Chapter 1 ♥

432 31 2
                                    

That bitch is my property - ONE

--

YUNNA's POV .

Monday morning , maaga ako nagising dahil excited ako pumasok sa new school ko . 8am ang klase ko pero 7am palang e ready na ako . Lumabas ako ng kwarto ko at nagdaretso pababa nadatnan ko ang isang lalaking may baston na naka-upo sa malambot na upuan na nasa sala , ngumiti ako bago humalik sa pisngi nya at bumati .

" Goodmorning lolo ( ^______^ ) " Masiglang bati ko sa kanya . Gumanti lang sya ng ngiti sakin , sya si Theodore Odette Morrison Sr. ang tatay ng daddy ko . Mabait sya , at sya lang ang lagi kong nakakasama dahil busy sa work ang parents ko . Hindi kami mahirap , Mayaman kami no ! Pero todo trabaho parin ang parents ko para daw hindi bumagsak ang company namin . 

" Magbreakfast kana at pumasok kana Hija " Sabi ng lolo ko . Tumango lang ako at naglakad na papuntang kitchen , nagpakilala na ba ako sa inyo ? Hindi pa no ? Hahaha Ako si Yunna Evien Morrison , 16 years old , uhmm maganda ( ^___________^ ) Wag na umangal dahil lolo at parents ko nagsabi nyan ! Sexy , mabait at matalino . Hahaha

Inienroll ako ni lolo sa MONTECLARO UNIVERSITY wala akong idea kung anong klaseng skwelahan yun pero ang abi ng lolo ko maganda daw dun . Habang kumakain ako may narinig akong boses na nang-gagaling sa sala , isang matining na boses at sa tingin ko kilala ko na agad kung sino yun .

" YUUUUNNNAAAAAAA !! Yuhooooooo !! I'm here-- Ayy sorry po lolo hehe nandyan po pala kayo " Pfftt . Hindi nya siguro napansin si Lolo na nasa sala kaya kung makasigaw akala mo kinakatay .

" Haileeeeyy ! Andito ako sa kitchen ! " Sigaw ko at agad namang sumulpot sa harap ko si Hailey na nakapameywang . 

" Buti naman at ready ka na ! Alam mo bang ang aga kong nagising para lang puntahan ka dito at kalampagin ka sana sa kwarto mo dahil akala ko tulog ka pa ?! " litanya nito . Ayan ang kaibigan ko si Hailey Dela Merced , magiging kaschoolmate ko na sya dahil sya e matagal ng napasok sa Monteclaro Uni. actually ako lang yata yung laging nahihiwalay ng school saming magkakaibigan .

" Ingay mo naman .. " Sabi ko at nagpout pa " Oh ito tinapay para manahimik ka " sinubo ko naman agad ang tinapay sa bibig nya , HAHAHAHAHA halos mabulunan sya kaya niluwa nya ulit yun .

" Papatayin mo ba ako ?! Pwede ba Yunna ?! Hindi ko na nga pinanuod si Hello Kitty para lang masundo ka tapos gaganyanin mo pa ako ?! Ganyan ba mag-thankyou sa kaibigan Yunna Evien Morrison ? " Ganyan talaga si Hailey , Madaldal pero sanayan lang yan hahaha .

" At alam mo din bang hindi ko na napanuod si Spongebob kagabi para lang matulog ng maaga para hindi ka mahirapan mang-gising sakin Hailey Dela Merced ? " Ganti ko dito . Totoo naman eh , Hindi ko na napanuod si Spongebob at patrick star kagabi para lang maaga ako magising ngayon tapos sesermunan nya pa ako ( =____= )

" Hindi hehehe ( ^O^V ) Tara na kasi " Biglang sabi nya at inaya na ako , uminom ako ng tubig at tumayo na . Sabay kaming lumabas ng kitchen , nagpaalam kami kay lolo na ngayon eh nagbabasa ng dyaryo habang nagkakape . Mamaya aalis na yan , pupunta na sa company . Kahit matanda na lolo ko kaya parin nya maghandle ng isang kumpanya .

Naka-park yung kotse sa labas ng bahay kaya agad kaming sumakay dun ni Hailey nasa loob na ng kotse si manong driver kaya mabilis din nyang pinaandar ang sasakyan papuntang Monteclaro Uni. hindi naman malayo yung University eh . Mga 15minutes lang ang byahe kaya mabilis kaming nakarating , Marami pang studyante sa labas kaya pagbaba namin ng kotse ay may mga napapatingin samin at hindi ko alam kung bakit . 

" Yunna ! Hailey !! " sabay kaming napalingon ni Hailey sa tumawag samin , si Adessa pala isa sa mga kaibigan ko , isa syang model . Kasama nya sila Macylle, Caitlin at Summer , Si macylle isa syang nerd pero kaibigan parin namin sya , Kakaibang nerd kasi yang si Macylle tapos si Summer ay napaka-boyish kaya hindi malapitan ng ibang lalaki kabaliktaran naman nya si Caitlin hahaha , Si Caitlin isa yang playgirl , hindi ko na mabilang kung ilang lalaki ang naging boyfriend nya .

That Bitch Is My Property - ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon