Short Story
This Gay Loves You
Short Story
Ako si Jaren, 16 at ngayon ay nasa 4th year highschool. Volleyball player ako, matangkad, maputi, matalino naman ako, kaso tamad, kaya nasa section B lang ako.
At ikaw, section A ka, una kita napansin nung 3rd year intrams. Nakaupo ka sa may bench at nanonood ng laban namin ng mga kaklase mo. Dahil sa katitingin ko sayo, natamaan ako ng bola sa ulo.
Nakita ko napatingin ka at ng magtama ang mga mata natin nginitian kita. Ganon karin naman sakin.
Mula ng araw nayon twing nagkakasalubong tayo, nginingitian mo na ako at ganon rin naman ako.
Sa totoo lang, bat kita tinitignan non? Kasi---
Kasi sinisigurado ko kung jowa kaba nung naka-jersey na 24. Palagi ko kasi kayo nakikita magkasama.
Tapos sabay rin kayo umuuwi at kumakain. Ano mo ba sya?
Isa sya sa mga varsity players, at isa rin sa mga honor students, alam ko masungit sya kaya bakit lagi ka nya kasama?
Sya si Alexander Frias, at ikaw? Sino kaba?
Naalala ko nung first day nagulat nalang ako ng sa room ka namin papasok. Nakita ko kung pano ka tignan ng mga lalaki.
Tapos nagpakilala kana.
"Ako si Chielsy Leonardo." Tapos ngumiti ka.
Ah. Alam ko na kung bakit ganon ka tignan ng mga lalaki.
Chielsy, ang ganda mo kasi.
Pero mas maganda parin ako sayo.
"Ati, diba sya yung laging kasama ni Xander?" bulong sakin ni Derek, isa sa mga bakla sa room.
"Oo, sya nga."
"Kaibiganin mo, para maging friends karin ni Xander!!"
Walang may alam na bakla si Derek pwera sakin, at ako? Sa pagkakaalam ko bakla rin ako eh.
"You can now take any seat you want, Miss."
Nakita ko kung pano mag-unahan ang boys para umupo ka sa tabi nila, pero sakin ka nakatingin. Ah. Wala nga pala akong katabi.
"This seat is not taken so, if you may?" saad ko with my manly voice. Lalaking lalaki ang boses ko. Wala paring may alam na bakla ako.
Dali dali kang umupo sa tabi ko.
"Thanks!" sabay ngiti mo.
Ayan nanaman yung mga ngiti mo.
Chaka mo dear.
Tapos ayon.. Dahil seatmates ka namin ni Derek, naging acquaintance tayo.
As usual twing lunch at uwian sinusundo ka nya. Sa isip isip ko.
That should be me.
Ang gwapo talaga ni Xander.
Breaktime ngayon, pero pumunta sa room si Xander at tinawag ka at habang wala ka.
"Kailangan mo pang mas maging close kay Chielsy para maging close rin kayo ni Xander!! -Derek
Agree ako kay Derek, kailangan maging close tayo Chielsy para maging close kami ni Xander.
"Ano yung about kay Xander?" -Chielsy
"Ah, nagtataka lang kasi kami kung-
"Oy hindi kami, sya lang!!" pagputol sakin ni Derek
![](https://img.wattpad.com/cover/116740919-288-k859541.jpg)
BINABASA MO ANG
This Gay Loves You
Short StoryThis short story is about a guy named Jaren. He is a gay. He was a gay. Hindi na alam ni Jaren kung ano ba talaga. He liked him first, pero later on he likes the girl na. Confused ang lolo mo! Read it guys, short story lang naman eh!