Hindi pa din ako makapaniwala sa nangyare kanina.Nang nag uwian na ang ibang estudyante ay naghintay muna ako sa labas ng gate at hinihintay si Zander.
"Ate,tara na" Ani ni Alec na kararating lang.
Biglang may huminto na sasakyan sa harapan namin ng kapatid ko.Nakakamiss din itong kapatid ko naku.
Bumaba naman ang window nito at dinungaw ako ni Zander.Oww kami pala sorry naman assuming lang.
"Alice!" Sigaw ng boses lalaki sa likuran namin.At napalingon ako sa likuran ko.Si angelo,bakit kaya?
Tumakbo naman ito papunta saamin ni Alec.
"Tara hatid ko na kayo" Natutuwa niyang sabi saakin.
"H-huh?" yan lamang ang naiusal ko.
"Ay! sorry kuya may nauna na,ayun oh" sabay nguso ni alec sa kotse ni Zander.Naaninag naman ni angelo ito napatingin naman ako kay zander at seryoso lang na nakatingin sa daan at naghihintay saamin.
"Ah,alec ikaw na lang sumabay sa kanya.Sige na ok na ko atsaka kakausapin ko pa siya" At ngumiti lang ako sa kapatid kong nangingiting aso abnormal talaga ito.
Tinignan pa ni alec si Zander bago ulit lumingon kay angelo.
"Ok,Kuya ingatan mo ate ko hah?" Ngumiti pa siya saamin bago pumasok sa front seat.Nilingon ko pa si Zander di man lang ako tinignan nito at sinarado na ang window at pinaharurot na ang kotse.
Tinignan ko pa ito hanggang sa lumiliit na ang tingin ko dahil ang layo na nila.
"Ano? Tara na?" Tumango lang ako sa kanya.
Pumunta kami kung saan naka park ang motorbike niya.Iba nanamang motorbike ito nung una niya akong pinaangkas.
"Oh suot mo ito" Binigay niya sakin ang pink na helmet.
"Pink?" Bahagya akong natawa.
"Sa kapatid ko yan,hindi ako yang iniisip mo hah" natawa naman siya.
"Wala akong iniisip" Napahalakhak naman ako.
"Oh my god! Kamalas malasan nga naman na may malas dito" Napalingon naman ako kay apple.Kabisado ko na ang boses ng babaeng ito jusko.
"Tara na girl,wag na tayong mag aksaya ng time diyan" Ani ng isang babaeng maarte.
"Apple,ano bang ginagawa mo?" Ani angelo at naka kunot ang noo nito.
"Oh my beloved cousin.Pati ba naman ikaw? Nakikipagkaibigan ka sa isang weird" Ni head to foot naman ako ni apple sa huling salita niya.Naku talaga isang isa na talaga itong babaeng ito eh.Teka wait? Pinsan?
"Tama na" Diin na sabi ni Angelo.
"Oh my? baka naman nafafall ka na sa babaeng yan? Asan na ang plano angelo?" At nag fake smile pa siya.
Hindi makasagot si Angelo sa sinabi niya.What? anong plano? Teka? ano?
"Tara na nga girls" Ani apple at binangga pa ang kanang balikat ko habang papaalis sa harapan namin.
Sandali pa kaming nanahimik nangingilid naman ang luha ko sa mga mata ko.Kaya hinarap ko na siya.
"A-anong p-plano angelo?" Of all this time ngayon pa? ngayon pa na kung kailan pinagkakatiwalaan ko siya bilang kaibigan?
"Hayaan mo siya." walang gana niyang sabi.
"Sabihin mo sakin!" Nangingilid na ang mga luha ko sa mata.
"Wala yun." Parang wala lang talaga sa kanya ang sinabi ni apple kanina.May inaayos pa siya sa motorbike niya.
"Ano ba?!Anong plano angelo? pinaglalaruan niyo ba ako?!" Napatingin siya sakin dahil sa lakas ng boses ko mabuti na lang at walang masyadong tao dito.
"May plano kami ok? Masaya ka na,nalaman mo na?" Medyo napagtataasan niya ako ng boses ah.
"Bakit angelo?! Kaibigan kita! Bakit?!" pumapatak na ang luha ko sa mga pisngi ko at pinunasan ko iyon.
"Oo may plano,pero di ko tinuloy yun dahil nahulog ako.Nahulog ako sayo Alice! Masaya ka na?!" Hindi ako masaya punyeta!
"A-ano?" Nahulog? Sakin? Ako? talaga?
"Nung nalaman kong iba ka pala sa lahat ng babae dito,tinigil ko pero sa tuwing kasama kita nag iiba ang ikot ng mundo ko.Habang kasama kita nagiging masaya ako" Nakikita ko sa mga mata niya na pinipigilan niyang maluha pero di niya kaya.Kaya naman nagsipatakan ang mga ito.
"Pero ito? tunay ang nararamdaman nito pero walang patutunguhan eh" sabay hawak niya sa kaliwang dibdib niya at suminghap pa.
"Kasi kahit naman nalaman mo na ang nararamdaman ko hindi mo naman ako mamahalin diba? Kasi mas mahal mo si Zander Mandeval diba?" What? Paano niya nalaman?
Nananatili pa din akong nakatayo rito habang pinapakinggan lahat ng gusto niyang sabihin habang tumutulo ang mga luha ko.
"P-paanong--" Di ko na naituloy dahil bahagya siyang tumawa ng pasarkastiko.Kahit naluluha na siya nakukuha niya pa ring tumawa ng ganun.
"Paano? Lagi lang kitang sinusundan Alice.Hanggang sa...taas ng building" What nakita ba niya lahat ng pangyayare doon?
"Doon ko nalaman kung gaano kayo ka close ng Mandeval na yun.Alam mo sobrang sakit kasi bilang lalaki mahal kita eh,pero mas may mahal kang iba.Anong laban ko sa kanya? Eh kaibigan mo lang naman ako diba?" Napangiti pa siya habang may luha sa mga mata niya.
Bakit ako pa? Atsaka close? Hindi kami close ni Mandeval nung mga panahon na yun.
"I'm sorry kung may nalaman kang plano pero alice ito..." Hawak niyang muli ang kaliwang dibdib niya.
"Ito alice tunay ang nararamdaman nito" Nakita kong muli kung paano tumulo ang luha niya at suminghap pa ito at ngumiti lamang.
"I'm sorry Alice--"
"Sorry angelo,Masakit sakin bilang kaibigan mo na may ganung plano? Pasensiya na pero di ko kayang suklian ang pagmamahal mo pasensiya na" Inilapag ko na ang helmet sa motorbike niya at umalis na.
Kapag bestfriend walang siraan ng tiwala.Kapag bestfriend,bestfriend lang may babaeng gine-girlfriend at may babaeng bine-bestfriend at satingin ko ako ang babaeng binebestfriend lang para kay Angelo.Yun lang ang kaya kong suklian sa kanya ang pagmamahal bilang kaibigan.
Nag hintay na lang ako ng bus sa may station nito natutulala na lang ako sa mga naganap ngayong araw na ito.Pero yun talaga ang ayaw ko na sinisira ang tiwala ko at pinaglalaruan ako ng isang kaibigan.Hindi ako yung babaeng masyadong insensitive pero kung wala talaga akong nararamdaman sa isang tao ang ibig sabihin lang ay kaibigan ko lang ito.
YOU ARE READING
The ugly duckling (turn into a beautiful swan)
Teen FictionIsa akong babaeng biktima ng pambubully.Yeah isa nga ako dun.Simula elementary wala akong naging kaibigan.Kase nga I'm ugly.Yun lagi ang inaasar nila sakin nung elementary pa lang ako.So nagdecide akong hindi na mag aral sa paaralan.Ok lang na asar...