0013.

7 1 0
                                    

Jungkook

Nakikita ko na siya papunta dito sa direksyon ko. Sasabihin ko na kaya?

--
Caryl

Pagkalapit ko kay kookie ay umupo ako sa tabi niya.

"Hi kookie!" Bati ko at ngumiti lang siya.

*silence*

Maya-maya...

"Caryl?" Siya.

"Hmmm?" Sagot ko.

"Pwede magtanong?" Sabi niya."Go ahead makikinig ako."sagot ko naman.

"Ano kasi...may kaibigan ako na lalake tapos may gusto siyang babae pero hindi niya masabi ang nararamdaman niya sa babae dahil iniisip niya na baka mabigla ito at iwasan siya. Natatakot yung lalake sa magiging reaksyon ng babae pero hindi alam ng lalake na may gusto na rin pala sakanya ang babae pero natatakot silang magconfess ng feelings nila. Pero kung ikaw ang nasa posisyon ng babae anong gagawin mo?" Nagulat ako sa tanong niya. So humihingi ba siya ng advice?

"Anong pangalan ng kaibigan mong lalake?" Tanong ko at parang kinakabahan siya.

"Uhm si...s-si toffer! Si toffer hehe." Sagot niya.

"Kung ako si babae siyempre matutuwa ako kasi nalaman ko na gusto pala ako ng lalakeng gusto ko pero hindi niya alam na gusto ko siya, so ang gagawin ko kakausapin ko siya at ilalabas ko ang nararamdaman ko sakanya dahil hindi naman manghuhula si lalake ng feelings at para malaman niya at hindi siya umasa kung may pag-asa ba o wala." Sagot ko at nabalot kami ng katahimikan.

*silence*

"Caryl?" Tawag niya sakin.

"B-bakit?" Pati ako nautal bigla.

"Nah. Nevermind haha! Tara balik na tayo gabi na oh mahamog na." At tumayo na kami. Nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko at may naramdaman akong parang kuryente na dumaloy sa katawan ko tapos biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Anong ibig sabihin nito?

Kunyari hindi ako nagulat at bumalik na kami sa assigned tents namin.

Bago kami magsipasok sa tent namin ay narinig kong nagsalita si kookie.

"Goodnight caryl sweet dreams." Sabi niya at nakaramdam ako ng konting kilig.

"G-goodnight kookie." Sabay pasok ko agad sa loob at nahiga.

Bakit feeling ko ako yung babae na tinutukoy ni kookie kanina at siya yung lalake. Pero ayaw kong mag-assume muna baka umasa lang ako.

Feeling ko unti-unti na kong nahuhulog sakanya😍

Kookie what have you've done to me?!

---

Third Person

Flashback...

Habang nag-uusap sila caryl at kookie ay hindi nila alam na gising din si stanley at nakamasid lang sakanila sa di kalayuan.

Narinig niya lahat ng kanilang usapan at nakaramdam siya ng inis ng makita niya na hinawakan ni jungkook ang kamay ni caryl at sabay na bumalik sa kanilang mga tent. Nagtago naman si stanley sa likod ng malaking puno.

Nakaramdam siya ng inis dahil sa nakita kaya bigla niyang naikuyom ang kaniyang mga kamay.

--

Stanley

Sana ako nalang ang dahilan ng pagtawa mo at ako ang nagbibigay ng mga ngiti sa labi mo.

And i didn't expect that im falling with my bestfriend.

He's the OneWhere stories live. Discover now