Manligaw
"Yemma!" napairap nalang ako
kelan niya kaya ako titigilan? ang kulit kulit naman kasi.
"Yemma!" akmang tatayo na ako pero napigilan niya agad kaya umupo nalang ako ulit
Umupo kasi ako sa isa sa mga bench dito
"Yemma, bakit ba lagi mo akong iniiwasan? may nagawa ba ako?"
umiling ako sa kanya
"Bakit hindi ka nagsasalita? hindi kaba nakapagtoothbrush?"
tumingin ako sa kanya at ibinalik ko sa binabasa kong libro
"Hay, eto nga pala pagkain. alam kong naiwan mo na naman yung wallet mo sa bahay"
nakita ko merong tatlong biscuit at mineral water, hindi ko na tinanggihan. lagi naman kasi niya itong ginagawa pag nakakalimutan ko yung wallet ko.
~ Flashback
Nako naman, naiwan ko yung wallet ko. hindi ko rin dala yung libro ko, tatambay na nga lang ako sa Library wala naman akong pwedeng puntahan
habang naglalakad ako patungong library, narinig ko nanaman siya. hay, hindi ko nga pinansin
"Yemma! hintay lang!"
nagtuloy tuloy lang ako na parang walang narinig
"YEMAAAAA! WAIT LAAAAAAAAANG!!!!" napatigil ako. lahat nagtinginan sa direksyon nya.
kaya't napahinto ako at kunot noong tumingin sa kanya
tumakbo naman siya papunta sa akin. muntikan na siyang madapa sa sobrang pagmamadali parang hinahabol ng kabayo't leyon
"bakit nanaman ba?" tanong ko sa kanya
"sabay tayong mag recess? gusto mo?"
"ayoko" pagkatapos nun ay tumalikod na ako
"Uy, wait lang! sabay na tayo, wala naman din akong kasabay e"
nagtaka naman ako dun, lagi niya kasi kasabay yung mga kaibigan niya
pero hindi ko nalang pinansin yun at tuloy tuloy pa rin akong maglakad
"Uy, dali na dali na dali naaaaa" pangungulit netong tae na to
"ayoko nga, busog pa ko" *growl*
napatingin naman ako sa kanya pero siya anlaki ng ngisi niya
"hindi ka ba talaga nagugutom?" nakangisi niyang tanong
"ewan ko sayo lubayan mo nga ako"
"Ehhh! hindi! ayoko! narinig ko, kumakalam na yung sikmura mo e kaya tarana! libre ko naman e, dali naaaa! ha, ha! please"
At sinama niya ang kanyang infamous pout and puppy eyes effect
Pero hindi na niya hinintay yung sagot ko at kinaladkad na niya ako
wala rin naman akong magagawa e, gutom na ako kaya nagpahila nalang ako
nagpunta kami ng canteen at bumili siya ng anim na biscuit at dalawang mineral water
"tig tatlo tayo? okay lang? hindi pa ako bumili ng pang lunch mo kasi hindi pa naman lunch, mamaya nalang yun ha"
nakunot ang noo kong tumingin sa kanya
anong ibig niyang sabihin na mamaya nalang kaya tinanong ko ano yung pang mamaya nalang
"yung pang lunch mo, alam ko naman na naiwan mo yung wallet mo e hehehe"
"Babayaran kita pag uwi ko"
"hindi, wag na libre ko na yun, tsaka thanks ko na rin kasi sinamahan mo ako dito hehehe"
"Ayokong magkaruon ng utang na loob kahit kanino"
"ayyy! ang kulit neto! hindi ko tatanggapin yung bayad mo mamaya bahala ka jan"
tumahimik nalang ako, makulit siya. kaya kesa makipagsagutan hindi nalang ako umimik, alam na naman niya siguro yung ibig sabihin nun.
~
Naglalakad kami ng sabay papuntang library, tinago ko na rin sa pocket ko yung tatlong biscuit at mineral water
Nagtataka siguro kayo kung paano nagkasya yung mga yun?
Ayokong mag explain, tinatamad ako. Isipin niyo nalang bulsa to ni Doraemon.
"Yemma" nagulat naman daw ako dun sa biglaan niyang pagsasalita
Pero sa halip na tanungin ko ng bakit, tinignan ko lang siya. Alam na naman niya siguro kung anong meaning nun diba.
"Anong nangyari sayo? Bakit hindi ka ngumingiti"
Nagitla naman ako sa tanong niya, tignan ko lang siya ng taintim at umiling
"Hindi ko pupwedeng sabihin sa iyo"
"Oh okay, I know you can't tell that little secret of yours. Naiintindihan ko" ngumiti naman siya ng pagkalaki laki
"Salamat" at itinuon ko nalang sa harap habang naglalakad kami papuntang upuan
"Teka lang, dun tayo sa dulo para di mapansin ni Miss na kumakain tayo. Hahaha!"
Ugok talaga, well sumunod nalang ako sakanya, gutom na rin ako e
"Tara kain na tayo?" Tanong niya
"Sige" Cold ako pero hindi ako mean kaya sumangayon nalang ako sakanya.
Nilabas naman namin yung pagkain namin, pero hindi namin napansin na nag iikot pala si Miss kaya nakita kami
"Ano bayan! Badvibes naman ooh!" Iritable niyang sabi
Hindi nalang ako umimik, nasa office kami ngayon at ang sabi ng guidance counselor na mag community service kami, maglilinis kami sa rooftop at sa loob ng bodega, medjo malaki laki rin ang Bodega sabi nila kaya alam kong mapapagod kami
--
"Yemma"
Habang naglilinis kami sa bodega, nang gitla nanaman siya biglaan magsalita e. Badtrip, magugulatin pa naman ako
Nakarinig ako ng mahinang pag tawa
"Anong nakakatawa?"
"Wala wala hehe, tahimik mo kasi"
"Psh" tugon ko, parang hindi na siya nasanay sa akin
"Pero seryoso, pwede ba kita ligawan?"
"Uh.."
To be continued...
BINABASA MO ANG
Miss Cold Eyes
Ficção AdolescenteThey say that my eyes are scary. wala na akong magagawa, ganun ako e. Ganito ako isinilang at ganito rin ang itsura ko pagkalabas ko. pero ang tito ko ang nag pangiti sa akin at nagpapasaya nuong bata pa ako. but, I don't know.. I just don't know...