First Murder Case
Sa totoo lang nakakainis kapag binibigyan ka ng mga mahihirap na mga tanong sa buhay. Lalo na kung ibang lenggwahe yung sinabi. Aba ang hirap kayang magresearch, lalo na kung grounded ka at hindi pwedeng gumamit ng kung ano-anong gadgets. Para dun lang yun sa binulungan ko syempre, pero grounded pa din ako.
("-_-)
Basta grounded ako. Wala naman kasing tao na hindi sumusuway sa utos ng magulang eh. Sabi nga nila, "we create rules only to break them ourselves." Nudaw?
Anyways, kumakain lang ako sa kwarto ko. And as much as gusto kong magrebelde ngayon, ayoko namang mawala yung phone ko. Kaya, kalma muna sa ngayon. Kasi kinulong ako sa kwarto eh, feeling ko masosuffocte ako dito anumang oras. Buti pinayagan akong ikeep yung cellphone ko, tapos pinayagan pa akong gamitin yung WiFi.
Kaso tinatamad din akong mag-online eh. Dakilang tamad ba nga naman. Magcoconcert na lang muna ako dito sa sarili kong kwarto, mas maganda pa yon dahil hindi masyadong matagal bago ko waldasin lahat ng battery ng cellphone ko pag gamit internet.
"WITHOUT YOU I FEEL BROKE, LIKE I'M HALF OF A WHOLE, WITHOUT YOU I---"
"Mishia ano ba yan?!" Ayun yung microphone ni Inay.
"Sorry ma!" Sigaw ko pabalik na may halong konting tawa. Tsk, mag-iinternet na nga lang ako. Epal din kasi si mudra eh, bago pa nga lang eh. Kaya ayun, napunta ako sa Facebook at nakita mga pagmumukha ng mga bago kong classmate sa friend request na section. Inadd ko silang lahat tapos mamaya-maya, meron na agad na "added you to" chuchu.
Jayvee: haiii
Mishia: halluu mga pwends
Gwen: labas tayo mga guys
Carmina: san tungo?
Kirk: mall lang s4p@t na
Angela: jeje af
Kirk: paki mo
Gwen: ano nga? labas tayo oi, ang boring
Ezekiel: tara ba
Jeanna: yusss window shopping lang ako
Gwen: gaga wala namang sinabing shopping eh, gala lang
Gwen: playground lang sapat na HAHAHAHA
Althea: SAMA KOOOO
Gwen: basta sama lahat
Mishia: di ako pwede mga pwends
Gwen: bat? dapat sumama ka, welcome party kuno hahaha
Mishia: grounded iz meh
Althea: awtsu, bakit? anyare?
Mishia: kasi dinala nyo pa ako sa gym kahapon eh, late na tuloy ako nauwi
Angela: hahaha sorna
Kirk: sumama ka naman kasi eh, di na namin kasalanan yun hehe
Mishia: i need a social lyf too so back off
McLain: nose blooding
BINABASA MO ANG
Suicidal Section
Mystery / Thriller9-Felicity. Ang sinasabing pinakamalas na section sa distrito ng kanilang lugar. Ano nga ba ang dahilan ng pagkakalagay ng tila mala-sumpang sitwasyon sa seksyong ito? Alamin ang mga misteryong bumabalot sa seksyon ng 9-Felicity. >>>>...