Prologue

5.7K 82 8
                                    

Vote

Comment

Share

***

My Husband is a Casanova Prince

Written by: filthy_rich_

***

PROLOGUE

Love. Ano nga ba yung 'love'? Yun ba yung, kada makikita mo siya, sobrang lakas ng tibok ng puso mo? Yung, handa kang masabihang stalker basta makahanap ka lang ng pictures niya sa Facebook? Or yung mananakbo ka makita mo lang siya sa isang part ng campus? O yung nagpapakatanga ka na kahit alam mong niloloko ka lang niya?

Ang love ba, may pinipili? Wala. Kahit anong kasarian, itsura, o kapansanan man, basta dumating si love, wala kang magagawa. Love yun eh. At yun nga yung "stongest of them all".

Minsan nga, hindi mo madedescribe ang love. Basta tatlo lang ang alam mo. Hindi mo kayang mabuhay ng wala siya, masaya ka pag kasama mo siya, at alam mong mahal mo siya.

Pero sa bawat saya, tawa, kilig, kabog ng puso, butterflies in your stomach, gulo ng pag-iisip at love, meron din itong kapalit na lungkot. Meron ding sakit. At ang kabog ng puso? Maaring mapalitan ng pighati. Ang butterflies sa stomach, kinain ng mas malaking lungkot at galit. Maari ring magulo ang isip pag-inlove ka, ganun din pag umiiyak ka. Magulo rin ang isip mo, ngunit hindi dahil sa saya, kundi dahil sa sakit, galit, lungkot at kung ano-anong kongklusyon. At dahil may love, hindi maiiwasan ang pain.

Pain. Isang napakaikling salita, ngunit napakarami at napakalaki ng nagagawa sa isang tao. At dahil pain, syempre sakit yun. Wala namang sira-ulong mas pipiliin ang pain diba? Pero kahit anong iwas mo, wala eh. Dadating at dadating pa rin si pain. Diba nga sabi nila kakambal ni love si pain? Masakit isipin yung sabi nila. Mahirap nga. Pero kelangan nating tanggapin yun.

Nung una, wala lang. Pinipigilan ko ang sarili kong mahulog kasi baka hindi niya ko saluhin, at makaramdam ako ng sobrang pain. Pero, kinikilig ako sa ginagawa at sinasabi ng lalaking yun. Napapasaya niya rin ako. Love na ba yun? Hindi ko maamin sa sarili ko kasi nga natatakot ako. Aamin na sana ako. Kaso may nangyare. Isang hindi inaasahang pangyayare. Masasabi ko pa kaya sa kanya ang mga nararamdaman ko?

Ang storyang ito ay magsisimula sa isang 'Once upon a time-', matatapos rin kaya ito sa isang '-And they lived happily, ever after'?

----

Ang lahat po ng pangyayari dito ay ginawa lang ng malikot kong pag-iisip. Ang anumang pag-kakapareho sa tunay na buhay o sa inyong buhay ay 'coincidence' (di ko alam tagalog ng coincidence eh. XD) lamang. Ang storyang ito ay hindi pwedeng ikalat sa ibang sites unless binigyan ko kayo ng permisyo o ng batas or whatevs.

My Husband is a Casanova PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon