Chapter 6

258 8 0
                                    

Wishing that our laziness will fade away *finger cross*

WARNING: Typo ahead. Short Update. If you find any mishaps in this chapter, please do leave inline comment. TY pooo

Dedicated to: @KKINNHH Thank you sa walang sawang pangungulit sa update! :>





Chapter 6:

Hindi ko na mabilang kung ilang tupa na ang nasambit ko sa buong oras na nakatingin ako sa kisame ng kwarto ko. Mula sa school hanggang sa pag-uwi ko sa condo, nagre-replay pa din sa utak ko lahat ng sinabi ni Dale kanina.

I love you-

I tapped my cheeks to stop from grinning. God, Lexi! Ang tanda mo na para kiligin. My inner thought says. Ang hirap naman ng ganito. I can't control what I feel because this is my first time! Para akong teenager dito na kini-kilig kilig when in fact, dapat kinakabahan ako.

Negative thoughts, pasok!

Umikot ako paharap sa malaking bintana na nakaharap sa nagli-liwanag na mga ilaw ng ilang buildings na bukas pa din hanggang ngayon. Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko sa isipin na yun.

Yes. Dale is right. We're both adults, consenting adults. And yet, I'm still here, a coward in love.

Hindi ba't may karapatan naman akong maging ganito? I'm still his professor. I may sound hypocrite since he started this but I still need to protect myself from shame. Taboo pa din ang ganitong scenario sa isang estudyante-guro na pumapasok sa iisang unibersidad. Hindi rin lingid sa kaalaman kong pwede nila akong tanggalin bilang guro kung malalaman nila 'to. And I can't lose my job!

I can't lose Dale too.

I can't lose another opportunity. Yes, I love my job. Ang pagiging guro ko ang naging karamay ko nung panahong humiwalay ako sa adoptive parents ko. Dito rin ako kumukuha ng pangangailangan ko sa pang-araw araw kaya kahit naii-stress na ako sa makukulit na estudyante, mahal ko pa din ito at hindi ko na siguro alam ang gagawin ko kung sakaling mawalan ako ng lisensya sa pagtuturo. Pero yung pangalawang pagkakataon na nasa harapan ko na yung matagal ko ng gusto, ibang usapan din yun.

I love Dale since time immemorial. He's my first crush when I was in grade school. My first love when I was in my College years and also my first heartbreak.

Kapag palay na talaga ang lumapit sa manok...

Baka ito na yung panahon para ilabas ko ang totoong ako? I still care about the rules but heck! For some time, I need to bring out who and what I am!

Gone the Lexi who's always in-doubt of herself.

Kung seryoso nga si Dale sa akin, might as well na maging seryoso din ako.

Relationship and Trust works both ways.

DALE KEEPS on constructing a message for Lexi pero ni isa wala pa siyang na-send. Para siyang nata-tanga na hindi niya malaman.

"Still up?"

Boo! Of course she's now asleep, dimwit!

"Let's have breakfast together"

"Are you free tomorrow?"

Sinabunutan niya ang sarili saka itinapon ang sarili sa malaking kama. Mula kanina ay hindi nawala sa mukha niya ang ngiti. He can't believe that Lexi is his girl now.

Rough PlayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon