit dito sa mansyon. Siguradong naliligayahan ang magulang mo ngayon. Maging kami Viona.” mahbang turan ni ate Lydia na syang nag pa ngiti sa akin.

“Maraming salamat ho manang.” nginitian ko si manang. Si manang Lydia  na ang itinuring kong pangalawang ina. Sya rin ang nag alaga sa akin nung akoý maliit pa kaya malapit na malapit sya aming pamilya.

“Walang anuman iha, O sya, ikaw mag punta na roon at kanina ka pa tinatanong ng anak mong iyon. Sinabi ko lang na nag papahinga ka sa itaas.” sabi nito.

Niyakap ko si manang at saka tumungo sa Theater room.

Naabutan ko silang masayang nag kukulitan habang nanunuod ng pambatang palabas. Ang saya sa pakiramdam makita silang masaya na ganyan. Naiisip ko tuloy kung ano kayang pakiramdam kung kasama ko sila Mama at Papa na palakihin si Nathan.

Kung hindi sana ako tumakbo noon at nag pa kalayo layo, sana marami silang napag samahan, sana nakita nila ang unang pag tayo at hakbang ng anak ko. Narinig sana nila ang mga unang salita na nabigkas ni Nathan.

Hindi ko namamalayan na umiiyak na pala ako. Mabuti nalang at hindi pa nila ako napapansin. Nakapatay kase ang ilaw. Pinunasan ko ang luha ko at nag pasya na lumapit na sa kanila.

“Mommy!” tumakbo ito palapit sa akin at nag pa buhat. “You’re awake na! Mommy La said not to wake you up because you are tired.” i kissed him on the cheeks.

“Mommy’s not tired na.” binaba ko na ito at humalik kila mama at papa. Naupo ako sa bakanteng upuan katabi ng upuan ni Nathan.

“How’s your sleep iha?” tanong sa akin ni mama habang kumakain ng popcorn. Inabot nito sa aking ang isang bowl.

“It’s refreshing, thanks ma.” kinuha ko ang bowl sa kanya at nag simula na akong kainin iyon. “Bakit hindi pa po kayo nag papahinga? Masyado na pong late.” tanong ko sa kanila habang ngumunguya.

“Ano ka ba anak, ngayon lang kami nag karoon ng oras na ganito para kay Nathan, palalampasin pa ba namin?” turan ni papa at ginulo ang buhok ni Nathan.


“Nakonsenya naman po ako,” malungkot na pahayag ko. Hinawakan ni mama ang kamay ko, at ipinatong sa hita nya.

“Don’t be iha, ikaw at si Nathan ang dahilan kung bakit punong -puno ng tawanan ang bahay na ito. Kayo ng apo ko ang nag papsaya sa amin ng papa mo.” nakangiti nitong sabi saakin.

“Thank you ma, pa, for everything.” nakangiting sabi ko sa kanila.


Masaya kaming nanood. Nag kulitan. Hanggang sa nag pasya kaming matulog na. Masyado na ding pagod si Nathan dahil sa paglilikot nito.


Buhat ko si Nathan paakyat. Nang nakapasok kami sa kwarto, hiniga ko na si Nathan sa kama.

“Mom,?” napalingon ako sa anak ko nang tinawag ako nito.


“Yes baby?” lumapit ako sakanya at tinabihan sya sa kama.

“Where’s Daddy? Akala ko po makakasama na natin sya dito. Why isn’t he here? Hindi nya ba ako love?”mahabang tanong nito.

Nawalan ako ng isasagot sa anak ko dahil sa tanong nya. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya ang tungkol sa daddy nya. Alam kong nasasaktan ang anak ko dahil nasasabik ito na makita ang ama niya.

“Of course he loves you baby. Busy lang si Daddy sa work kaya hindi sya nakakapag pakita sayo.” masakait mag sinungaling sa anak ko, pero hindi ko naman kayang ipagkait sakanya ang pag kakaroon ng ama.

“Pupuntahan ba nya ko mommy pag good boy ako?” bumuo ako ng desisyon dahil sa tanong nyang ito.

“Mommy will find him for you baby. And I will make sure na makikita mo ang daddy mo okay?” nag liwanag ang muka nito dahil sa sinabi ko.

“Thank you mommy!”hinalikan ako ni Nathan at niyakap saka ito humiga at pumikit na.

I’ll find your dad baby, and I am going to tell him everything. Sisiguraduhin ko na makikilala mo sya. Pero hindi pa sa ngayon. Kapag handa na si Mommy. Kapag kaya na ni mommy. I’m sorry anak…..

Hinalikan ko sa Nathan sa noo bago ako humiga sa tabi nya

Fated To Love A MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon