Prologue

9 0 0
                                    

Prologue

Naaalala niyo pa ba ang mga nangyari sa inyo noong estudyante pa kayo?

Naranasan mo na bang maging malungkot?

Kung oo, katulad ka ng lahat.

Unlike me.

Ibang-iba ako. Oo, may problema ako. Pero ibang-iba sa iba, sa inyo.

Ang problema ko…

Hindi ko alam kung sino ang pipiliin ko sa mga babaeng dikit nang dikit sa akin. Mga babaeng nagbibigay ng mga love letter, chocolates at kung anu-ano pang mga regalo.

Ang buhay estudyante ko,

Lahat ng gagawin ko, lahat ng pupuntahan ko, lahat iyon, pinapansin ng lahat.

Masasabi kong, ako ang pinakasikat at pinakagwapo na lalaki sa school noon.

Kung lovelife naman ang pag-uusapan, napakadali lang para sa akin dahil lahat sila, mahal ako. Hinahangaan at binibigyang-pansin.

Katulad ng isang lalaking ‘to…

“Jax! Ako nga pala si Ryan. Pwede ba akong sumali sa grupo niyo?”

Oo, may grupo kami. Isang banda. Apat kami sa grupo pero isa lang ang kaibigan ko sa kanila, si Wayne. Sikat ang banda namin.

Kahit na supporter lang Jax, okay na sakin. Desperadong sabi niya. Ryan daw ang pangalan niya? May malaki siyang salamin, lampaso ang buhok, payat=pangit. Magkaibang-magkaiba kami. Gwapo ako, hot at habulin ng mga babae. Ah hindi pala, mga babae’t lalaki. Psh.

Pinasunod ko siya sa lake ng school namin.

“Kung gusto mo talagang makasali sa grupo namin, kailangan mong ipakita samin ang tapang mo.” Sabi ko. Tumango lang siya sakin.

“Sa lake na ‘yan, may malalaking palaka. Kumuha ka kahit isa, at isasali kita sa grupo namin.” Tuloy ko.

“Oi seryoso ka ba? Baka malunod siya.” Sabi ni Wayne sakin.

“Tss. Hindi niya yan kaya. Nagbibiro lang naman ako.” Sagot ko sa kaniya. Pero nagulat ako nang biglang tumalon si panget. Seryoso talaga siya? Aish!

Mas nagulat naman ako nang may dala na siyang palaka nang umahon na siya.

“Oh eto na ‘yung palaka.” Tuwang-tuwa niyang sabi samin. Pagtingin ko sa ibaba niya, ohhhh! May isdang nakakagat sa ano niya. Alam niyo na kung saan.

Dumami na ang mga tao sa paligid namin. At lahat sila, pinagtatawanan si panget. Lahat pala kami. HAHAHAHA!

“Sucker!” Sigaw namin ni Wayne habang nakatingin sa isdang nakakagat pa rin sa ano niya.

“Pwede na ba akong sumali sa grupo niyo?” Tanong ni panget. Binalewala lang niya ang mga tawanan namin.

“No. Hindi pwede.” At nagtawanan pa kami.

“Tara na nga! Hahaha! Tingnan mo yung isda oh. Haha!” At tumakbo na kami palayo kay panget.

Narinig pa namin ang mga sigaw ng mga tao sa kaniya.

“Sucker Boy!”

Pauwi na kami ni Wayne. Magkalapit lang kasi kami ng bahay.

“Natatawa pa rin ako kapag naaalala ko si Sucker Boy! Haha!” Sabi ni Wayne sakin. Nagtawanan lang kami. Tawa lang kami ng tawa nang may biglang tumawag sakin na babae.

“Jax!”

“Psh. Siya na naman.” Bulong ko kay Wayne. Ito yung batang babaeng mataba, maitim at parang ewan na laging sumusunod sakin. Stalker kumbaga. Kapitbahay lang kasi namin siya.

“Jax, naaalala mo pa ba ako? Ako si Van. May sasabihin lang sana ako.” Tinaasan ko lang siya ng kilay.

“Gusto ko sanang sabihin sayo na.. Ahm na… gustong gusto kita… ahm simula pa lang nang makita kita. At ahm…”

“Stop!” Pigil ko sa kaniya.

“Kilala na kita. Alam ko ang iniisip mo.” Naglabas ako ng papel at ballpen mula sa bag ko at nagsulat.

“Oh ‘yan ang sagot ko from the bottom of my heart.” Pinipigilan ko lang matawa nung inabot ko na sa kaniya ang papel.

“Jax naman…” Kinikilig niya pang sabi nang maabot niya na ang papel. Binuksan niya na ito at biglang umiba ang itsura nito. Mukhang maiiyak na siya. Hindi ko na tuloy mapigilang matawa.

Ang sinulat ko kasi sa papel ay:

KEEP ON DREAMING, THE 3-FOLD BELLY GIRL.

“Pagsisisihan mo ‘to Jax. ‘Pag lalaki na ako at magiging dalaga, kahit na hubarin mo pa ang damit mo at sabihing mahal mo ako, hinding hindi kita papansinin!” Iyak niyang sabi sa kin.

“Hahaha! Okay okay. Hayaan mong paliguan kita ng tubig para lumaki ka na agad.” Kinuha ko ‘yung hose ng tubig at pinaliguan siya.

“Haha! Dalian mong lumaki okay? Haha!” Sabi naman ni Wayne.

“Haha! Sana nga lumaki ka pa! Haha!” Sabi ko naman habang pinapaliguan siya.

Iyak siya nang iyak. Tawa naman kami nang tawa. Hanggang sa patakbo na siyang umalis.

That’s it. My beautiful student life.

The Cupid ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon