( Puno ng Balete )
Author's pov
Matagal ng magkakaibigan sina Nando , Maria , at Miel.Halos sabay silang tatlo lumaki at talagang malapit sa isa't isa ang tatlong magkakaibigan .Hindi naman kalayuan ang pagitan ng mga bahay nila kung kaya't lage silang nagkakasama sa galaan o kung saan pa man.
" nag-aaya nga pala si Ghell na mag -inom mamayang gabi sa kanila.Tara?sasamaba ba kayo?" tanong ni Nando sa dalawa niyang kaibigan.
"Anong oras ba?" tanong naman ni Maria na tila pag iisipan pa kung sasama siya o hindi.
"basta ako sasama." sabi naman ni Miel
"siguro 6 pm tara libre naman ni Ghell ang alak" pagpupumilit ni Nando.
"mga 8 na lang sobrang aga pa ng 6 hindi pa ako pwedeng tumakas" sagot naman ni Maria na napapakamot pa sa ulo nya.Hindi kase siyang pinapayagan ng kanyang magulang na umalis nang bahay lalo na kung gabi na kung kaya't ang ginagawa niya ay tumatakas sya para lang makasama sa kanyang mga kaibigan.
"itext mo na lang si Ghell na 8 pa tayo makakapunta." aniya ni Miel na abalang kumakaen ng sinegwelas.
"Okay sige!" sagot ni Nando.
Nasa may bandang kalsada silang tatlo nag-uusap, biglang sinenyasan ni Maria si Miel na hinaan ang kanyang boses pagkat baka marinig ito ng ina ni Maria dahil malapit lang ang bahay ni Maria kung saan sila naroroon.
Nagbulungan na lang ang tatlo para sa plano nilang pag-alis mamayang 8 ng gabi at kung saan sila magkikita.
Sa kabilang baryo ang pupuntahan nilang lugar, hindi naman ito kalayuan kung kaya't pwede nilang lakarin ang punta doon.
Matapos mag usap ng tatlo ay nag si uwian na sila sa kani kanilang bahay dahil takip silim na rin malapit nang mag alasais ng gabi.
"Ano na namang pinag usapan niyo?" tanong ng ina ni Maria pagkakita sa kanya , hindi na lang sumagot ang dalaga sa tanong ng inay , direderetso ito sa kusina upang kumaen ng hapunan. Napapa-iling na lang ang ni Maria dahil sa katigasan ng ulo ng kanyang anak.
Alam ng ina ni Maria na may pupuntahan ito mamayang gabi dahil ganun lage ang asal ng kanyang anak pag may tinatanong siya tungkol sa pinagusapan nila ng kanyang kaibigan.Hindi naman niya nais pagbawalan ang kanyang anak sa pag gala, ang iniisip lang niya ang kaligtasan ng kanyang anak dahil minsan inuumaga na ito sa pag-uwe dahil sa kalasingan.Kahit anong gawin ng ina ni Maria ay hindi pa din nakikinig ito sa mga pangaral.Kaya minsan ay hinahayaan na lang ng ina ni Maria ang dalaga.
Malapit ng mag alas otso ng gabi kung kaya't naghahanda na ang dalaga sa gagawing pagtakas samantala ang dalawang niyang kaibigan na sina Nando at Miel ay andun na sa kanilang tagpuan tanging siya na lang ang hinihintay , medyo nag - aalala na si Nando dahil baka hindi na maka takas ang kanyang kaibigan na si Maria o maaring napagalitan ito ng kanyang ina dahil sa nakita itong patakas ng bahay.
Halos 30 minutes na ang nakakalipas pero wala pa rin si Maria nag - aala na ang dalawa niyang kaibigan , hindi na sila mapakali sa kinatatayuan.Kung anu ano na din ang naiisip nila.
"itext mo nga siya." biglang sabi ni Miel na nakahalukipikip na tila naiinip na sa paghihintay kay Maria.
"naitext ko na nga siya kanina pa. Baka nakita na iyon ng kanyang ina na patakas ng bahay, wag na lang kaya tayong tumuloy." sabi ni Nando na bakas sa mukha nya ang matinding pag-aalala para sa kaibigan.
"Hoy!" biglang sigaw ni Maria papalapit sa dalawa nyang kaibigan.
"sorry kung ngayon lang ako." hingin paumanhin ni Maria sa dalawang kaibigan.
BINABASA MO ANG
LAGIM SA DILIM (TRUE HORROR STORIES)
Cerita PendekTRUE HORROR STORY (COLLECTION'S) salamat sa gumawa ng book cover @MielMonarca