Chapter 2

1.8K 46 1
                                    

Chapter 2

Ciara's POV

"We have to talk." madiin na sabi sakin ni dad.

"About what?" sabi ko na medyo kinakabahan. Mamaya tungkol samin 'to ni Sean eh. Pano na ang beauty ko?

"About your marriage."

"Okay. It's just my marrwhat?! My marriage?!" gulat na sabi ko. Ikaw ba naman ipapakasal ng 'di mo alam eh? Ano steady ka lang?

"Yes. We decided to—"

"Dad, pwede tagalog?"

"Okay. Napagkasunduan namin ni Mr. Stonehurst na ipakasal ka sa kaisa-isang anak nila para sa ika-uunlad ng kumpanya." sabi ni Dad. Ibig sabihin yung anak ng may-ari ng school na pinag-aaralan ko ang ipapakasal nila saken?! Gosh. Tsaka, kaya naman palang magtagalog 'di pa ginawa. Mamaya ma-nosebleed ako dito nakakahiya. Wa-poise.

"Pero Dad may boyfriend po ako at alam kong nag-mamahalan kam—"

"What did you say? May boyfriend ka na di mo pinapaalam saamin? At sino naman yan? Mayaman ba yan? Makakatulong ba yan sa kumpanya naten?" galit na sabi ni dad.

Ganyan naman siya eh. Kaya ayokong sabihin. Laging yan ang tanong niya. Pera. Sana nga yung pera na lang niya inanakan niya para magka-anak din siya ng pera eh. Nakakahiya naman sa kanya eh. Pero aminado naman akong may kaya lang si Sean. Pero kahit na. Hindi pa rin niya dapat i-judge si Sean noh! Bakit? Judge ba siya? Hindi naman eh. Mukhang pera pwede pa.

"Hi-hindi po."

"See?! Hinde! So you have no choice but to marry Jay. Jay Stonehurst. The only son of Mr. and Mrs. Stonehurst." medyo galit na sabi ni dad. So Jay pala pangalan ng pakakasalan ko? ANG PANGET! Nakakadiri! Hindi ko iiwan si Sean para sa Jay na yan.

"Pero—"

"No buts." pagputol ni Dad sa sinasabi ko.

"Sabi ko 'pero', hindi 'but'. tsaka isa lang yun kaya dapat walang 's'." tama naman ako diba?

"Ciara! This conversation is over. You will marry Jay." sabi sakin ni papa. Gagawa ako ng paraan para matigil na 'to.

Tinawag na ako ni mama para mag dinner. Nakakailang nga eh kasi nandito si Dad. Hindi kami sanay ni mama na kasabay sa pagkain si dad eh. Kasi nga lagi siyang nasa tour or bussiness trip.

Natapos na ang pagkain namin at maganda pa rin ako. Oo maganda ako, sobra. Ano ba yan. Kayabangan ko biglang lumalabas. Pero totoo naman kaya, okay lang. :D

Umakyat na ako papunta sa kwarto ko para matulog at makapag beauty rest. Grabe. Nakaka-stress na ang araw na 'to. Mga nakakabawas ganda ang nangyare. Haay.

----

Kkrrriiiiiiiinnnggggg!

Ay nakatulog na pala ako. Grabe sarap ng tulog ko. Humarap ako sa salamin. Haay. Ganda na ng araw ko. Ang ganda ng una kong nakita eh.

Bumaba na kaagad ako kasi ayaw kong sumigaw si mama. Pagbaba ko, wala na si Dad. Lagi naman eh. Ginawa ko na yung daily routines ko at pumasok na sa school. Ganun ulet. Natulala na naman sa ganda ko. Kasi eh. Mala-dyosa ang ganda ko eh.

Nakita ko si Sean at nagtama ang mata namin. Gwapo n'ya talaga. >.<. Gwapo siya, maganda ako bagay kame.

Pumunta na ko sa room ko. Pag-upo ko dumating na yung prof. namen at alam niyo ba kung anong nangyare?

Wala. Ganun pa ren. Maganda pa rin ako. Dejokelang. Nag-ring na yung bell at uwian na! Pinaka-masayang part ng buhay ko. Nung papunta na ko sa locker room, may narinig akong umuungol. Sinundan ko yung naririnig ko at may nakita akong naghahalikan.

"Hhmmm. Uuhhhh." ungol nung babae.

" 'Wag natin dito ituloy." sabi naman nung lalake.

Te-teka. Parang kilala ko yung boses na yun ahh.

"Se-sean?!"

----

author's note :)

Medyo kadiri yung huling part. Yung umuungol yung babae. XD Pero pls. Maging open-minded kayo. XD Kasama kasi yun sa story eh. :3 Haha. XD Ano pa ba? Comment kasi kayo. :3 Vote na rin. Ita-tap niyo lang naman yung vote eh. :3 XD So, Bye! Love lots. <3 Ayiee~

My Husband is a Casanova PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon