Chapter 02: Maezel

287 15 13
                                    

 Chapter Two

"Before you were conceived, I wanted you. Before you were born, I loved you. Before you were hear an hour, I would die for you. This is the miracle of a mother's love." -Maureen Hawkins

♡ ♡ ♡

Maezel

Madaling araw na nang akoy nagising. Paano ba naman, ang ingay-ingay ng cellphone ko. Mabuti nalang at hindi nagising ang dalawang bruha, kundi kanina pang sira 'tong cellphone ko.

Pilit kong ibinangon ang sarili kong katawan kahit na sumasakit pa ito. Baka siguro sa sobrang langoy ko kahapon, nagkabuhol-buhol na ang mga nerves ko.

Kinuha ko nalang ang phone ko na nakapatong sa isang maliit na cabinet, malapit sa hinihigaan kong kama at tiningnan sa call list kung sino ang nag missed call.

 OMG! 10 missed call from mom!

"Bakit naman kaya siya tatawag nang ganitong oras?" napatanong ko sa sarili ko. Syempre nag- aalala rin ako at curious kung bakit siya tatawag ng ganitong oras.

Lumabas ako ng kwarto at hinintay nalang na mag-ring ulit ang cellphone ko dahil alam kong tatawag siya uli. Hindi titigil ang Mum hanggang hindi ko sinasagot ang mga tawag niya.

Maya-maya ay naramdaman ko ang biglang pagtunog ng aking cellphone. Tiningnan ko ito, at hindi nga ako nagkamali.

Pinindot ko ang call button at sinagot ang tawag ni Mum. Baka kasi importante at pagalitan pa ako pag hindi ko sagutin.

"Hello, Mum?"

"ANONG HELLO? ASAN KA NGAYON? BAKIT HINDI KA NAGPAALAM? BAKIT HINDI MO SINASAGOT ANG MGA TAWAG KO? MAY NANGYARI O NANGYAYARI BANG HINDI KO ALAM NA DAPAT KONG MALAMAN?"

"MUM!" Napasigaw tuloy ako sa sobrang inis. Ito kasing si Mum, hindi mapreno-preno ang bunganga. Mabuti nalang at lumabas ako ng kwarto kundi nagising na ang mga bruha sa pagsigaw ko.

"Mum, isa-isa lang po, please?" Pagmamakaawa ko. "Nandito ako ngayon sa La Virginia Resort. Malapit sa bahay natin. Nandito ako ngayon dahil ininvite ako nila Eloisa at boyfriend niya sa kanilang first anniversary, at dito sila sa reso---," hindi pa ako tapos nang pinutol niya ito.

"E bakit hindi ka nagpaalam?"

"ITO NA po pwede?" Tumaas ng konti ang tono ng pananalita ko. "Hindi ako nagpaalam dahil nga busy ka dahil uuwi ka na mamaya at tsaka hindi mo naman ako binibigyan ng chance magsalita kahapon nung tumawag ka sa akin," natahimik siya pagkataps kong sabihin yun. Siguro narealize niya rin ang pagkakamali niya.

 "B-bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko?"

"Syempre naman ma, alam mo namang madaling araw ngayon, malamang tulog pa ako."

"Akala ko naman kasi may nangyayari na hindi ko alam," biglang humina ang tono ng pananalita niya.

"Ano ka ba naman ma. Mamamatay na po ako ganyan pa rin ang iniisip mo. Pumayag lang naman akong sumama sa kanila dahil gusto ko naman makasama sila kahit isang buong araw lang. Paano pag namatay na po ako ngayon at hindi ako sumama sa kanila kahapon, di sayang yung opportunity ko na makasama sila. I want to enjoy my life habang nabubuhay pa ako."

"Pasensya ka na anak. Naging masyado na ata ako sa 'yo. Concern lang naman ako sa 'yo. Paano pag inatake ka na naman? Alam mo naman na andito pa kami ng Dad mo sa States at ang yaya mo lang ang kasama mo diyan sa bahay. At 'wag na 'wag mong sasabihin na mamamatay ka na. Hindi cancer ang sakit mo anak at alam namin na gagaling ka rin." 

"Alam ko naman po na concern lang kayo, pero bawas-bawasan niyo naman po ang pagka-OA niyo. Malaki na po ako Mum at alam ko kung ano ang tama at mali. Hindi naman ako yung tipong babae na sasama sa barkada, tapos pasaya nang pasaya at pagkauwi sa bahay, busog na. Tungkol naman po sa sakit ko, hindi ko pinapabayaan ang sarili ko. Iniinum ko naman yung mga gamot ko."

"O sige anak. Matulog ka na lang ulit. Sorry kung naisturbo kita. At mamaya pala hindi na muna ako dadaan diyan sa bahay. May mga dapat pa kasi akong asikasuhin."

 "Okay lang Mum. At least nagkaroon tayo ng time magkausap."

"I Love You my unica hija,"

"I Love You too, Mum."

I hung up the phone and went back to our room. At dahil madaling araw na akong nagising, tinamad na akong humiga at tumulog muli. Naisipan ko nalang na umuwi sa amin, sa halip na maghintay sa kanilang magising.

Syempre hindi na ako nagkaroon ng time magpaalam sa kanila kaya nag-iwan nalang ako ng note sa kanila na sorry kong napaaga ako ng uwi.

Inayos ko na ang mga damit ko at bumaba ng hagdan at dumiretso nang umuwi.

Sad Beautiful Tragic (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon