Chapter 3

108 0 0
                                    

Matagal bago nagsink in kay Daniel ang nangyari. Tinignan niya si Kathryn nang naglakad ito papalayo sa kanya matapos ang ginawa nito.

Strangely, with the destruction she just did, he wasnt mad at her because he knew why she did it in the first place. If what she just did didnt involve him being disturbed while working, he'd be amused even.

Kinailangan na ni Daniel na matapos ang trabaho. Pinulot na niya ang mga gamit na naglalaglag sa buhangin. Tumingin muna siya sa dako ni Kathryn at nakita pa niya itong ngumiti sa kanya nang pagkalaki-laki bago tumalikod. Napailing nalang siya at pumunta narin sa hotel dala ang kagamitang naliligo pa sa buhangin.

_______________________

"I bow down to you, My queen." Si Miles habang umaarteng nag bbow sa harap ni Kath.

"Ikaw na ang bitchiest bitch of all time! The queen of bitches, Kathryn Bernardo." Si Mariko na tawang-tawa pa rin sa ginawa ng kaibigan.

Kasalukuyan pa ring nagbebreakfast ang magkakaibigan at pinaguusapan pa rin nila ang ginawa ni Kathryn sa lalaking iyon.

"In all fairness girl! Gulat na gulat siya sa ginawa mo. Bawing bawi ka na!" Nakangiting sabi ni Julia sa kaibigan.

"Oh no no! Im so not done yet. Marami pa siyang ikagugulat from me.  Hindi niya alam kung sino ang kinalaban niya." Kathryn with a smug look on her face.

"Kawawa naman si hottie sa yo. Warning lang, huwag kang masyadong lumapit sa kanya pag ineexecute mo na ang plano mo." Sabi ni Miles.

"Huh?" Pagtataka ni Kath

"You'll burn. He's too hot."

"Tigilan mo nga ako Milya. Baka siya ang sunugin ko sa ginawa niyang pang iinsulto sa akin kahit wala akong ginawa sa kanya."

Nagtawanan nalang ang magkakaibigan. Matapos nilang magbreakfast ay naghanda na rin si Kath para mag-gym bago gumala.

_______________________

Bilang isang print at ramp model, kinailangan ni Kathryn mapanitili sa insaktong ayos ang katawan niya dahil ito ang pinakamalaking puhunan niya.

She lives a healthy lifestyle which includes a twice-a-week 30 minute to 1 hour work out. Kaya kahit nagbabakasyon siya ay hindi pa rin siya papalya dito.

Si Julia naman na magpapakasal na sa susunod na buwan ay kinailangan ding magbawas ng timbang dahil ayon sa kanya ay tumaba siya matapos sukatan para sa wedding gown. Ikinatatakot niya na baka hindi na siya kasya dito kaya minarapat niyang sumama na rin kay Kathryn sa pagwowork-out.

Kathryn wore a pink tight-fitting sleeveless top at white sports shorts. Si Julia naman ay naka white sports bra at jogging pants,  parehong naka-ponytale ang buhok. Dala rin nila ang kanilang bags na may lang pampalit na damit matapos mag-gym. 

Ang gym ay isa mga amenities ng tinutuluyan nilang hotel at tanging mga guests lamang ng hotel ang makakagamit nito.

Pagpasok nilang dalawa sa gym ay pinagtinginan agad sila ng mga tao roon lalo na ang mga lalaki.

Hindi rin naman nila maikakaila na pareho silang hindi alangan pagdating sa itsura kaya para sa kanila ay normal nalang na pagtinginan sila ng mga lalaki.

"Juls, dito tayo." Hinila ni Kathryn si Julia sa dalawang magkatabing treadmill at nagsimula na rin magjog.

Matapos ang 45 minutes sa treadmill ay nagpahinga muna ang dalawa. Kakaupo lang nila sa bench malapit sa tabi, tatlo sa mga lalaking napatingin sa kanila kaina ay nilapitan sila.

Sweet screwed-up summer (A KathNiel Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon