CHAPTER 3
“YES?” sagot ni Blake sa kabilang linya ng kanyang cell phone. Kilala na niya kung sino ang kanyang caller.
“So, how’s it going?” tanong ng nasa kabilang linya. “Napa-sagot mo na ba?”
“Not yet.”
“Tsk. 'Tagal naman!” palatak na wika nito. “Wala sa lahi natin ang mabagal kumilos. Lalung-lalo na sa panliligaw.”
Kung kaharap niya lang pinsan niyang ito, baka nabigwasan na niya ito. Maliitin ba ang kakayahan niyang manligaw?
“'Lul! Nagsalita ang magaling,” komento niya rito. “Eh, ikaw nga 'tong-…”
“Hep!” putol nito sa sasabihin niya. “This has nothing to do with me, Blake. Ikaw ang bida rito. Hindi ako. Kumbaga sa music video, cameo role lang ako.”
Sensitive talaga itong si Trey, ang pinsan niya, pagdating sa mga ganoong bagay. Nakatuwaan niya nang asarin ito kapag siya na ang napipikon rito. Para na rin kasi silang magkapatid. Lumaki sila pareho sa piling ng kanilang yumaong abuelo. Kaya higit pa sa magpinsan ang turing nila sa isa’t isa. May kapatid naman siya, si Lucky, babae nga lamang ito pero hindi ibig sabihin na hindi na siya close rito. Kaya lang, mas close sila ni Trey.
Mabisita nga minsan si Lucky. Miss ko na rin mga pamangkin ko.
Naunahan pa siyang magpakasal ng kanyang kapatid. Samantalang siya ang mas nakakatanda rito.
“So, ano na ang plano mo ngayon?” tanong ni Trey sa kanya.
Ano nga ba?
“I don’t know,” sabi na lamang niya sa kawalan ng masasagot.
Totoong hindi niya alam ang dapat gawin sa mga panahong iyon. Naupo na lamang siya sa high chair sa kanyang kusina.
“Hindi ba’t sinabi mo sa’kin na may gusto siya sa’yo? Why don’t you start from there? It’s an advantage, you know,” suhestiyon nito.
“And then what? After we get married I’ll just drop her like a hot potato?” sarkastikong wika niya. Hindi niya yata kayang gawin ang bagay na 'yon.
“Wel-…”
“You know I can’t do that!” naaasar na wika niya. “Hindi naman ako ganoon kaganid para manakit ng damdamin. Lalo na sa isang babae.”
“Hey, relax!” natatawang sabi ng kanyang pinsan. “Walang nakikipag-away sa’yo, 'insan.”
“Kung kaharap lang kita ngayon Travis Jayson baka nabigwasan na kita,” banta niya rito.
“Buti na lang pala at wala ako riyan,” palatak na saad naman nito. “I didn’t mean it that way,” tukoy nito sa sinabi nito kanina lang.
“Then what did you meant by that?”
“Try to court her. Kilalanin mo siya. Nang sa gayon ay magkaroon ka ng idea tungkol sa kanya. And since she likes you, start from there. Malay mo magustuhan mo rin siya at magkatuluyan pa kayo,” pagkaklaro nito.
Trying hard maging Kupido.
“I already knew her.”
BINABASA MO ANG
MARRYING MY MISTER DREAMBOY
Romansa"Sana kasi, nakuntento na lamang ako na sa nobela ko lang magiging 'tayo'. Dahil sa mga nobela ko, malaya kong naiisip ang kahit na ano. Kaya kong isulat at isipin na may pagtingin ko rin sa'kin kahit paano. Dahil sa bawat kwentong naisusulat ko, an...