AN: Gusto ko lang ishare yung karanasan ko abot sa multo.Hehe!
Maaga akong pumapasok sa eskwelahan.Ayoko kase ng nalalalate.Good girl kase ako 'eh.Haha!
Pero lage ako nagtataka kung bakit tuwing umaga pag papasok ako sa clasroom namen eh kakaiba yung amoy ng silid parang amoy hospital ganun.Dahil sa araw araw na ganun nasanay na ako.Dedma na lang ika nga.Haha!
***
Madaling araw kung gumising ako pag may pasok kase ako ang naatasan magluto.Yung kusina namen hindi pader yung dingding kundi kawayan na parang sinalapid ganun (sarreh hirap iexplain basta ganun) so may siwang yun kaya masisilip mo kung may tao dun sa labas.As usual ginawa ko na yung dapat kung gawin ang magluto ng kanin.
Isinalang ko na si kaldero sa kalan.Naupo ako sa maliit na stool para bantayan yung sinaing ko.Baka kase masunog eh makakalimutin pa naman ako.
Wala pa sigurong dalawang minuto 'eh may naramdaman akong kakaiba sa labas.Kaya sumilip ako sa siwang kung may tao sa labas pero wala naman.
Pero saglit lang ang lumipas may narinig naman akong yabag ng tao sa labas.Muli akong sumilip.May nakita akong paa na nakalutang.Kinusot kusot ko pa yung mata ko baka kase imagination ko lang.
Pero pagmulat ko andun pa din yung paa na nakalutang.
Naisip ko na lang wag pansinin pero waaah medyo takot na kase ako.Narinig ko ulit yung yabag pababa sa hagdanan.May hagdan samento kase dun sa labas ng bahay patungo yun sa bahay ng Lola ko.
Tumayo ako sa pagkakaupo at pumunta sa loob.Nangangatal nga ako sa takot.
Napagpasyahan kong lumabas sa kusina para matiyak kung tama nga yung nakita ko.
Huminga muna ako ng malalim bago lumabas.
Pinuntahan ko yung hagdan.Kaso wala naman akong makita.Hindi naman ganun kadilim sa labas kase may ilaw naman na nagmumula sa bahay kaya kita ko pa din ang paligid.
Patalikod na sana ako pero may narinig na ulit akong labag ng paa palapit sa akin.
Pinikit ko yung mata ko para suprise haha jowk.
Hindi ko alam kung imumulat ko na ba yung mata ko o ano.Nangangatal na din kase ako sa takot.
Pero dahil sa curios nga ako 'eh minulat ko na yung mata ko.
At hindi ko talaga iniexpect na ganun yung makikita ko.Gusto sumigaw kase waaah katakot talaga.
Isang tao ang nakita ko at ang masaklap eh wala itong ulo.As in pugot na ulo.Take note nakalutang pa.
Hindi ako makagalaw sa pwesto ko.Yung bang naistroke na ako.
Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.Nakakakilabot.Pinagpapawisan na din ako ng malamig.
Papalapit na talaga saken kaso biglang sumigaw yung nanay ko.
" anielita leste kang bata ka.Asan ka ba?Yung sinaing mo sunog na.Humanda ka saken " galit na sigaw ng nanay ko.Kaya naman napatakbo ako sa loob ng kusina.
Dun ko narealize na mas nakakatakot pala ang nanay ko kesa sa multo.Haha!
The End ...
An: comment kayo please.hehe!
![](https://img.wattpad.com/cover/14273912-288-k293790.jpg)
BINABASA MO ANG
LAGIM SA DILIM (TRUE HORROR STORIES)
Proză scurtăTRUE HORROR STORY (COLLECTION'S) salamat sa gumawa ng book cover @MielMonarca