Favor
"Pero seryoso, pwede ba kita ligawan?"
"Uh.." hindi ko alam kung anong gagawin ko. parang bumilis yung tibok ng puso ko, pero alam ko nanaman ito e.
"Hindi" simpleng sagot ko
"Eh, bakit ba ayaw mo? pogi naman ako, mayaman, maaruga at masiyahin. bakit ayaw mo pa rin?"
tinitigan ko nanaman siya gamit ng nakakatunaw kong mga mata, mukhang natakot naman siya kaya tumahimik at pinagpatuloy na lang niya ang kanyang ginagawa.
-
Nasa Guidance Office na kami ngayon ni Mico, pinabalik na kasi kami ni miss. Ang sabi niya okay na raw ang paglilinis namin dun.
"Yenna and Mico, you better not do it again or mas worst pa ang parusang ipapataw namin sa inyo kung gagawin niyo ulit iyon. Understood?"
Tumango na lamang ako at ganoon din ang ginawa ni Mico. Ngunit ang sabi ni miss ay gusto niyang marinig na sasabihin namin na hindi na namin ulit iyon gagawin.
"Opo miss, sorry din po sa nagawa namin at hindi na namin ito ulit gagawin" mahinahon ngunit magalang na sabi ko
"Yes miss, sorry din po dahil kumain kami sa Library. puno na po kasi sa canteen kaya hindi po kami kumain dun." May sayang sinabi ni Mico, ewan ko ba dito't laging may tuwa sa kanyang mga labi. walang namang nakakatuwa.
"Uh, miss pwede na po ba kaming umalis?" sabi ni Mico
"Oo pala, pwede na kayong bumalik sa inyong classroom. pasensya na't nakalimutan ko. marami kasi akong ginagawa" tarantang sabi ni miss
"Ay hehehe, sige po miss. una na po kami ni Yemma ha. salamat at pasensya na po ulit" madaling sinabi ni Mico at umalis na kami
"Yemma" tawag niya sa akin ngunit binaliwala ko lamang iyon at naglakad
"Oy, pansinin moko Yema" makulit niyang sabi
"Tch" mahinang tugon ko, sa totoo lang. sobrang nakukulitan na ako sa kanya.
"Oy Yemma bakit hindi moko pinapansin? ay! oo pala. sabay na tayo mamayang uwian ha" pa cute niyang sinabi
kahit naman na hindi niya sabihin na sabay na kaming mamaya umuwi, lagi naman kaming sabay. kasi naman diba. halos magkatabi lang yung bahay namin.
Hindi ko napansin nandito na pala kami sa harap ng room namin, halos wala namang ginagawa kasi wala pa namang teacher. kaya pumasok nalang ako, tumingin ako sa paligid ko. as usual, maingay at magulo parin pero nahagip ng mata ko si Paolo parang nakatingin saakin pero binaliwala ko lamang iyon at nakita ko si Mico'ng puro kasiraan ng utak ang ginagawa. Imagine, he's trying to put something on his nose. that is the stupidest thing I've ever saw. pero walang akong paki. at tumitig nalang sa board habang hinihintay ang teacher namin.
Sa wakas dumating na at nagdiscuss ng kung ano ang teacher namin. siyempre nakinig ako pero minsa'y lumulutang ang isip ko. hindi ko alam kung bakit pero isinawalang bahala ko't nakinig muli.
Dismissal na, ang bilis ng araw at ang daming nangyari. ngayon lang ako nakaranas ng ganito. pero hayaan na natin.
Nakita kong humahangos ng takbo si Mico, hindi ko siya napansin kanina sa classroom.
"Yemma wait!" patakbo't hingal na sabi ni Mico
Tumigil ako at hinintay na lamang si Mico
"Yemma, tara na dali" tumango na lang ako at naglakad
"Ay, Yema. date tayo?" Nagulantang ako sa tanong niya
"Uh, bakit? para saan?" malamig kong sabi
"Actually, wala pa akong alam hehehehe, siguro jan nalang sa restau malapit sa East"
"Ok" sumangayon nalang ako at sumunod sa kanya
~ East Restaurant
"Uh, Yemma. pwede favor?"
Tutal wala naman akong ginagawa kaya tumango nalang ako at tinanong kung anong favor ang hinihingi niya.
"Pwede bang ipakilala mo ako kay Trisha?" nagmamakaawa niyang sambit
Parang may kung anong narandaman ako sa puso ko pero hindi ko yun pinansin at tumango nalang sa kanyang pabor
"Talaga Yemma? Talagang talaga? As in really? Talagaaaaaaaaaa?" makulit niyang sinabi at tumango nalang ako
"ay Yemma baka magselos ka ha. hindi ko gusto itong si Trisha ha. may pinapagawa kasi si miss saakin at kaylangan ko ng tulong ni Trisha. alam mo namang medyo mahiyain ang poging to e hehehehe"
Kunot noong tinignan ko siya at umiling nalang, kahit kailan talaga. he is so concieted to himself, pero hayaan ko nalang. tutal duon naman siya masaya
"Sige, pero wag mong asahan na makukumbinsi ko si Trisha"
"Oo naman Yemma, pero nagbabakasakali lang ako baka kasi matakot siya sayo at sumunod nalang. hehehehe, peace Yemma cute ka naman e" masigla niyang sambit saakin
May kung ano ulit akong naramdaman sa aking katawan sa bandang tiyan ko, ewan ko kung bakit at hinawakan ko ang bandang iyon ngunit napansin naman iyon ni Mico kaya tinanong niya sa akin kung bakit ko ito hinahawakan.
"Bakit Yemma? May masakit ba sayo? ay oo pala! hindi pa ako nag o'order ng foods, sorry ha"
"Hindi naman sa ganun"
Hindi ko maintindihan kung minsan dito kay Mico. total opposite talaga kami, Masiyahin siya at Cold naman ako. pero sinasamahan niya parin ako siguro wala lang siyang mapagtripan bukod sa akin kaya nandito siya ngunit nagpapasalamat parin ako kasi lagi siyang nandyan para samahan ako
Dumating na yung pagkain namin.
Pagkatapos naming kumain at magbayad, siya lang pala ang nagbayad ayaw niya kasing tanggapin yung perang ibinigay ko dahil isa daw itong date. pumayag nalang ako para wala nang mahabang diskusyon.
Habang naglalakad kami ni Mico patungo sa aming bahay. bigla nalang siyang may sinabi
"Yemma, alam mo kahit hindi mo pa alam. Okay, joke time yun tawa ka please" Nakangiti niyang sabi
Tinignan ko nalang siya.
"Okay, serious na. bakit ka ba kasi hindi ngumingiti? paki explain labyu"
Tinignan ko nalang siya at umiling, hindi ko pa yata kayang sabihin iyon sa kanya
"Hays nako Yemma. sana masabi mo na yan sa madaling panahon. because my curiosity is killing me" seryosong sabi niya
"Hindi ko pa kaya. Susubukan ko pero hindi pa talaga ngayon"
"Okay, sige pero sana masabi mo na talaga para matulungan na kita"
Tumango at bahagyang ngumiti na ako sa kanya.
To be continued...
![](https://img.wattpad.com/cover/9707924-288-k587852.jpg)
BINABASA MO ANG
Miss Cold Eyes
Novela JuvenilThey say that my eyes are scary. wala na akong magagawa, ganun ako e. Ganito ako isinilang at ganito rin ang itsura ko pagkalabas ko. pero ang tito ko ang nag pangiti sa akin at nagpapasaya nuong bata pa ako. but, I don't know.. I just don't know...