This story is from someone close to my heart. Sobrang na-inspire ako sa nangyari sa kwento but I will try to conceal and change some of its details.This story as well is for my dearest friend. I know matatawa ka sa kwento na ito kasi you'll be able to relate yourself. I expect you to find some parts as if it was really you, so please don't keep your silence. Comment it down. BELOVED READERS, you are my dearest friend. I sincerely value whatever opinion you have in mind. I will deeply appreciate it.
I won't make it too long. ENJOY! :)
---@@@---@@@---
(= _ =)!!!
Vacant period namin ngayon. Actually, super extended vacant period na ito dahil wala ang teacher namin kanina sa first subject at dito kami sa block room namin nakatambay para ubusin ang oras. Wala pang mga librong dinidistribute dahil halos inaayos pa lang lahat ng textbooks sa business center ng school. Kaya heto, BORIIIIIINNG!
*CHAK chak chak
Medyo nabigla ang diwa ko sa unang paghampas ng wooden stick ng President namin sa mesa. Agad akong napalingon sa paligid ko kung ano ang nangyayari. Wala namang kaguluhan sa paligid.
"All eyes on me. Ako lang muna ang maganda. Ikaw diyan Tope. Akin ka muna. Wala munang Rica ngayon. Akin muna ang oras niyo," wika ng presidente naming si Elaysa sa magnobyo't nobya naming kaklase na naglalampungan sa likod. Agad na nagsingitian ang iba sa biro ng presidente namin. That's naturally her way of leadership. She gets the attention and makes sure to get the hold of it.
"Pinapa-announce ng adviser natin na later, on her class hours, we should be in the gymnasium for the club hunting. Here are some of the clubs that you can choose from," wika niya habang isinusulat sa pisara ng secretary namin ang listahan ng mga clubs na mayroon mamaya. "Some might be familiar from the name itself but some are not. Anyway, they have their boards infront of every clubs naman containing info about them," lahat ay mataman na nakikinig. Ang iba ay interesado ang iba naman ay hindi. Ang iba marahil ay excited ang iba naman ay walang paki. Basta ako, interesado ako pero hindi ko alam kung anong pwede kong puntahan.
"As far as I know, parang job fair type ang pagkaka-organize ng club hunting para daw medyo maging familiar tayo on how it feels like to look for a certain organization that fits for our skills and potentials. We can only be a member of atmost three organizations only. Unfortunately, if you are planning to be an officer for your chosen club, which as you know would give you higher points for extra-curricular acitivities, then you only allowed to choose one and drop the others so that you can focus on the club's projects," maraming side comments akong narinig. Halos lahat ay nagsasalita kaya medyo umingay na ang paligid.
*chak chak chak
"Sabi ko ako muna ang maganda, eh! Listen. I will only announce everything at once. Kapag may nagtanong lang sa akin tapos nai-announce ko na, nako! Nanggigigil talaga ako sa inyo, eh!" medyo tumahimik na ang lahat pero may ilang nagbubulungan pa tungkol sa club na naiisip nilang salihan.
"Anyway, we have to be early na bumaba kasi for sure magiging mahaba ang pila sa ibang clubs while some has their screening on certain dates. So please, behave and listen to my instruction. Iyon lang. Tanong?" huminto siyang magsalita habang naghihintay sa kunsinumang naguguluhan sa mga nangyayari sa mundo. "Kung walang tanong, that's all. Babush," at bumaba na siya sa stage ng room namin.
Kami naman, syempre back to being bubuyog na nag-uusap sa kaka-announce lang na club hunting.
"Balita ko Morf tatakbo daw na president ng ART CLUB si Luccas, ah," pasikong wika ni Kisha sa akin nang bigla namang tumayo si Ash at itinapat ang pentel pen sa bibig ko.
BINABASA MO ANG
PAASA: Ang Hirap Palang Maging T-A-N-G-A
Humor"May hindi ako nasabi sayo," naka-yukong wika niya habang hawak-hawak ang kamay ko. Nanginginig ako. Kinakabahan. Pero sinikap kong tawirin ang sitwasyon at sinimulang tingnan ang kanyang mukha. "Ang tagal na, pero hindi mawala-wala," mabagal niyang...