5th Chapter: "First gala w/ him"

10 1 0
                                    

            Nakababa na kami at itong Sherley sakin na dumikit tapos yung tatlong lalaki magkakasama, si Violet naman nag-aayos na ng kanyang sarili. Pagkapasok naming lahat biglang nagkayayaan, si Sherley sinabihan akong pumunta muna sa CR at mag-ayos daw, itong mga lalaki sige daw CR din daw sila, si Violet may kausap sa Cp. Kaya kong patunayan na maarte siya dahil narinig ko ung mga sinabi niya sa kausap niya.

            “She’s so utangera but she’s not paying her utang!” Yan diba? Napaka! Hahahaha! Nadagdagan na naman ng maarte sa tropa.

            Pumunta na kami sa CR at syempre hindi naman talaga iihi tong si Sherley kundi magsasalamin lang, matagal siyang mag-ayos ng sarili niya kaya iniwanan ko na at nauna na kong lumabas. Lumabas na nga ako pero hindi siya nakahalata ang tagal pa ron niya at nagulat ako ng unang lumabas sa CR ng boys si Sky. OM! Anong gagawin ko? Nagpakapatay-malisya na lang ako! Nakikita ko siya na naboboring na kasi yung paa niyang nagtatap na. Kaya parang gusto ko ng magstart ng convo, total sabi ko naman na kapag nagkaroon kami ng moment ng kami lang magpapasalamat ako.

            “Sky, salamat ha? Sa pagligtas mo …” Pano ba? Pano ko sisimulan?

            “Oy! Salamat nga pala ha?” Parang walang galang naman.

            At sa kakaganyan ko,  wala na lumabas na sila Sherley at hindi kami inasar kasi magkalayo kami ni Sky sa isa’t-isa. Nagsuggest si Jericho na pumunta sa National Bookstore at tumingin ng libro pero si Sherley sa Department store titingin daw siya ng mga damit, sapatos o mga burloloy niya kaso alam kong papagurin lang kami niyan ni Sherley kaya boto ako kay Jericho sa NBS kaya sa duon kami pumunta.

            “Friend oh? Ang ganda ng title!”sigaw sakin ni Sherley

            “Sus. Title lang pero ito pati laman.” sabay kuha ng libro sa harapan ko pero parang may humihila sa kabila, alam mo yung pakiramdam na parang naipit yung libro.

            “Tsk. Ayaw makuha bwiseeeet! Tulungan mo nga ako Sherley” sabi ko

            “Ay Nako! Bitiwan mo na yan!” suggest niya

            “Sige na nga!” pagsang-ayon ko sabay bitaw sa libro.

            “Awwwwww!” aray ng isang kilalang boses  ng lalaki. Sabay takbo  ako sa kabila ng bookshelf.

            “Sorry Sky. Hahaha.”natatawang sabi ko sa kanya.

            “Okay lang!” sagot niya habang sinusubukang tumayo.

            “Ung libro oh?” kukunin ko yung libro ng gumagapang kaso itong Sky tumayo yan tuloy nabangga ako at gumulong.

            “Aray!” sigaw ko. Nakita ko ang kamay niya na para bang gusto niya kong tulunganna tumayo.

            “Sorry hindi ko sinnasadya.”sabi ni Sky. Hindi ko tinanggap ang kamay niya at kinuha na lang ang libro sabay tayo pero itong sky inalalayan akong tumayo.

            “Ano yan? Magkasama kayo? Kayo ha?”  ayan na naman si Sherley. Nakita kami ni Sherley at nakahawak pa sa akin si Sky.

            “Wala! Tinulungan lang ako ni Sky” sagot ko.

            “Nga pala friend ito yung librong sinasabi ko oh!”dagdag ko.

            “Ah ok. Tara alis na tayo dito. Boring!” sagot niya sakin.

            Tinawag na namin yung iba para maglakad-lakad na at para makakain na rin. Nagdadalawang isip kami kung saan kami kakain but before that na-ikot muna namin ang buong mall. Kapagod!

            “Ayun dun tayo kumain” sigaw ni Jericho sabay hawak sa kamay ni Violet kaya parang naging domino effect siya, itong si Violet hinawakan si Sam at kay Sam si Sherley at kay Sherley si Sky. Akala ko hindi ako hahawakan ni Sky at iiwan ako o pababayaan na lang na sumunod pero hindi! hinawakan niya rin ako at ang pagka-ayos nito ay parang nakaholding hands na mag-jowa pero alam kong walang malisya samin u pareho hindi lang talaga ako sanay na makipaghawakan ng ganung ayos, remember NBSB ako? Pero go pa rin ang pagtakbo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 07, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

"Let me give your signs"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon