0010.

7 1 0
                                    

Stanley

Habang nagbabyahe nagulat ako ng maramdaman ko na may mabigat sa balikat ko at ayun! Si caryl nakatulog na haha!

Pinagmasdan ko ang mukha niya. Makinis, matangos ang ilong, mahahaba yung pilikmata niya at ang ganda ng korte ng kilay niya, mapupulang pisngi at—labi. Ano ba stanley! Kaibigan mo siya okay! Kaibigan lang.

--

Nang makarating kami sa lugar na hindi namin alam ay nagsibabaan na ang mga kasamahan namin at kami nalang ni caryl naiwan dahil ang sarap pa ng tulog niya.

We stayed like this in few minutes dahil parang gustong-gusto ko siya masolo. Ewan ko ba—parang...parang nagugustuhan ko na siya pero hindi ko masabi-sabi dahil baka magfreak-out siya. OA pa naman to at isa pa baka magkailangan kami at ayaw ko masira ang pagkakaibigan namin.

Napagdesisyunan ko na siyang gisingin dahil baka hinahanap na kami.

*poke*
*poke*

Kinakalabit ko siya pero tinampal niya lang ang kamay ko kaya nakaisip ako ng paraan.

Ayaw mo ah...

"Caryl gising na! Pag hindi ka nagising hahalikan kita sige ka!" Sabi ko at boom! Nagising siya ng tuluyan! Galing ko talaga pero sa hindi inaasahan ay natulak niya ko kaya naman bumagsak ako.

"Shit! Ang sakit!" Hindi ko na napigilang magcussed eh sakit kaya try ko sayo.

"S-stanley?!" Gulat niyang sabi na hindi makapaniwala. Oh diba, sabi ko naman sainyo OA siya? Naniniwala na kayo?

"Oo ako nga! Grabe ka manulak daig mo pang ang lalake! Tulungan mo kaya akong tumayo." Sabi ko at tinulungan niya na ko.

"S-sorry stanley kala ko kasi manyakis ka eh!" Sabay palo niya sa balikat ko. Ang cute niya talaga buti nga hindi ko talaga siya hinalikan eh.

"Haha okay lang atleast nagising kana kaya bumaba na tayo at hinahanap na nila tayo." Sabi ko at sumunod naman siya.

"Wait! Yung mga gamit ko saan?" Tanong niya.

"Si jungkook na ang nagdala mapilit eh. Hanapin mo nalang siya mamaya." Sabi ko."dapat nga ako magdadala niyon eh."halos pabulong kong sabi ng makababa kami at sinundan ang mga kasama namin.

"May sinasabi ka stanley?" Tanong niya.

"Wala! Sabi ko tara na ang bagal-bagal mo talaga! Kargahin kita eh!" Sabi ko at nakita ko siyang namula. Haha cute!

"E-ewan ko sayo! Diyan ka na nga! Doon nalang ako kay kookie! Bleh!" Sabay nilampasan ako. At ano daw kay kookie?

Si kookie nanaman?! Kookiengina naman oh!

Edi magsama silang dalawa!

He's the OneWhere stories live. Discover now