Chapter 2
Nandito kami ngayon sa isang grocery store ni Wayne. Nakita ko kasing papunta dito yung lalaking kasama kahapon ni Van. Hindi sila pwede ni Van. Akin lang siya.
“Oh nandyan na siya.” Singhal ko kay Wayne.
“Oh talaga? Si VAN? Yung kapit bahay niyo?! Buntis?!!” Arte ni Wayne. Pinag-usapan na namin to kanina. Talagang nilakasan pa niya ang pangalan ni Van para lang marinig nung lalaking kasama ni Van.
“Oo nga. Gusto ko sana siyang panagutan kaso ayaw niya. Sabi niya dahil daw mahirap lang ako. Sabi pa niya, maghahanap na lang daw siya ng ibang lalaki na mas mayaman para siya na lang ang magiging Daddy ng baby namin.” Arte ko naman. Kunwari pa akong naiiyak. Sinilip ko naman ang reaksyon nung lalaki, nakakunot ang noo niya at parang galit na confuse na at iba pa. Basta!
“Ano?! Grabe naman siya pare!” Sagot naman ni Wayne.
“Oo nga eh. Talaga naman, ang dami ng manloloko ngayon! Grabe siya. Paano na lang yung baby namin? Anak ko pa rin naman yun! Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko pare. My baby! Huhu.” May paiyak iyak effect na rin ako. Nagmadali namang umalis yung lalaki.
“Haha! Naniwala siya pare!” Sabay naming sabi ni Wayne at nag-appear pa. Haha!
