STORY 2 : SECOND FLOOR

3K 50 3
                                    

 SECOND FLOOR 

Madaming kababalaghan ang nanaganap ngayon lalo  na sa pagsapit ng gabi , maraming kung anu ano ang mga nagpapakita kahit saan mang lugar .Kaya mag ingat ka baka hindi mo lang napapansin pinagmamasdan ka na pala na isang KALULUWA.

***

Si Dona 21 years old nag tratrabaho sa isang kompanya sa makati , nakatira sila sa East Rembo Makati City kasama niya sa bahay ang kanyang dalawang kapatid na sina Tammy at Carlos .Sa second floor sila ng boarding house naka tira .

Minsan late  kung umuwe ang dalaga dahil minsan nag oover time ito sa trabaho , kasama niya sa pag uwe ang binatang si Marlo ka office mate niya at kaibigan.

" salamat sa paghati, take care!" wika ng dalaga pagkatapos magpaalam sa kaibigan na si Marlo.Ngumiti na lang ang binata at sumakay na sasakyan.

Binaybay ni Donna ang makitid na daan patungo sa boarding house.Papasok ito sa loob.

Hindi na man siya nakaramdam ng takot kahit patay sindi ang ilaw patungo sa second floor.Sanay na siya sa ganyang set up.Nagmamadali siya sa paglalakad dahil tiyak siyang hinihintay na siya ng kanyang mga kapatid.May dala nama siyang susi kaya hindi na siya nag abala pang kumatok.

"Kumaen na ba kayo?tanong agad ni Donna sa magkapatid sabay lahad ng dala niyang pasalubong.Tumango naman ang magkapatid at inumpisahang lantakan ang dala niyang pasalubong.

" Alam mo ate may nasagap akong tsismis."  wika ng dalagita

" Ano ba yun?" takang tanong niya

"May nagmumulto daw dyan sa kabilang room."  panimula ng kanyang kapatid, "mag ina daw yung dating tenant dyan sa kabali at ang sasabi pa pinatay daw nung ina yung sarili niyang anak.Nabaliw daw yung ina ayun nag pakamatay din daw." dugto pa ng dalagita.

" tsismis lang yun walang katotohanan.Hala sige matulog na kayong dalawa.Maaga pa pasok niyo bukas." sagot ng dalaga.

" Pero ate totoo daw yun.May multo talaga. "  pangungulit ng kapatid niya sa kanya.

" Maniniwala lang ako pag nakita ng dalawa kong mata.Sige na wag na kayong pasaway lalo kana Tammy."   naiinis na sabi ng dalaga sa kanya kapatid.

Sumunod naman yung magkapatid sa kanya at natulog na.

Nanatili siyang gising kase hindi naman siya makatulog dahil sa sinabi ng kanyang kapatid na si Tammy.Medyo kakaiba kase yung nararamdaman niya.

Pahiga na sana siya ng may marinig syang kalabog galing sa kabilang kwatro.

Napatayo naman ang dalaga sa kanya higaan at tinapat ang kabila niyang tainga sa pader.

Kinalibutan siya sa kanyang narinig.Isang boses ng batang umiiyak na nagmamakaawa.Halos manginig ang buo niyang katawan sa takot.Tama nga ang kanyang kapatid.May nag mumulto nga sa kabilang kwatro.Kaya siguro walang makatagal na tenant ang umuopa sa kabila.

Lumabas ang dalaga para matiyak kung tama nga yung kanyang narinig.Nasa tapat na siya ng pinto ng kabilang kwatro.May maliit na bintana doon na naka kawang.Sumilip siya sa loob.Wala siyang makita kase sobrang dilim sa loob.Inilinga niya ang kanyang paningin pero wala talaga.

Pabalik na sana siya sa loob pero may nahagip ang kanyang paningin.Isang batang lalaki na kulay puti ang ang suot na damit.

"  bata anong ginagawa mo dito sa labas?Pumasok kana sa loob " sabi ng dalaga.Hindi sumagot ang batang lalaki kaya nilapitan niya ito.Malapit na siya sa batang lalaki kaso bigla itong nagtatakbo kaya hinabol niya ang batang lalaki.Hanggang sa maka abot na sya sa third floor ng boarding house.

Laking gulat niya ng umakyat sa railings ang batang lalaki at itoy tumalon.

Kahit takot na takot ang dalaga eh lumapit siya sa railings at tumingin  sa ibaba.

Halos lumuwa ang mata niya sa nakita kase wala doon ang katawan ng batang lalaki.

Isa lang ang nasa isip niya.Patay na batang lalaking nakita niya na tumalon.At isa na itong kaluluwa ay siya lang ay napaglaruan lamang ng batang lalaki.

An: Hindi nakaka takot 'nuh? Salamat sa magbabasa.Vote and comment.Thanks ^___^

LAGIM SA DILIM (TRUE HORROR STORIES)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon