Chapter 3 =_=

294 18 4
                                    

Andrian Lexus Monteclaro sa side :)

--

Yunna’s POV

                Ilang araw na rin ang lumipas mula noong matanggap ko ang note na yun. Sabi nila mula daw yun sa tinatawag nilang KINGS. Sino ba ang mga taong yun? Sino si King Andrian? Hindi kaya sila ang mga descendants nina Queen Elizabeth ng England? O__O Mga royalties ang nagpadala sa akin ng imbitasyon tapos gagawin nila akong reyna nila? OMOOOOO!!!!!!! OoO I’m not ready >___< Maghahanda na ba ako ng speech? Paano ako kikilos kapag inharap na nila ako sa madlang people? Paano kung tutol sila tapos magkakaroon ng digmaan?

Delikado ang buhay ko.   O_____O

Waaaaaa!!!!!!!!! Hindi ko kinakaya ito. TT3TT Teka bago muna sila mag-alsa ano muna ang susuotin kong damit? Malamang gown. Hayy Yunna. Ang stupid mo din minsan. Teka ulit, paano na ang pamilya ko? Sino na ang magdidilig ng halaman tuwing umaga? Ayy, bubu! Hindi nga pala ako ang gumagawa noon si manong hardenero. Yey!!!!! May isa akong problemang nasolve!!!! Yuhoooo!!!!! (^O^)// Teka ulit kung magiging----*BLAGGGGGG*

“Ay REYNA!!!!!!! >_< Uberrrrr!!!!! Bukol ata? O My Gad!!!! Paano kung naalog ang utak ko? Tapos macommatose ako, mamatay? wala ng magiging reyna ang England!! Bakit ba pakalat-kalat ang poste ng Meralco dito sa Hallway ng University nato? Hindi ba nila alam na madaming madidisgrasya?” Natatarantang nakapikit na sabi ko habang kinakapa ang katawan ko kung buo pa. Malay naten pagkauntog ko humiwalay ng isa kong balikat kasi nagtampo at hindi ko sila iniingatan o kaya sa lakas ng impact tumalsik nalang basta sa labas ang isa sa mga kidney ko. Paano nako nu---

“What the fuck!!!!” Nagulantang ang aking kaluluwa, sagad sa bone marrow ang pagkagulat ko. Unti unting tumataas ang mga balahibo ko sa katawan, unti unti ding nanlalamig ang mga bahagi ng aking katawan. HINDI AKO MAKAPANIWALANG MAY NAGSASALITANG POSTE!!!!! O MY GAAD!!!! Hindi kaya multo? M—may multo? Waaaaahhhhhh TT-TT

“Hey Sweety? Bakit namumutla at nanginginig ka dyan? Masyado ba akong cool at ganyan ang epekto sayo?”

 

 

“Hoy Tucker!!! Tumugil ka nga dyan. Nakapikit oh!!! Ni hindi ka nakikita, mga ilusyon mo talaga. Anong nangyari dito at parang naenkanto? Hoy Miss!!!!” Dinig kong sabi ng isa pang poste tapos inalog alog niya akong parang isang alkansiya na pilit kinukuhanan ng barya. O my!!!! TTOTT


“Gagong Hanzel!!!! Tigilan mo nga yan baka mangalas yan woy!!!! Miss. Miss okay ka lang?” Sabi naman ng isa pang poste tapos hinawakan niya yung noo ko. Waaa tatanggalin na niya ata ang noo kooo tapos kukunin ang utak ko. Zombie nako pamaya TTOTT

“Hoy Russel mga hawak mo. Alis!!!” Dinig kong sabi ng Tucker ba yun? “Hoy MISS!!!!!!!” Sigaw niya sa tapat ng tenga ko, mommy mabibingi na po ako tapos hindi ko na masasagot ang mga tawag niyo tapos papagalitan niyo ako tapos igagrounded tapos—AH! Hindi kaya nasa loob ako ng TV? Tapos kasama ako sa palabas ng cartoon kung saan mayroong nagsasalitang poste. Hohoho ang talino ko talaga (ô^^)

That Bitch Is My Property - ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon