Chapter 4

834 15 5
                                    

Chapter 4


Matapos ang pagkakamali na 'yon ay mas minabuti ko na talagang umiwas sa kay Dale. Nakakahiya. Masyado akong nagpadala sa temptasyon na nakahain sa akin.

Napapikit ako ng mariin.

I can still feel his lips. Damn, mali talaga na hinayaan ko 'yon. I should've control myself. Nagiging marupok ako masyado sakanya. Pero kahit ganoon ay wala akong naramdamang kaba dahil sa ginawa ko. Wala siguro ako sa katinuan noon kaya hinayaan ko siya.

But that won't happen again. Hindi na ulit. Come on, Lex! Compose yourself! Pangangaral ko sa sarili.

Nandito ako sa Quarters namin. Hinihilot hilot ko ang sentido ko. Gusto kong batukan ang sarili ko. Hindi ko alam kung dahil sa mali yun o dahil sa nag-enjoy ako.

I mentally cuss inside my head. That's foul. I won't let that fire to ruin my career, and to myself.

Una, I let him talk to me like I'm not her Professor. Dito pa lang ay dapat alam ko at niya and stand namin. He's a student, at mali na hinahayaan ko siyang kausapin ako na parang barkada. Pangalawa, I let him touch me! The hell with me. It was fucking foul. At huli, he kissed me, few times and even let myself stay sa kaniyang tinitirahan. Kapag may nakaalam nito matatanggal ako sa trabaho and my name will be ruin if I let this thing to happen or pinagpatuloy.

I let out a sigh. That won't happen again.

"Penny for your thoughts, darling?"

It was Xyleena. I rolled my eyes. Isa pa itong babae na ito. Wala na sanang ganap na ganoon sa unit ng estudyante ko kung hindi ko hinayaan na malasing ako.

"Have you eaten your lunch? Kanina'y wala ka sa cafeteria."

Tumango na lang ako.

Naningkit ang kulay tsokolate niyang mata sa akin. Parang naghuhukay ito ng kung ano. Crazy.

"It seems like you're avoiding someone. Nitong mga nakaraan nagmamadali ka parati. You're not your usual self these days huh?"

"Gossiping is a crime, Xyleena"

I grin at her then she rolled her eyes. Kinuha ko na ang gamit ko. Magsisimula na ang klase ko at sa kabilang building pa iyon. Malayo-layo pa ang lalakarin ko.

Agad na sumunod sa akin si Xyleena dahil sa magkatabi lang din ang room na tuturuan namin.

"Hindi mo sinagot, Lex!" ani sabay kurot sa aking tagiliran. I whimp. Damn, Xyleena napaka sadista mo talaga kahit kailan!

"Gosh, Xyleena!"

Inangkla niya ang braso niya sa akin. Ang bigat na nga ng hawak ko, dumagdag pa siya. Goodness, kaibigan ko ba talaga ito?

She even rested her head on my right shoulders.

"May problema ba, Lex? You know? You can tell it to me. What is it?"

Humugot muna ako ng isang malalim na hangin. She's my only friend that I can trust at kung hindi rin naman dahil sa kaniya ay panigurado wala ako sa lugar ko ngayon.

"I've done something bad and I'm just doing the right thing now."

Umayos ito ng tayo.

"Fuck, nakapatay ka!?"

Halos sampalin ko ito sa sinagot niya. Xyleena St. Louis you're really something!

"Gaga, baliw ka!" asik ko.

She laughed. Tawang tawa sa kalokohan niya. Sumasakit na talaga ang ulo ko sa babae na ito.

"I'm serious here, Xy."

Rough PlayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon