Miracles In December

8 0 0
                                    

Alas otso na ng gabi ng ako ay makalabas sa building na pinag tratrabahuhan ko dito sa may parteng Makati. Ineexpect ko na ang matinding traffic dahil bukod sa Biyernes ngayon, may nabalitaan pa akong banggaan kanina daw sa may SLEX. 

Naglakadlakad muna ako sa Ayala Triangle. At nagmunimuni. Ika walo na ng Disyembre kung kaya't malamig na ang simoy ng hangin. At may nagkakabit na rin ng mga Christmas Lights. Natutuwa ako dahil mapalit na ang Pasko. Sa totoo lang, iyon ang pinaka paborito kong pangyayari sa loob ng isang taon.

" Hi Miss, pede bang magtanong? " saad ng isang lalaki na kasalubong ko. Naka suit and tie siya na all black. Parang kagagaling lang niya sa isang libing.

" Uhm sure. Ano yon? " Ako

Ngumiti muna siya bago mag salitang muli. " May kilala ka bang Faith Sanchez? "

Nanlaki ang mata ko dahil sa tanong niya.

" HA? AKO YUN. BAKIT? " 

" Ah, ikaw pala si Faith. " sabay ngiti niya.

Isang gwapong lalaki ang kaharap ko ngayon. Sa damit na suot niya, kitang kita ang hubog ng katawan niya. Matangos ang ilong niya, mapula ang labi at kulay brown ang mga mata.

Biglang humagin ng malakas kung kaya't napatakip ako ng mata upang maiwas sa pagkaka puwing. Ngunit sa muling pagka dilat ko, nawala bigla ang lalaki. Imposible.

Muli ko siyang hinanap sa paligid. Ngunit ako na lang mag isa dito sa Ayala Triangle.  Mismong yung mga lalaking nagkakabit ng mga xmas lights ay nawala na din. Imposible talaga. Anong nangyayari? 

- - - 

" FAIIIIIIITTTTTTTHHHH!! Gumisng ka na. " Naalimpungatan ako sa sigaw na umalingawngaw sa kwarto ko.

Pagdilat ng mata ko ay agad kong nakita si Samantha, ang pinsan ko. Na nakatayo sa may pintuan.

" Anong problema mo? " tanong ko sakanya habang nagpupunas ng bibig.

In my peripheral vision, nakita kong umirap siya. " FAITH, Alas nuwebe na. "

Agad na nang laki ang mga singkit kong mata. ANO KAMO? ALAS NUWEBE NA?!

" Oh, nganga ka ngayon? Bumagon ka na kasi jan. Anjan na yung sundo mo. " sabay alis niya.

Para akong lumutang ng narinig ko ang sinabi ng pinsan kong si Samantha. Anjan na ang sundo ko, ang love of my life ko, ang mapapangasawa ko. 

Mabilis akong naligo at nagbihis. Agad agad akong bumaba upang masilayan ko na ang pinakama mahal ko. 

Kaagad naman siyang tumayo ng makita ako. " Goodmorning Baby. ''  

Lumapit ako sakanya at niyapos siya. " Good morning din. "

" Ehem ehem. " nagulat ako ng biglang nag pekeng ubo si Ate Sheinah, pinsan ko din. Kung kaya't napabitaw ako kay Gerard.

 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 04, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Miracles In DecemberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon