M A R I S"Great job girls!" bati ng manager namin. Ngumiti ako ng malapad.
Grabe sobrang blessings ang natanggap ko at isa ito sa mga matagal ko pinapangarap ma mangyari sa akin. Ang magkaroon ng concert.
Para akong lumulutang habang binabati ako ng mga staff, producers at syempre ng mga kapwa performers ko na siya ding mga kaibigan ko. Sina Loisa, Sue at Kristel.
"Girls! Boomerang muna tayo bago kayo magbihis!" Sabi ni Sue habang nagsama na kami at niready niya ang Iphone niya para magselfie.
"Sakin din!" sabi naman ni Loisa.
We took a couple of pictures together at isa-isa na din silang umalis.
Habang ako naman ay hihintayin sina Tita Fran, Tita Teresa at si Diego para mag-dinner.
Naplano na namin yon bago pa mag-start ng concert.
Ever since na na-cast ako sa "The Breakup Playlist" at nakilala ko si Diego ay naging close na kami.
Best friends nga actually.
Hindi ko talaga akalain na makakawork ko ang isang sikat na artistang tulad niya. Pero sa tuwing nagkakasama kami ay lalo ko siyang mas nakilalang mabuti. Napakatotoo niya at napakabait na tao.
Kaya naman hindi ako nahirapang mag-open up sa kanya. Not to mention pareho din kaming may topak haha.
Eventually nakaclose ko na din ang Mommy niya dahil super supportive rin nito kay Diego at siyempre si tita Fran din. Supportive sila sa friendship naming dalawa. Super supportive na halos parang ituring kami nila tita ay parang noong naging love team pa kami dati na binansagang MarGo.
Para ko na silang second family dahil halos lahat ng pamilya ko ay nasa Davao.
Minsan sinasamahan ako ng mga ate ko pero kadalasan ay ang yaya ko ang kasama ko sa apartment dahil minsan busy ang mga ate ko sa kanya-kanyang trabaho.
Biglang may tumapik sa likod ko.
"Congrats Mamame!" si Iñigo pala.
Malapad ang ngiti sa akin.
"Thank you Papape!" pabiro kong sagot at nginitian din siya.
Mamame at Papape ang nakabiruan tawagan namin since nagkaron kami ng fans na Marnigo na nagsimula pa noong PBB days ko.
Nakakatuwang isipin na dati si Piolo pascual or Papa P lang ang nagrereto sa amin ngayon naman, may love team na kami na gawa din ng mga fans.
Nung isang gabi nga ay concert niya at ako ang guest. I must say I was flattered.
"Pano ba yan, next concert ulit?" sabi niya ulit at tinaas ang mga kilay.
"Oo naman. Haha. Saya din kaya." sagot ko naman.
Biglang may narinig kaming tumikhim sa likuran.
Lumingon ako at nakita si Diego na may hawak na boquet ng...chocolates?
Yung favorite chocolate ko na toblerone.
BINABASA MO ANG
I Won't Give Up
FanfictionSuper friends. Solid. Yan ang pagkakaibigan nina Diego at Maris. Walang tatalo sa pagsuporta nila sa isa't-isa. Pero paano kung mahulog ang loob nila? Lalabanan ba nila ito o kusa na lang silang susuko? A Maris Racal and Diego Loyzaga love story...