Dianne's POV
Yehey!! nandito na kami ngayon sa Botanical Gardens!! hoo!!! ang sarap ng simoy ng hangin....
malapit lang to sa kinuha kong hotel kaya ito ang una naming pinuntahan...
Si Nathan?? eto nasa likod ko! Malabodyguard.! haha!! mukhang hindi siya nag-eenjoy..pero ano bang pakialam ko? bahala siya!!
*click*
*click*
*click*
*click*
Kinukuhanan ko ng pictures ang magagandang bulaklak!! tsk. ahm ganda!!!
"hoy! Oh!" inabot ko kay nathan ang camera para makuhanan niya ko sa tabi ng mga flowers..
ganda talaga!!! hihi
Nathan's POV
Pambihira!! ano ba naman tong babaeng to!! parang ngayon lang nakakita ng bulaklak! buti na lang talga wala pa siyang ginagawang kung ano sakin.....hmmm...
para siyang bata! Wala akong magawa kundi ang sundan lang siya ng sundan!
"hoy! ayoko na dito! tara na sa ibang lugar!" sabi ko sa kanya
" ayoko pa!! teka ayun!!! may Igorot statue!! Picturan mo ko dun dali!" at ayun nagtatakbo ang bata!!
" Hoy!! baka madapa ka!! wag ka ngang tumakbo!!" pagkasabi ko nun..huminto siya. kaya tumakbo na rin ako papalapit sa kanya..
" kung ganun..concern ka sakin???"
" hah? hindi noh! Lagot ako kay sir pag umuwi tayo na may bangas ka sa mukha!!"
" tsk. bahala ka! " ayun nagtatakbo na naman!! bakit ba ang kulit niya??
" Tingnan mo!! kamukha mo yung Igorot oh!!! wahaha!!! Pipicturan ko kayo dali!!!" - Dianne
" ayoko nga!! mas bagay ka dun!! akina!! pipicturan kita!!" - ako
" ayoko!!! ikaw nga muna!! kamukha mo naman eh!! haha" - Dianne
" ikaw na lang!!!" - ako
patuloy naming pinag -aagawan yung camera hanggang sa.....
*BLAG*
nalagag yung camera!!
" Oh MY!! Ano ka ba naman?? tingnan mo oh!! pag nasira to!! ibibili mo ko ng bago!!!"- Dianne
" Sino bang may kasalanan?? ikaw kaya!!!" - ako
" tsk. kasi naman eh...buti na lang ayos pa!! ang kulit mo kasi !! ayoko na nga dyan!!" - Dianne
tsk. para talagang bata!!
" wishing well??? meron pala nito dito??" - sabi niya na mukhang manghang mangha! may nadaanan kasi kaming isang wishing well..
" tsk ngayon ka lang ba nakakita ng wishing well hah?" - ako
" hindi ah! nagulat lang ako!! teka magwiwish ako!!" kinuha niya yung wallet sa bag niya kaso...
" Teka.. sabihin mo nga!! pwede bang hindi coin ang ilagay? buo lahat ng pera ko eh!!" - Dianne
" pambihira!! wag ka na ngang pumatol sa ewang wishing well na yan!! " hinigit ko ang kamay niya para makaalis na kami dun..

BINABASA MO ANG
Insert Token please.. <3
Short Storymaraming pagkakataon na kung kelan handa mo nang ilaro ang puso mo...Kung kelan handa ka nang ilaban ang nag-iisang token mo...saka mo malalamang..kung merong 'INSERT COIN SLOT'....Meron din palang 'COIN REJECTOR SLOT'.....It's so painful to LOSE af...