Chapter 2

103 1 0
                                    

Alice's POV

Umaga ng lunes ngayon.Natatakot ako pero di pwedeng matakot Alice kaya mo to! AJA!

"Anak gising na,may nakahain na sa baba"

"Gising na po pa,sige po baba din ako pagtapos kong mag ayos"

Tinitigan ko ang uniform ko.Di ko alam kung babagay ba to saakin.

Nag ayos na ko't lahat lahat at binitbit ko na ang aking bag pagkatapos ay bumaba na ko.

"Oh tara anak kain na" natutuwang sabi sakin ni papa.

"Ate papasok kang ganyan?" tanong ng magaling kong kapatid.

Tumakbo ako papunta sakanya ay saka binatok batukan at pinalo ng pinalo ko siya.Hays bwisit!

"Nagtatanong lang naman ako eh"

"Sa uli uli kasi wag ka ng mag tanong!" umupo na ako sa aking upuan at bumaling na lang sa pagkain ko.As usual di ko matatanggal tong karton na suot ko.

"Sabay kayo sakin ah.May aasikasuhin pa kase ako sa trabaho ko" Sabay ngiti samin ni papa.

"Pa..." nakayuko kong sambit iyon.

"Anak lakas mo lang ang loob mo.Wag laging takot"

Naiintindihan ko si papa pero kaya ko to.Hindi ko pa din naman tatanggalin itong karton na suot suot ko magsisilbing panago pa din ito ng aking mukha.Hindi ko ito huhubarin.

Hinatid na kami ni papa sa school na papasukan naming magkapatid.Naninibago ako sa laki ng school na to.Pag malaki ang school marami ang tao.Jusko!

"Anak? ready ka na?"

"Opo..."

"Tara ate! 18 ka na hindi ka na bata kaya wag ka na matakot" yaya sakin ng kapatid ko.

"Samahan mo yang kapatid mo sa room niya Alec"

"Opo pa!" sabay nag salute siya kay papa.

Lumabas na ako ng kotse at may nakskakita na saakin.Nakuu naman!

"Wag mo na lang silang pansinin ate"
Hinila na ko ng kapatid ko papasol sa entrance gate.

"Natatakot na ako" mahina kong sabi.

"Ano ka ba ate,andito ako.Atsaka di naman nila nakikita ang mukha mo eh"

Tama siya di naman nila nakikita ang mukha ko.Kaya lang baka may mantrip dito lagot na.

"Ok..."

Hinatid na ako ng kapatid ko sa room na papasukan ko.

"Oh andito na tayo ate"

Nakita naman ako ng teacher sa labas kaya tinawag niya ako.Oo nga pala nasabi na sakanila siguro ni papa na may phobia ako.Andaming nagtinginan saakin.

"Ms.monterealle halika pumasok ka"

"Ate pasok na daw,Bye" nginitian na niya at kumaripas na ng takbo.

"Teka-"

Nangangatog na ang mga paa ko.Hindi ko alam saan ako tutungo.Ang tanging nasa isip ko lang ay gusto ko ng umuwi.

"Halika" at ngumiti naman sakin ang teacher ko.

Pumasok ako ng dahan dahan.Napatigil sila sa kanilang ginagawa.Lupa! lamunin mo na ako!

"Introduce yourself" sabay ngiti sakin.

"Ah..."

Shete! Di ako makapagsalita naku naman.

The ugly duckling (turn into a beautiful swan)Where stories live. Discover now