Chapter 1
-Beginning-
Kinakabahan ako. This was my first time transferring into a new school. A school for elites to be exact. Alam kong hindi basta basta ang mga estudyante dito. The driver was helping me to carry out my things dahil magdodorm ako.
‘Welcome to Harper Stanford University’ yan ang nakalagay bago ako pumasok sa campus nila. Everything was so damn perfect about this school. Yung facilities, rooms etcetera but let’s see kung okay ba yung mga studyante nila. Binuhat ng driver namin yung gamit ko papalabas ng kotse tapos bigla niya akong iniwanan. Great. Just great.
Binuhat ko lahat ng gamit ko—wait? Nasan ba dito yung dorm? Sobrang laki ng campus at bago mo pa siguro mapuntahan yung next subject mo eh, late ka na.
Tinext ko agad yung kuya ko, I’m assuming he knows where my dormitory is located. Alumnus si kuya dito at tanga siya kung hindi niya pa kabisado ang campus sa 4 years niyang pag-aaral.
To: Conceited ass (Panget a.k.a brother)
Where are you?? Andito na ako. Asan ba yung dorm dito? ASAP. Ang dami kong dala. Tulong pls. L
Sinend ko sa kuya ko yung message ko habang bitbit ko yung mga gamit ko paakyat ng dorm. Naghintay ako ng mga 10 minutes para kay kuya pero aba! Walang dumating!
Di na ako naghintay. Di na din ako nag-expect sa panget kong kuya na tutulungan niya ako. Milagro siguro kung mangyayari yun. Bukod sa conceited yun, topakin din siya. Sometimes he's like a prince, very gentlemanly and caring. But most of the time he's an arse. A conceited effing arse.
Nilibot ko yung tingin ko hahanapin ko sana yung driver papatulong sana magbuhat eh kaso ayun, Umalis na! Sheesh. Lord, tulungan niyo naman po please. Sana naman po bigyan niyo na lang ako ng gravitational abilities kung ayaw hindi ako tutulungan ng kuya kong conceited.
Nagsimula na akong pumunta kung saan man sa campus dahil hindi ko naman talaga alam kung saan pupunta. Jusko! Wala bang nagvovolunteer dito para i-guide yung mga newbies at freshies?
Damn elite school nga pala ‘to at walang pake yung mga tao.
“Do you need help?” Someone asked from behind. Wait! I was wrong. Meron din palang may paki.
Hindi na ako lumingon kasi hindi ko kaya sa sobrang bigat ng mga dala ko. May dala akong dalawang carton sa harap at may maleta naman akong hila hila mula sa likod.
“Of course you need help, what a dummy I am.” Biglang may sumulpot na lalaki sa gilid ko and smirked at me. He was wearing a snapback, denim shorts and plain white V-neck t-shirt.
How could he look so divine in those clothes? I thought.
“Thanks.” I mumbled habang umaakyat kami papunta sa dorm room ko. Effortless na effortless ang pagkabuhat niya dun sa mga gamit ko.
I was such a dumbass! Oo nga lalaki siya at talagang magiging effortless ang pagbubuhat niya. Duuuuh. Makes sense Gianne, Lalaki siya! Itatak mo yan sa kokote mo.
In fairness ha, gwapo itong si kuyang nagbibitbit ng aking gamit. He must be half Spanish or something. Of course the usual characteristics ng isang half Spanish na guy, maputi, matangos ang ilong, very fine ang jaw lines. Plus his diamond ear piercing na dagdag sa kanyang pogi points.
Medyo awkward din habang naglalakad kami sa hallway. Then he broke the silence.
“What’s your room number?” He asked. Ang assuming ko! Akala ko itatanong niya What’s your phone number?
“Uhhhm” Kinuha ko yung phone to search what my room number is, nandun kasi nakalagay yung room number ko. “It’s 199” sabi ko.
Tapos ayun, nagpatuloy lang kami sa paglalakad habang nakapunta na kami sa room ko. Ewan ko ba, bakit parang lahat ng nadaanan naming babae sa hallway ang sama ng tingin sa akin. Hindi ko naman aagawin si kuyang-gwapo na nagkarga sa gamit ko.
Nung nilapag niya yung gamit ko he held out his hand and smiled. “Justin Keith Domingo.” Wow ah? Kailangan talaga kumpleto?
“Gianne.” I said. Kahit maikli. Akala ko aalis na siya still, he stood firmly in front of me like he was waiting for something.
“uhhhm.. may kailangan ka pa ba?” sabi ko I was wondering maybe he just forgot something or what.
“Gianne??” He asked. Ahhh he was waiting for my surname! Kaya pala.
“Alcantara.” Sabi ko. He flashed like a light bulb nung narinig niya yung surname ko. Okayyyy? That was weird. Bakla ba siya? Maybe may gusto siya sa kuya ko.
“Ikaw pala yung kapatid ni coach. Kaya pala you look familiar.”
Yes my brother was an alumnus of the school. Last year siya grumaduate at siya ang coach ng basketball ngayon and half of the female population in our school was head over heels for him.
“Yup. Thank you ulit.” I just smiled.
“No prob. Nice meeting you, Gianne.” And then the absolutely perfect creature who helped me bring my things upstairs was gone.
-
A/N: Dedicated to hello_bah because she's awesome! :) thank you for supporting my story. Lots of love xxx
BINABASA MO ANG
Make Her Fall (Underconstruction)
Romantik"Ayoko ng ma-fall ulit, maloloko lang ako." yan yung motto ni Gianne Alcantara. Walang makakabago diyan. She got her heart broken by his ex boyfriend and got betrayed by her bestfriend. Pinangako niya sa sarili niya na hindi na siya magtitiwala at m...