3. Kiss

169 2 7
                                    


D I E G O

"Pack up!" sigaw ni Direk pagkatapos naming magtaping ng Pusong Ligaw.

"Sofiego! Sofiego!" sigaw ng mga fans sa labas ng gate ng eskwelahan kung saan kami nagtetaping.

Kumaway-kaway na lang ako at ganun din ang ginawa ni Sofia.

May ilang fans din ang nakalusot sa mga guards at nagpapicture sa amin ni Sofia.

Nakalagay ang kamay ko sa beywang ni Sofia habang kasama ang mga fans.

"Sweet niyo talaga! Goals kayo!" sambit naman ng iba.

I just smiled. Ganun din si Sofia.

Pagkatapos ay nagpaalam na kami sa kanila.

"Sabay tayong pumunta sa presscon mamaya?" tanong ko kay Sofia habang naglalakad kami papunta sa mga tent namin.

Nagkibit-balikat siya at tumango.

"Of course. I'll see you later na lang." paalam niya at nagsimula ng humakbang palayo.

Sa sarili niyang tent.

I sighed.

We have to make it work for the sake of our love team and fans, especially the fans.

Hindi naman mahirap kasi may attraction kami sa isa't-isa ni Sofia, iba lang kasi kapag may feelings kayo sa isa't-isa.

I consider everything I have right now as a blessing. All the projects I am getting, to all the people who are supporting me.

I can't help but hope na sana balang araw maibabahagi ko din ito sa taong espesyal sa akin.

Sa taong hindi ko na kailangan itago ang nararamdaman ko.

Na pwede ko ding ipakita ang nararamdaman ko ng walang palabas.

*****

Ilang sandali pa ay nasa kotse na kami nina Sofia. Magkatabi kami pero para kaming may kanya-kanyang mundo.

Kanya-kanya kaming nakatutok sa sarili naming cellphone.

Nandiyan ka na sa venue?

Ang message na natanggap ko.

Nireplayan ko kaagad at ngumisi ako.

Don't worry malapit na. Miss mo na ako? ;)

Reply ko.

Matagal bago ako nakatanggap ulit ng reply.

Simula kagabi ay hinihintay ko yung reaksyon niya sa sinabi ko na nagseselos ako sa kanila ni Iñigo.

I intended it as a joke pero I know may bahid ng katotohanan yun kahit paano.

Hindi naman na siya nagtanong pa pero bakit parang mas gusto kong magreact siya?

Baliw ka na! Wag ako. Umayos ka nga Diego.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 09, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Won't Give Up Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon