Nawalan ako bigla ng ganang magbasa ng libro dahil na nakita kong post sa tablet na hawak ko. Nakakapanggigil. Ugggghhh! Ang sarap manaksak. Promise.
Sabi ko na nga ba at hindi gagawa ng matino iyong tao na iyon, eh. Imagine, sinong matinong lalaki ang 'nanliligaw' kuno tapos nakikipag-usap pa rin sa ex niya at proud pa siyang sabihin na okay sila. Sinasabi ko na, eh. SINASABI KO NA TALAGA!!! BUTI NA LANG HINDI KO PA SINASAGOT IYONG MOKONG NA IYON!!!
Pero nakakairita!!! Iyong pakiramdam na kahit alam kong wala pa kaming relasyon para na akong pinaglaruan, niloko, pinaikot!? Iyong all this time akala ko seryoso siya sa akin pero I ended up being a rebound girl!? LECHE!!!
"Ate Morf, ang kapal talaga ng mukha ng lalaking iyan! At ito namang si Ate Girl, kung makalingkis sa sira-ulong ito akala mo maaagawan ng kinabukasan! Eh, gago naman iyong ginagapos niya nang ganyan!"
Gigil na gigil na wika nitong si Ash na bestie-for-life-number-one ko habang madiin na ini-scroll iyong tablet na hawak ko.
"Hay, nako Ash. Huwag mo nang gatungan iyang baklang iyan at baka magliyab na itong buong dorm. Kita mo nga iyong ilong ni Morf, nag-aala-impyerno na,"
Natatawang pang-aasar pa sa akin ni Kisha na bestie-for-life-number-one-point-one ko. Hindi siya dito nagdo-dorm dahil exclusive for girls lang itong left half ng dormitory. Sa kabilang half siya nag-i-stay which is two stairways away lang. Isang pababa at isang pataas. Parang spaghetti lang.
Sinadya niya pa talagang pumunta sa kwarto namin para lang ibahagi ang mabuting balitang kabwisitan ng aming angkang kapitapitagan. At aywan ko ba. Tinatawanan niya pa talaga ako.
"At nakuha mo pa talagang ngumisi-ngisi diyan!? Lumapit ka nga dito at nang maingudngod kita sa tablet mo. Sayo ko na lang ibubuntong itong galit ko! Halika dito!"
Tumayo ako sa mula sa baba ng double-deck at hinabol siya sa pintuan nang agad naman siyang tumakbo palayo. Hindi ko talaga mapigilan ang pagngangalit ng panga ko sa sobrang gigil.
"Ay! Huwag naman, girl. Nagmalasakit na nga akong ipakita iyan sa iyo tapos ganyarns? Bahala ka wala ka nang friend na gwapa,"
Well, yes. Thanks to her kasi hindi siya kilala ng mokong na iyon. Unknowingly sa side ng gag* na iyon, friends iyong account nila ni Kisha but Kisha has modified her real name into something uncommon kaya mahirap hanapin. He blocked Ash's and my account kasi from seeing those restricted posts with his ex-girlfriend and only his unrestricted friends can see them. Sobrang witty niya hindi ba. Planadong planado ang kagaguhan.
*ting
(1 message)Biglang nag-alert ang messenger app ko nang may mag-send ng message sa akin.
"/Good eve, baby ko. MWAHZSXZ/"
Speaking of, galing iyan sa mokong na abnormal na iyon. BWISIT TALAGA! Umiinit lalo iyong ulo ko. ANG KAPAL TALAGA NG MUKHAAA!!!
Agad kong binuksan ang reply box para sagutin ang sinend niyang message. Mabilis pa sa alas singko ang pagpindot ko sa bawat letrang mula sa kaibituran pa ng aking nag-aalab-sa-bwisit na puso.
.
.
.
.
.
."/GAG*! WRONG SEND KA!/"
AND THAT WAS MY LAST PARTING WORDS, if there was anything to be parted.
BINABASA MO ANG
PAASA: Ang Hirap Palang Maging T-A-N-G-A
Humor"May hindi ako nasabi sayo," naka-yukong wika niya habang hawak-hawak ang kamay ko. Nanginginig ako. Kinakabahan. Pero sinikap kong tawirin ang sitwasyon at sinimulang tingnan ang kanyang mukha. "Ang tagal na, pero hindi mawala-wala," mabagal niyang...