Short Story
The Girl Who Loves the Gay
Ako si Yssabel, pero pwede nyo akong tawaging Yssa, 4th year, section B, normal student, 16 years young, Philippines!
Isa ako sa mga mukang matalino dahil sa eyeglasses. Pero ang totoo nyan kakanood lang yan ng K-drama. Payat lang ako, long-haired, fair skin lang. Matangkad ako kaya nagvovolleyball ako.
At ikaw? Ikaw si Jaren.
First year palang tayo nakita na agad kita.
Bakit?
Ang tangkad mo kasi. First year kaba talaga? Akala ko kasi non 4th year kana.
Pero di naman don nagsimula ang lahat. Nagsimula yon nung inutusan ako ni ma'am sa room nyo.
Naaalala ko pa yung nangyari noon.
Pumunta ako sa room nyo, sakto wala kayong teacher.
"Excuse me, andito po ba si Jaren?"
Tapos lumapit ka sakin; "Bakit?"
Naalala ko di ako nakapagsalita. Grabe, bat hanggang ilong mo lang ako? Pinagkaitan ba ako ng height o pinagpala ka lang? Sa pagkakaalam ko kasi matangkad na ako.
Nakatingala lang ako sayo. Tangkad mo grabe.
Tapos, natawa ka sabay sabi ng; "Oo na matangkad nako." Sa gitna ng mga tawa mo.
Natawa mga classmates mo, napangisi rin ako at don bumalik na ko sa realidad; "Ah hehe, pinapatawag ka ni Ma'am Fuente. Ngayon naraw."
Sa hiya ko tumakbo ako paalis ng room nyo. Pero mukang pinagtatagpo talaga tayo.
Nung nagpatry out ang volleyball boys and girls nagkasama tayo.
Naglaro kayo, hala ang galing galing mo naman. Ang galing galing. Ang lapit lang ng score nyo sa mga higher years. Tapos tig isa na kayo ng set.
Tapos nung final set na, andito ka sa side kung san ako nanood. Hala ang gwapo mo pala kahit pawisan.
At ng inispike ng isang higher yung bola, ang naalala ko nalang ang lapit lapit mo na.
"Okay kalang?" tanong mo sakin.
Di nanaman ako nakasagot, buti nalang nakatango ako. Umalis kana sa harapan ko at umupo sa tabi ko. Lumapit yung higher year satin. Nag-sorry sya satin.
"Okay lang po." Sabay pa nating sabi. Nagkatinginan tayo. Tapos nakita ko nagkasugat ka sa kamay.
"Okay ka lang?"
"Tanong ko yan kanina eh." Sabi mo.
"Yung kamay mo." Sabay kuha ko ng panyo ko at bigay sayo. Iniikot mo yun sa kamay mo sabay ngiti at sabi ng; "Salamat."
Tapos nun na. Iba na.
May something na sa puso ko.
Tumayo ka at sabing pupunta ka ng clinic. Gusto kita samahan kaso tinawag na kami. Lalaro na ako.
Tinignan kita habang papalakad palayo.
Teka bat napapangiti ako?
Nakakakilig kasi yung pagsave mo sakin kanina, para di ako tamaan ng bola.
Tapos natapos na yung mga laro. Di narin kita nakita, pero kinikilig parin ako.
"Nakita ko yung kanina ah? Magkakilala kayo?" pang aasar sakin nung classmate ko.
"Hindi, hindi ko sya kilala."
"Aruu sige nanga payag." Tapos umalis na yung kaklase ko.

BINABASA MO ANG
This Gay Loves You
Cerita PendekThis short story is about a guy named Jaren. He is a gay. He was a gay. Hindi na alam ni Jaren kung ano ba talaga. He liked him first, pero later on he likes the girl na. Confused ang lolo mo! Read it guys, short story lang naman eh!