Chapter 3

1.8K 48 0
                                    

Chapter 3

Vote

Comment

Share

"Se-sean?" mahinang sabi ko.

Nakita ko rin ung babaeng kahalikan niya. Si Rhoxanne. Siya yung sikat na cheerleader kasi sexy siya at maganda. Pero MAS maganda, MAS sexy at MAS sikat naman ako sa kanya noh. Walang taong hihigit saken.

"Sandali na lang 'to babe. Uuhhhh." sabi naman ni Rhoxanne.

Babe? Di ba ako lang tumatawag sakanya ng babe? :'( . Bumaba ang paghahalikan nila at pinipigilan ko na lang ang mga luha ko na lumabas. Ayokong umiyak kasi baka pumanget ako. Pero di na keri ng powers ko. Lumabas na lang lahat ng luha ko ng kusa. Nakakainis. Bubuksan na ni Sean yung butones ni Rhoxanne. Tama na. Hindi ko na kaya. Hindi na kaya ng powers ng mata ko ang nakikita niya. Pa-alis na sana ko kaso nung pag-hakbang ko, nasipa ko yung soda can nasa paanan ko. Malas mo Ciara.

"Ci-ciara? A-anong ginagawa mo dito?" sabi sakin ni Sean. Natauhan silang dalawa at tumayo na habang si Rhoxanne naman ay inaayos yung butones nung blouse noya. Tss. Haliparot. -_-

"Hindi ba't ikaw dapat ang tinatanong ko niyan? Anong ginagawa mo dito kasama yang haliparot na yan?!" galit na sabi ko.

"At sining haliparot sinasabi mo?" singit naman ni Rhoxanne.

"Ikaw. Sino pa ba? Bakit? Natatamaan ka ba o alam mong ikaw yung tinutukoy ko? Tsaka, ikaw ba kausap ko? Kelan pa naging panget si Sean?!" pang-babara ko.

"Hmp!"

"Anong 'hmp'? Sipain kita eh. Umalis ka nga sa harap ko." at umalis na nga si Rhoxanne.

Pumunta kami sa may bleachers ng school at dun nag-usap. Wala ng gaanong tao dahil mga nagsi-uwian na sila.

"Sean bakit? Bakit mo nagawa saken 'to? Anong nagawa kong mali para gaguhin mo ko?" medyo paiyak na sabi ko.

"Sasabihin ko naman sayo eh. Kaso hindi ako makakuha ng tyempo. A-ano bang nakita mo?"

"Nakita ko kayong nag-hahalikan." sabi ko.

"Galit ka ba?" tanong ni Sean na ikinagalit ko.

"Galit? Bakit naman ako magagalit? EH NAKIPAGHALIKAN LANG NAMAN ANG BOYFRIEND KO SA IBA! Kaya bakit naman ako magagalit? Masaya pa nga ako eh!" I said sarcastically.

My Husband is a Casanova PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon