[20]

77 3 4
                                    

10:30 am








"Mico, butchi, palitaw, palubog!"


Tangina…


"Ano na naman?!" Sigaw ko kay Molly. Kanina pa kasi ako kinukulit. Letche kasi si Henry, eh. "Pag-uuntugin ko kayo ng jowa mo dyan!"

"Kasi naman, bakit yung panot pa yung teacher nya?!" Pagmamaktol na naman nya.

"Molly…" tawag ko. "Pang-ilang ulit mo na bang tanong yan?" Ngumiti pa ko kahit na gustong gusto ko na syang sungalngalin ng kutsara't tinidor alis buntis. Ay…

"Kasi naman, eh—" bago pa nya maituloy ang sasabihin nya ay tinakpan ko na ang napakataklesa nyang bibig. "Uhm! Mimm!" Angil nya sa ilalim ng palad ko.




Nakikiliti ako, hayop ka!




"Manahimik ka na kasi! Di naman non rereypin yung jejemon mong jowa." Napairap na lang ako sa kawalan bago pinakawalan yung bunganga nyang stress na stress na sa boses nya. Ang baho naman ng laway nito! Salaulang babae!

"Oy, Sania!" tawag ko pero tulala pa rin sya. Sinasapian na yata to ng espiritu ng crush nya. Creepy!

"Demonyita!" sigaw ko sa tenga nya kaya napatayo sya bigla. Munggago. "Masyado kang nags-space out! Ano bang meron?"

"Ha…?" nakanganga pa sya nyan.

"Ha? Hotdog! Letche, ang weirdo ninyong kambal, naii-stress yung bangs ko sa inyo!" saka ko iniling ang ulo ko para gumalaw galaw yung bangs ko.

Baka mamaya lahat ng strands ng buhok sa bangs ko kulot na. Punyetang kambal na to, di na ko natahimik!

"Ano… Mico, kilala mo ba si ano?" napatunganga naman ako kay Sania. Tangina, komperm! Sinasapian na nga to ni Walter. 'Yaw ko na.

"Sania, you no trigger me, okay?" Sabi ko at naghand gestures pang humihindi. Itinaas ko ang hintuturo ko at iwinagayway habang umiiling. Baka mamaya inuuto na naman ako nitong babaeng to.

"Gagi! Itatanong ko lang kung may kilala ka bang… ano nga yon? Basta, Baekhyun rp! Diba may crush kang Baekhyun?" Nagulat naman ako sa tinanong nya. Naibaba ko ang kamay ko. Bakit naman kaya sya curious don?

"Bakit ba?" Naguguluhan ako, ah. "Ano bang nangyari?"

"Halika nga rito." Tinap nya ang katabing upuan. Dahil katabi ako ni Molly, sya lang mag-isa ang nasa harapan namin. Lumipat ako sa tabi nya kaya naman pati ang kambal nya ay naguguluhan sa kinikilos nya. "May nagchat kasi sakin na Baekhyun rp. Tinatanong nya kung kaibigan daw ba kita." Pagpapatuloy nya pa.

"Oh, anong sinabi mo?"

"Sabi ko wala akong kaibigang bangag."

"Pakyu."

"Hindi, joke lang! Ganito kasi," at umayos ng upo. "Tinanong nya sakin kung kaibigan ko raw ba si Taeyeonism, na ikaw nga, so sabi ko oo. Tapos tinanong ko kung bakit, nangangamusta lang raw sya." Sabi pa nya.

Bakit naman ako kakamustahin non? Haller! Ang famous nya tapos… umaygas! Kinakamusta ako ng crush ko! Mainggit kayo!

Ay wait, ang assuming! Malay ko namang ibang Baekhyun rp yon, diba? Eh, di medyo pahiya si ako non!




Okay, kalma, beh! KALMA!




Palihim akong nangisay at ini-stretch ang mukha ko para pigilan ang paglabas ng malaking ngiti sa labi. "Tapos?" Tanong ko pa.




Jusko! Baka di ko mapigilan ang tawag ng damdamin ko at magtatatalon ako dito. Kahiya-hiya, eww. No!




"Tapos alam mo ba nung sinabi ko sa kanyang okay ka lang, mukha namang napanatag sya. Pero nung dinugtungan ko na okay ka lang kasi inii-stalk mo naman yung crush mo dito sa school, ayon, sabi nya matulog na raw ako." Nadidismayang sabi nya. Ano bang meron sa crush ko dito? Inii-stalk?

Once Your Fan [c.sc]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon