P.E. naming ngayon at kaklase ko dito sina Sherley at Jericho at ang panget lang marami akong kaklaseng mayabang pagdating sa P.E. kong subject. Swimming naming ngayon, kung tatanungin niyo kung ano ba talagang course ko isa po akong Pharmacist at si Sherley HRM yan at itong Jericho Accountancy meron lang talaga kaming subject na magkakaklase kami.
“Megan! This is it! Araw na naman ng mga abs! Shocks!” landi sa akin ni Sherley.
“Nako! Tigil-tigilan mo nga ako!” sigaw ko sa kanya.
“KJ naman nito! Kainis!”sabi sa akin.
Pagswimming kasi syempre meron dyan na naghuhubad kaya itong ateng ko naglalandi at tuwang-tuwa ang mga mata! Kahit matagal na kaming nagpi-PE para akong bago ng bago sa mga mangyayari sa akin.
“Tol! Asan si Sky? Absent?” tanung ni Jericho sa kaibigan niya.
“Hoy! Megan! Pumunta na daw doon!” sabi sa akin ni Sherley.
“Isa pang Hoy! niyo sa akin sasapakin ko na talaga kayo!”sigaw ko.
“Ayy! Wild lang Teh? Concern lang, tinatawag na kaya tayo!” sagot niya.
Habang papunta kami kay Sir biglang may pumasok at tumakbo sa room. Hindi ko siya masyadong makilala at hindi ko rin namukaan dahil nagmamadali. Late panigurado!
“Wait lang po sir! May hahabol pa!” sigaw ng isa kong kaklase.
“Si Sky pala to eh!” sabi ni Jericho.
“Ayy! Pogi friend!” kinikilig na sabi ni Sherley.
“Nako! Kanina ka pa ha? Maaga kang tutuwid niyan!” pang-aasar ko sa kanya.
“Ano yun? Oy! Anong ibigsabihin niyan?” naiinis na sabi ni Sherley.
“Wala!” sagot ko.
Hindi na niya ko nakulit pa dahil nagsimula na si sir. Yung late, ag galing pala lumangoy? At ako naman hangang-hanga palibhasa pulubi hindi marunong lumangoy. Ang galing ko noh? Hindi magaling sa Math at hindi rin marunong lumangoy pero Honor Student. BOOMPANESS, hahahaha!
Natapos na ang klase at Honestly, wala akong natutunan. Naglalakad ako sa gilid ng pool at bigla akong nakadaan sa dressing room at hinanap ko dun si Sherley ng bigla akong natawa sa nakita ko. Si Sherley nakakagulat nirereview ang backstroke sa hangin! Hahahahaha!
“Wow baet ah! Mukha kang timang dyan! Hahaha.” sabay turo sa kanya at tuloy ang pagatawa.
“Megan, wag ka ngang maingay jan! Nakakahiya! Wag mong ipagkakalat to ah?” pamimilit ni Sherley.
“Ung ano? Ung nakanguso ka habang nagbabackstroke sa hangin?” pang-aasar ko sa kanya.
“Megan naman eh!”nangingiyak na sabi ni Sherley
“Sige na! Pasalamat ka we’re friends!” sabi ko.
Pumayag ako pero patuloy ang pangblo-block mail ko sa kanya. Yan ang ugali ng tunay na kaibigan! Dahil dyan naka-isip si Sherley ng kanyang pangganti. Habang naglalakad kami may mga mayayabang na lalaki na naka-upo sa bench sa gilid ng pool. Tatlo sila yung isa nakatayo. Ang kalokohan ni Sherley ay itulak ako sa upuan para mapa-upo at sabay sigaw ng “Kuya oh! Gusto ng Boyfriend sa sweet” Bwiset talaga to! Hindi ako naka-imik dahil inakbayan ako ng mayabang na lalaki na assuming na rin. Biruin mo yun akbayan ka kasi akala niya totoong gusto kong magkaroon ng bf na sweet. Bwiseeeeeet!! Kaya tumayo ako at sinampal siya sabay sigaw ng …
“Haliparot ka ah? Hindi ka lang mayabang, assuming pa! Tignan mo nga tong mukha ko bagay ba to sa mukha mo ha? ha? ha? … Habang kasisigaw ko sa kanya at kakadada ko hindi ko namalayan malapit na ko sa pool kasi atras ako ng atras.
“Baliw ka!”Pagkasigaw ko niyan ay BOOM! Laglag ako!
“Tulong! Tulong! Sabi ko nga diba hindi ako marunong lumangoy. TULOOOONG!!!”
Mamamatay na ata ako. Pero biglang may nagdive at si Late! pala. Un lang nahimatay na ko.
Pagdilat na lang ng mga mata ko ang naririnig ko ay “Megan? Megan? Buhay ka pa ba?” sabay syempre may tubig akong binuga. At tinanong ko sinong nagsabi nun sinabi sakin si Jericho daw. “Gaga! Gusto mo na kong mamatay eh noh? Tanungin mo ba naman kung buhay pa ko eh!”sigaw ko sa kanya. Nang mahimasmasan ako ang mga nakita ko ay sila Sherley, Jericho, Sky at ung tatlong bugok na mayabang!
“Sige alis na ko, may klase pa ako eh.” sabi ni Sky
“Salamat nga pala!” sinigaw ko na lang nagmamadali siyang umalis.
“Sorry Megan! Nagbibiro lang naman kami eh!” sabi nung lalaking mayabang na umakbay sa akin.
Hindi ako nakapagtimpi at meron akong nakitang lalagyanan ng lotion at sinabi ko sa kanila na umalis na sila at kung hindi ibabato ko talaga tong hawak ko. Bumilang ako hanggang tatlo at sinabi sa kanila nab ago ako matapos magbilang dapat wala na sila sa paningin ko 1 , 2 , TAKBO NA!! Kaya tumakbo ang tatlong bugok! Ito namang si Sherley kalandian pa rin ang inuna. Tanungin ba naman ako ng ano daw ang feeling ng niligtas ng pogi? Bwiset talaga! Kaya naggalit-galitan ako sa kanya at hindi siya pinansin! Tumayo ako sa higaan ng basa pa rin ang damit.
“Aalis na ko!”sigaw ko.
“Sandali lang uy!”sabi sa akin ni Sherley.
Sumunod sakin ang dalawa at sinusuyo pa rin ako hanggang sa pag-uwi pero bahala sila hindi ko sila papansinin, diba uso naman un? Pero may mga tao talagang hindi ko matiis na kausapin kaya baka bukas kausap ko na ang dalawa. Haaaayyy! Pagka mabait nga naman!
BINABASA MO ANG
"Let me give your signs"
FanfictionEnjoy reading guys! Still updating. Sorry sa mga mali :) Basahin mo yung Introduction nito at nandun ang tunay na kwento ng super kilig story na "Let me give your signs" :D PLEASE VOTE. SALAMAT !!