Chapter IV

57 3 1
                                    

[GAEL]

"Waaaaa oppa! Gusto ko nitong boots na to!" ang cutie kasi nung boots! Color brown sya tapos ang ganda nung design.

"Boots is not my style" nag-pout ako. Ang sama talaga nitong kuya ko! Lahat nalang hindi nya style!! Ayy leche!!

"Oppa! Boots juseyoooo!" nag-puppy eyes ako kay kuya. Ngayon na nga lang kami lalabas, hindi pa sya marunong ibili yung little sisteret nya ng boots! "Oppa!!" umiling lang sya at nagtingin-tingin pa ng sapatos. "Oppa! Sigeeee naaaa" pinag-dikit ko yung palad ko, nag-puppy eyes ako sa kanya and nag pout. Umiling ulit sya kahit hindi nya pa nakikita yung cute nyang sister, ayy! Napa-aish nalang ako. Itong baba na'to napakadamot talaga! Sana matusok sya ng baba nya! 

"Gael! Gael? Gael! Come over here" may pa-english english pa tong lokong to! Padabog akong lumapit sa kanya. "Ano yun?" sagot ko. May itinuro si kuya na sapatos. Tinignan ko naman to. Waaaaa~ Ang ganda!! Hindi sya boots kundi shoes lang hahaha. Color black to tapos mataas yung nasa ilalim nya (hindi ko alam anong tawag dun) tapos may ulo ng panda dun sa malapit sa lace. Waaa basta ang cute nya! "I like that shoes! It suits your style" ayy enebe kuya!! hahaha!

"Kuya!! Waaa! Bili mo sakin yun please! Sige na! Ang cute ehh!" tinuro ko yung sapatos na tinuro nya sakin tapos nagtatalon ako. Mukha akong batang cute hahaha! Ngumiti si kuya (OMG! NGUMITI SI KUYA!!! HINDI SYA NGUMITI EHH!!! COLD IMAGE FOREVER YANG SI KUYA EHH), umupo muna ako, sumakit bigla yung paa ko kasi naka-wedge ako eh (TARAY NOH HAHAHA) tsaka naka-dress. Si kuya kasiii eh! Sabi nya ayaw nya daw na may pulubing kasama. Walanghiya noh? Ginawang pulubi yung kapatid! Kaiyak. 

Lumapit si kuya dun sa saleslady. "Jeogiyo" napatingin kay kuya yung babae. Ayy! Anong expression yan teh?! Mukhang tanga kasi yung mukha ni ateng saleslady. Wagas na naka-ngiti tapos yung mata nya (EWW YUCK) pinipikit pikit nya several times. WAG MONG I-SEDUCE KUYA KO!! YOU'RE NOT HIS STYLE! "Yes sir" ay ang landeee! Hope Santiago is that you? "That shoes" tinuro nya yung shoes "Do you have a size 9 of that shoes" kamuntik na akong mahulog sa upuan ko. Size 9?!!! Size 7 lang paa ko! Tumayo ako, lumapit kay kuya "Kuya size 7 lang po paa ko" 

"Oh I'm sorry! Akala ko kasi size 9 kasi mabilis humaba yung paa mo eh" ang bad talaga ng kuya ko!! "Wae so bad kuya?!" tinulak lang ako ni kuya. Ayy so ganon? Tulakan na ng little sister? "Ahh can I have a size 7 of that shoes?" umupo ulit ako. Tinignan ko lang si Ateng saleslady na lumandi kay kuya. "Uhh... yes sir! Just a minute" at bago umalis si ateng kinagat nya yung lower lip nya at kumindat. May tinatagong landi si Ateng. Siguro si HopeSantiago toh! Kinuha ko yung phone ko at nag-tweet 'HOPESANTIAGO AYY MALANDE' (n/a: courtesy from Iris XD) at tinago ko na yung phone ko sa bag ko.

Naramdaman kong umupo si kuya sa tabi ko. "Hindi ko alam kung bakit may nagkakagusto sayo! O gusto lang nila yung baba mo" natawa ako ng malakas "ARAY KO KUYA!" hinimas ko yung batok ko. Litsi si kuya! Binatukan ako! (imitate Teacher In's voice in Crazy little thing called love)  So baed! "Kuya ang mean mean mo sakin" nag pout ako. "Makasalita ka ng baba ah! Bakit ikaw? AiAi nga yung baba mo eh" Aww hard! Napahawak agad ako sa baba ko. "Kapal mo kuya! Ikaw nga babalu ehh!" at ayun nag-asaran lang kami ni kuya sa mga baba namin.

"Ahmmm.... Eherm" napatigil kami ni kuya. Humarap ako sa babae "OMG! HOPE SANTIAGO!!!" napakunot ng noo yung babae "Hope Santiago?" napangiti ako Yes ikaw yun ehh hahaha "Ayy sorry! Akala ko kasi si Hope Santiago ehh~ Medyo magkahawig po kayo" magkahawig kayo ng kalandian.. pasimple lang akong pinalo ni kuya. "Ahh ahmmm... Ito na po yung size 7 pong sapatos" kukunin na sana ni kuya yung box kaso agad kong kinuha ito. Ayoko nga maghand-to-hand si kuya at tong babae. Nakakadiri ehh! Binuksan ko agad yung box at kinuha yung sapatos. Napatingin ako dun sa babae. Nakatingin lang din sya sakin in a disgust look. What's your problem, biatch?

First SnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon