Chapter XX

14 2 1
                                    

[YSABEL]

"Uy Kai" pinoke ko yung ilong nya. Sya naman binubugaw nya yung kamay ko.

"5 more minutes V" V?! Akala nya ako si V? Da heck!

Tumayo ako bigla sa bench at ayun nauntog yung ulo nya sa upuan mwahahahaha! Okay ang sama ko. Nauntog na nga sya tapos ako pinagtatawanan pa sya.

"A-aray-- ang sakit na nga pinagtatawanan mo pa ako" tumatawa parin ako habang yung mga kamay ko nakahawak sa tyan ko. HAHAHAHA! Bwiset ang epic kasi eh! Anong magagawa ko divaaa? 

"Psh! Uuwi na ako! Gabi na oh" tinuro ko yung sky, ebidensya lang na gabi na talaga, baka kasi para sa kanya umaga pa eh.

Tumingin rin sya sa kalangitan.

SDFGHJK! Bakit ganun?! Ang gwapo nya?! Ano bang nangyari at naging gwapo tong nilalang nato?! Sak-- Yuck eww Ysabel! 

IKAW BA YAN?!! Napahawak ako bigla sa ulo ko. Arayy ko naman tinamaan na naman ako ng migraine chever ekek na to.

Napansin naman ata ni Kai yung aksyon ko kung kaya't napalapit sya bigla sakin.

"Uy, okay ka lang?" ayy jeske kamuntikan na akong sumalampak dito sa damuhan. Itanong daw bang okay ako eh halata namang nakahawak ako sa ulo ko tapos yung mukha ko--ayun maganda parin de joke lang.

"Aray ko.. halata bang okay ako ha?!" napangiti naman bigla to. Anong nginingiti nito?! Sapukin ko to eh! Leche.

"Bakit ka nakangiti dyan ha? May nakakatawa ba?" anong connect ng pagngiti sa pagkatawa?

Umiling si Kai at tinulungan akong tumayo dahil nga nakalimutan kong sabihin na napasalampak ako bigla sa damuhan dahil mabigat ako-- jookeee!

"Tara na nga, hatid na kita sa inyo"

[3rd Person's POV]

"Tara na nga, hatid na kita sa inyo" nagsimula ng maglakad ang dalawa.

Lingid sa kaalaman nila na naka-masid si Iris sa kanila. Hawak hawak ang S5 nya at pinipicturan ang bawat galaw ng dalawa.

Lalong kinilig si Iris sapagkat hindi alam nung dalawa na magkahawak kamay sila simula pa nung umalis sila sa park.

Kung saan saan nagtatago si Iris para lamang hindi siya makita nung dalawa. Nagtatago sya sa mga puno, tao, basurahan, likod ng upuan o kotse.

At dahil sa kakasunod ni Iris, hindi nya napansin na may taong tumatakbo at nabangga sya bigla.

"Aray ko naman-- Leche!" tinignan nya ng masama yung taong bumangga sa kanya na papalayo.

"Wow sorry ha! Ako kasi yung nakabunggo eh! Bwiset" tumayo si Iris at kinuha yung phone ny-- "teka nasan na yung phone ko?" kinapa kapa nya yung bulsa nya, pati yung sahig kinapa na nya.. saka lang nag sink in sa utak nya yung lalaking tumatakbo.

"HOY BWISET!!! NANAKAWAN AKO!!" at tumakbo sya sa direksyon nung lalaking nakabangga sa kanya.

Okeii bahala na muna si Iris habulin yung magnanakaw.. dako muna tayo kina Kai at Ysabel yieee~ ♡♡♡♡

So ayun na nga nakarating na sa bahay ni Ysabel, ang dalawa.

"So yeah uhmm... thank you" ngumiti si Ysabel kay Kai.

"Pssh wala yun" ngumiti rin si Kai kay Ysabel. Lingid sa kaalaman ni Kai na sa loob looban ni Ysabel maraming mga paro paro ang lumilipad (ano raw? hahahaha) pero hindi ito pinansin ni Ysabel dahil iniisip nya na baka nagugutom na naman sya.

Papasok na sana si Ysabel sa loob ng bahay nila ng may maalala sya.

"Oo nga pala Kai..." napatingin naman si Kai. "..... naglakad tayo papauwi eh may sasakyan ka namang dala...." napa kurap bigla si Kai.

First SnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon