Copyright © 2013 by Jerick Lozano Uyami
All rights reserved. Reproduction or utilization of this work in whole or in part in any form by any electronic, mechanical or other means, now known or hereafter invented, is forbidden without the permission of the author.
This is a work of fiction. Names, characters, places and incidents are either the product of the author's imagination or are used fictitiously, and any resemblance to actual persons, living or dead, business establishments, events or locales is entirely coincidental.
---------------------------------------------------------------------------------------------
"DORINA MARIE MACASPAC, this is pathetic."
Hindi ko pinansin ang sinabi ng kaibigan at kapit-bahay kong si Bethany. Sa halip ay ipinagpatuloy ko ang paghahanda ng niluto kong ulam sa isang Tupperware. Saktong lunch time nang matapos ko ang pagluluto ng kaldereta.
"I mean, ano bang pumasok sa praning mong utak at naisipan mong gawin ang mga bagay na ganito?"
"Bakit? Ano'ng masama sa ginagawa ko?"
"You're preparing food for some guy!" pigil-sigaw nito. "At ihahatid mo pa sa bahay niya. Parang sa ginagawa mo ay nililigawan mo na siya."
"I can't see anything wrong about it," sagot ko naman. "Atsaka, ilang taon ko na rin naman 'tong ginagawa. So far, hindi naman siya nagrereklamo. In fact, tinatanggap naman niya ang mga pagkaing niluluto ko."
"So inaamin mong nililigawan mo nga siya?"
Medyo natigilan ako sa tanong niya at napaisip. Mula nang tumira kasi ako sa barangay na iyon, kung saan din nakatira ang aking amore na si Blue Jake Constantino, ay nagka-crush na ako sa kanya. In fact, siya ang dahilan kung bakit ko napasok ang romance writing bilang career. Siya kasi ang nagsisilbing inspirasyon ko sa bawat nobelang nagagawa ko. Siyempre, ako ang kanyang heroine. Kaya nga patok na patok ang mga nobela ko.
"Hoy, natulala ka na diyan."
Agad naman akong napalingon kay Bethany na kasalukuyan ay sumasandok na ng kanin.
"So?" Nag-aantay talaga ng sagot ang bruha.
Well, kung panliligaw nga ang tawag sa paghahanda ng pagkain para sa isang lalaki, sino ako para i-deny 'yon?
"Oo. Siguro. Ewan."
"Hay naku, ngayon palang pinapabaunan na kita ng sandamakmak na 'good luck and God bless'."
"Bakit naman?"
"Dahil mukhang tinamaan ka sa lalaking bato na 'yon."
"Bato?"
"Oo, bato. Walang pakiramdam. Walang reaksyon. Manhid. Ni hindi nga ngumingiti e. Suplado tuloy ang dating."
"Ano ka ba? May karapatan naman siyang mag-suplado no? Gwapo naman kasi."
"Siguro."
Hindi na ako nagtaka sa sagot na iyon ni Bethany. Wala kasing gwapo sa paningin nito. Pero para sa akin, isa lang ang definition ng gwapo. At iyon ay si Blue Jake "Blake" Constantino.
Blake is undeniably gorgeous from head to toe. From his blue eyes, nose, thin red lips, and his beautiful body, he is truly perfect. Not to mention that he is also rich dahil dati itong car racer. Iniwan lang nito ang pangangarera dahil sa kanilang negosyo. Mula nang masilayan niya ang kakisigan nito, limang taon na ang nakararaan, sa mga diyaryo, ay nagka-crush na siya rito. Palagi niya itong sine-search sa google, facebook, twitter at kung anu-ano pang social networking sites. Kaya imbes na matapos ang mga nobela niya, ang pangi-stalk ang ginagawa niya. Kaya naman napaka-swerte niya ng maging kapit-bahay niya ang lalaking ito.
BINABASA MO ANG
MARRYING MY MISTER DREAMBOY
Romance"Sana kasi, nakuntento na lamang ako na sa nobela ko lang magiging 'tayo'. Dahil sa mga nobela ko, malaya kong naiisip ang kahit na ano. Kaya kong isulat at isipin na may pagtingin ko rin sa'kin kahit paano. Dahil sa bawat kwentong naisusulat ko, an...