Chapter 2

28 1 0
                                    

CHAPTER 2

            “O, ano? Basted ka no?!” panimula ni Bethany nang maka-uwi na ako sa apartment.

Lutang pa rin ang isip ko dahil sa nangyari kanina. Hindi ko nga alam na naka-uwi na pala ako.

            Pilit kong binalikan ang mga nangyari kanina.

            Let’s have a date…

            Let’s have a date…

            Let’s have a date…

Date? As in, date?! 'Yung tipong, may holding hands. Tapos, candle lit dinner. With matching romantic ambience and romantic music?

“Hoy! Natulala ka na naman diyan.”

Tapos, isasayaw niya ako sa saliw ng napaka-gandang musika. Tapos, unti-unting maglalapit ang aming mga labi. Tapos, ako naman ay napa-pikit na lamang dahil sa antisipasyon. Unti-unti. Nararamdaman ko na ang kanyang hininga sa aking mukha. Ang bango. Ayan, kaunti na lang. Malapit na. 'Eto na.

Parang may sirang plaka na tumunog sa isip ko nang bigla akong batuhin ng throw pillow ni Bethany. Naputol tuloy ang pade-daydream ko.

“Hoy, nakaka-dalawa ka na sa pananakit sa akin ha?” Napaka-bayolente talaga nito kahit kailan.

“Baka kasi maubos na 'yang kurtina dahil sa kakakagat mo.”

Saka ko lang napansin ang hawak kong kurtina. Grabe, kinagat ko ba talaga 'to?

“Alam mo, simula kanina, parang mas naging malala ang kapraningan mo.”

“Paano mo naman nasabi?” Pinulot ko na ang binato niyang unan saka dumiretso ng kusina. Nalasahan ko pa kasi ang medyo maalikabok na kurtina ko. Matagal na pala simula ng nakapag-general cleaning ako.

“Kung nakita mo lang sana ang reaksyon mo kanina, siguradong mawi-wirduhan ka rin. Sayang nga lang at wala akong camera. Para naman sana may pam-black mail ako sa’yo.”

“Bakit? Ano ba ang reaksyon ko kanina?”

“Para kang aso na takam na takam sa buto. Kulang na nga lang na bumaha ang laway mo kanina. Yucks!” sabi nito na tila diring-diri talaga with matching ngisay-ngisay pa.

“Kung maka-yucks naman 'to. Saka, may karapatan akong maging weird ano? I’m an artist. I have all the rights to be and act weird.” Tama naman ako 'di ba? Lahat ng artist ay may itinatago ring kapraningan at kawirduhan sa katawan. Kanya-kanya nga lang kung paano nila iyon pinapakita.

“Oo nga. Kaso, ang sa’yo naman mas lalong lumala. Teka, ano ba’ng nangyari kanina? Nabasted ka ba sa panliligaw diyan kay Blake, ha?” sunud-sunod na litanya ni Bethany. Napaghahalataan tuloy na tsismosa.

And speaking of Blake…

Nagsisimula na naman akong bumalik sa naudlot na pagpapantasya kanina. Haaayyy…

“Hep! Tama na 'yang pagpapantasya mo. Magkwento ka. Dali!”

Mas excited pa siya sa akin.

“Oo na. Istorbo ka talaga kahit kailan.” Kung kailan malapit na kaming maghalikan, e. Hmmmppp.

Sandali siyang natahimik matapos kong maikwento ang mga pangyayari kanina. Waring tinitimbang ang mga nangyari.  Pagkuwa’y tumingin sa akin na parang hindi makapaniwala.

“Sure ka ba?” sabi pa niya.

“Tingnan mo 'to. Pagku-kwentuhin mo ako tapos tatanungin mo ako ng ganyan?” Nakakasama talaga ng loob 'tong si Bethany.

MARRYING MY MISTER DREAMBOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon