The New Girl
Isa na namang boring na araw na school. Nakakatamad na ding pumasok minsan. Medyo paulit-ulit lang ang nangyayari dito. Nakakapagod lang din.
Kahit nga lakad parang kinakaladkad ko lang sarili ko eh, as in wala talaga ako sa mood ngayon. Tapos nakabangga pa akong babae. Buti wala syang dala, ayaw ko talagang maging gentleman at pulutin yon para sa kanya. Pero medyo napansin ko mukha nya. Mukha naman syang tao (sama ko noh?), may bangs tapos parang medyo matangkad sya kesa dun sa normal na height ng mga babae.
"Sorry po." Sabi nya saken habang nakatungo tsaka lumakad na ng palayo. Medyo mabilis pa nga lakad nya eh, kala mo may humahabol.
"Tara na nga," Sabi ko sa kaibigan kong si Jayvee at pumasok na sa loob ng classroom na as usual, kala mo binagyo. Ayon, may nagbabatuhan ng papel, may natutulog kahit sobrang ingay, may mga babaeng nagkakantahan na kala mo sobrang ganda ng boses at may nagsusuntukan din ata dun sa may bandang dulo at inaawat ng mga sergeant namin na si Reymark tsaka si Thea. Kitang-kita yung pag-alog ng kulot na buhok ni Reymark. Ang kulet, pantagal stress yon eh.
Saktong pagupo namin sya namang pasok ng teacher namin. Tapos kasunod nya yung nakabanggaan ko kanina. Doon ko lang napagmasdan yung mukha nya ng maayos. Pero yung bangs nya pantay na pantay, lupet lang.
"After how many years, may nagtranfer na sawakas sa section natin." Narinig ko pang sabi ni Angela, yung class president namin sa likod. Nasa likod sya lagi Dahil sa pangalan at height nya. Tangkad eh.
"Okay class good morning to all of you. Bago ko pa makalimutan, sya nga pala ang bago nyong kaklase. Introduce yourself, iha." Sabi agad ni Miss nang makarating sila sa unahan. Medyo gumitna naman si ate girl tsaka ngumiti bigla ng malaki nung makarating sa unahan.
"I'm Mishia Ricamara, nice to meet you po." Sabi nya pagtapos nagbow ng lagpas 90° ata, jusme, kala ko mauuntog sa sahig.
Nagkatinginan kami ng mga kaibigan ko. Weirdo, lang?
Tinawag ko si Jhio, yung kaklase naming feeling detective. Buti malapit lang upuan ko sa kanya.
"Jhio gusto kong alamin mo lahat ng tungkol kay Mishia, tapos sabihin mo sakin bukas ng umaga info about sa kanya. Ayos?" Bulong ko na may nakakalokong ngiti.
"Precautionary measures ba yan, pre?" Tanong nya na parang medyo interesado sa balak ko. Tumango ako at kinindatan sya tsaka humarap na ulit sa board. Kung saan andun yung white board. Nagsisimula na palang magturo si miss.
******
"Jhio, ano na?" Tanong ko kinaumagahan pa lang ng makita ko agad sya.
"Nakuha ko na ang info nya pero konti lang dahil pribado na lahat tungkol sa kanya." Sabi nya na medyo nagkakamot ng batok nya.
"Ayos lang yan, so ano?" Medyo excited ata ako? Nakakaintriga lang kasi paglipat nya dito eh. Lakas lang ng trip, eh halos alam ng lahat ng tao dito na may sumpa o kung ano Itong isa sa mga section ng school na to, which is section namin.
"She's from Johnson Academy, and matalino sya. I saw her card and nakakamangha lang bro, ang tataas ng grado. At, well. . . marunong syang magrhythmic dance?" Sabi nya tapos medyo natatawa. "Yan lang eh, pribado na halos lahat." Ayan na naman yung kamot sa ulo. Muntanga eh.
"Okay na yan. Kahit di ko alam yang rhythmic dance na yan at least ayos na naman. . . ayos na diba?" Ako naman yung napakamot sa ulo. Ang gulo eh. Ganito pala feeling, haha.
"Hoy ano yan?" Biglang sumingit sa usapan si Jayvee Tapos nakaakbay pa saken.
"Wala, h'wag kang chismoso. Tara na nga." Sabi ko tsaka inaya na yung dalawa sa loob kung saan as usual, parang may gyera na naman sa loob. Tapos nung dumating naman si teacher, kala mo kung sinong mga anghel. Sarap batukan ng mga toh.
"Okay uhm, before we start the class, share ko lang kase kasali na kayo sa lahat ng events/programs na gagawin ngayong year nato dahil nakiusap na ako sa principal na isali kayo. Nakakahiya naman kase sa inyo eh." Agad namang natuwa ang lahat dahil sa sinabi samin ni Sir Rhoel. Kahit ako, naexcite eh.
"The event for this month is Camping. Ito ang napili nilang event dahil dito malalaman kung kaya nyo bang mabuhay kung kayo ay nasa gubat, pero syempre with the guidance of us, teachers. It will be starting next week. 3 days ito so get ready guys." Sabi nya at matapos ng ilan pang pagkaklaro sa amin, nagturo na agad si Sir.
Nung nagrecess na, lumabas agad ako ng room at nagpunta sa canteen. Iba talaga pag lalake, ang bilis magutom. Medyo madami akong nabili, tapos nakita kong nakaupo sa isang table halos lahat ng grade 9 na mga kaklase ko. Kaya nakiupo na din ako.
"Paupo mga beshie," maloko kong sabi. Natawa naman yung iba at yung ibang mga kj, sinabihan ako ng bakla. Tapon ko sila eh.
"Kamusta stay mo dito, Mishia?" Tanong ng class president namin. Andito pala yung new student, kala ko magpapakaloner sya eh. Marunong naman palang makisama kahit papaano.
"Hmm, k lang. Buhay pa naman ako." Sabi nya. Natahimik na lang kaming lahat, pero kinunutan nya lang kami ng noo. "Oh, bat kayo natahimik?" Tanong niya, bakit? Hindi ba nya alam ginawa nya? Hindi ba nya alam kung ano yung sinabi nya?
"Aye, natural buhay ka. Mga exam lang naman pumapatay sa mga estudyanteng katulad natin eh." Buti nagsalita agad si Thea. Medyo madaldal yan eh, yan yung madalas na mood maker. Natatawa pa nga sya eh, di masyadong maayos pagtatagpuin nya ng fake kaya sinabayan namin syang magloko.
"Luh, exam lang patay na agad? Paano pa kaya kung may serial killer habang nag-eexam kayo? Edi double kill yon." Tapos natawa sya ng malakas. Kaya ayun, sinabayan na lang namin sya.
Pero hindi ko lang maintindihan ah. . . medyo may nasesense kasi ako babaeng toh. Di ko alam kung sasama o bubuti ba yung loob ko dito. Di lang ako mapalagay. Hindi ko alam kung may alam sya o di nya yun sinasadya. Eto yung kutob ko sa kanya simula nung nakita ko sa kanya eh.
Kasi tanga mo naman kung nagtransfer ka dito. Kasi kami nagstay kami dito dahil sa isang pangako at dahil pamilya kami. Walang naglakas ng loob na lumipat ng school kase may pinaninindigan kami. At yang Mishia na yan, lumitaw na lang ng biglaan. Ng walang paalam.
"Mishia," tawag ko sa babae. Natingin naman sya, at ngumiti, hudyat para sabihing ipagpatuloy ko lang pagsasalita ko. "Matanong lang kita ah, bakit mo naisipang lumipat dito sa Josiah?" Tanong ko habang nakangiti.
At ayun. Nahuli ko sya.
Nahuli ko yung mabilis na pagbabago ng mga mata nya. Na kung kanina ay tuwang-tuwa, ngayon ay parang nag-aapoy na sa galit.
Pero parang pagkatapos lang ng isang pikit ng mata, ang saya na ulit ng mukha nya. At mas lalong lumaki ang kyuryosidad ko ng bumulong sya saken dahil magkalapit lang naman kami.
Natingin muna ako sa kanya, binigyan nya ako ng isang ngiti. Tapos parang napigil ang hininga ko at nagtaasan mga balahibo ko noong bumulong sya saken. Kasi natandaan ko yung word na yun dati, and it's still so clear in my mind. Dapat pala hindi na ako nag-aral ng ibang lenggwahe.
"복수."
__________________________________
bangtans_illegirl: guys kung may wifi kayo, i suggest po na wag nyo munang isearch kung naisipan nyo. medyo panira eh, haha. gusto ko nga sana magLatin o kung anong language pero naisip kong pinakacommon yung Korean. so yun po, wag nyo pong isearch at hintayin na lang yung updates. Ty!
BINABASA MO ANG
Suicidal Section
Mystery / Thriller9-Felicity. Ang sinasabing pinakamalas na section sa distrito ng kanilang lugar. Ano nga ba ang dahilan ng pagkakalagay ng tila mala-sumpang sitwasyon sa seksyong ito? Alamin ang mga misteryong bumabalot sa seksyon ng 9-Felicity. >>>>...