Chapter 4

90 0 0
                                    

'Sige go kami jan, Miles' Reply ni Lester sa text ni Miles na niyaya silang mag swimming.

'Oy mga brad! Night swimming daw kasama sila Miles. Bihis na bilis' Sigaw ni Lester sa mga kaibigan habang nanoud sila ng TV sa hotel room.

'Teka! Ang bilis mong makakuha nang number ah. Iba ka Les, uhaw na uhaw sa chicks.' Tawang sabi ni Robi sa kaibigan.

'May number ka nung Kath?' Tanong ni Daniel.

'Sinasabi ko na nga ba! Tinamaan ka na niya eh!'

'Ulol. Kailangan ko pang magsorry.'

'Sorry pero wala. Sobrang ganda niya para makaya ng guts ko humingi ng number pre. Ikaw na humanap ng paraan, ikaw may kasalanan.'

'Binagsakan nga ako ng pinto diba, pano pa ako makakahingi ng number.'

'Tol. Laki ng kasalanan mo, paghirapan mo yan! Hahahahahhahahaha.' Singit na biro ni Robi sa usapan ni Lester at Daniel.

'Lumayas nga kayo sa harap ko. Kabuysit mga pagmumukha niyo.' Iritang sigaw ni Daniel sa mga kaibigan.

'Bro, hihingi ka nang tawad diba? Eh di sumama ka samin. Nandun si Kath for sure.'

Nakumbinsi si Daniel sa sabi ni Kats kaya sumama na rin siya.

_______________

'Girl, sure ka ayaw mo?' Tanong ni Mariko kay Kath.

'Pass muna ako. Yokong makita pagmumukha ng mokong na yun tsaka VS 2014 fashion show ngayon. Have to watch! Lock niyo na ang door, dalhin niya ang keycard. Baka makatulog ako.' Sabi ni Kathryn na tinuturo ang TV habang comportableng naka upo sa sofa.

'Kaw bahala. Pero if you change your mind, sunod ka lang. Sa pool lang kami. Laters!' Paalam ni Julia bago umalis ang magkakaibigan.

Ngumiti lamang si Kath at binaling na uli ang tingin sa TV ngunit di kalaunan ay nakatulog rin.

_______________

Nauna ang mga lalaki sa poolside. Ilang minuto ang nakalipas ay dumating na rin ang mga babae at nagbatian sila.

May kung anong pagkadismaya ang naramdaman ni Daniel ng mapansin niyang tatlo lamang ang dumating, wala si Kath.

Badtrip

'Ano badtrip dahil wala hinihintay mo?' Bulong ni Kats kay Daniel

Nagulat si Daniel dahil tila nabasa ng kaibigan ang utak niya. 

'Huh? Anong pinagsasabi mo?!' Galit na sigaw niya sa kaibigan.

'Tol. Wag kang showbiz. Obvious masyado sa mukha mong nababadtrip ka. Palamig ka muna, talon sa pool pare para malamigan naman konti yong mainit mong ulo.' Ani ni Kats bago lumapit sa ibang kabarkada at iwan si Daniel na nakaupo sa gilid ng pool.

Nagsimula ng magswiming ang magbabarkadang babae at lalaki habang si Daniel ay nakaupo parin sa gilid ng pool. Kahit anong pag-aya ng mga kaibigan ay ayaw nitong sumali magswimming.

Napansin ni Julia eto at umahon muna siya sa pool, lumapit sa table kung saan nakalagay ang

mga gamit niya at kinuha ang keycard ng hotel room nila.

'Here.' Iniabot ito ni Julia kay Daniel.

'Ano yan?' Pagtataka ni Daniel

Sweet screwed-up summer (A KathNiel Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon