Chapter 5 [A/N: After 1 day nakarecover narin sila Rakee , sabay silang pumasok ng school]
*Papasok ng School*
"Elle ? Okay na ba kayo ah ? Nasabi na samin ni David , ano ? Ano bang nangyari ah ?"tanong ni jussel
"Nasabi na pala sayo ni david eh , bakit tinatanong mo pa " walang mood na sinabe ko
"Nagalala lang naman kami sainyo , ang sunget mo naman girl" sabi ni angel
"Maya Kwento ko sa inyo kung ano nangyari at kung baket masunget yan" sabi ni rakee na nakangisi pa.
"Sige , Subukan mo lang , malalaman din nila hmmp." kala niya siya lang may pangblackmail ah , ako din kaya
Hay nako, nabibwisit ako kay david, di na niya ko dinalaw after ko siyang masigawan dun sa ospital, oo nagbigay nga siya ng mga bulaklak at prutas tapos di naman siya nagpakita sakin, kay rakee lang siya nagpakita, psh , di tuloy ako nakapagpasalamat sa kanya. Psh , KAINIS SIYA, NAKO.
********************************
David's POV
Hayst, di pa ko handa aminin kay elle ang nararamdaman ko sa kanya, ayoko syempre, baka mareject ako. Kung kelan ba naman madalas na kami magkakasama eh . Pero lalayuan ko muna siya sa ngayon kase sa tuwing palagi kami magkasama lalo akong nahuhulog sa kanya , tsaka mukhang di ako magugustuhan ni Elle sa mga bagay nagawa ko sakanya, lalo na nung nalaman na niyang ako yung "Prinsipe kong Chinito" sa contacts niya . HAY ! BAKIT KASI NAISIPAN KO PA GAWIN YUN . Madali lang palang makipagkaibigan sa kanya , BAKIT DINAAN KO PA SA PANGAASAR ? HAYST . TOTOO NGA SABI NILA, SA HULI ANG PAGSISISI .
END OF DAVID'S POV.
**
Elle's POV
HAY NAKO, BAKIT GANUN ? NAMIMISS KO SIYA, GUSTO KO SIYA MAKITA , ANO BANG GINAWA SAKIN NG UNGGOY NA YUN , BAKIT PARANG NAGIGING MAHALAGA SIYA SAKIN.
''Elle ! Huy Elle ! Kanina pa kita kinakausap, di ka naman pala nakikinig ! '' sabi ni Jona
"HUH ? ANO YUN ? Pakiulit na lang , Sorry Jona , may iniisip lang kasi ako" sabi ko kay jona
"May rehearsal kayo mamaya ! Sabi ng instructor niyo sakin , kase next week na gaganapin yung Sayaw ek-ek niyo !" sabi ni jona , bigla akong napangiti dahil iniisip kong magkikitta kami at makakapagpasalamat na din ako sa kanya.
"Ah ganun ba ? Sige salamat bes , teka anung oras daw ba ?" tanong ko sa kanya
"Mamayang 3pm , bawal kayong maLATE" Sabi ni Jona
*A FAST FORWARD*
@Rehearsal Rm206
Andito nga siya as I expect, pero di naman niya ko pinapansin , tapos pag nagrerehearse kami di niya ko tinitignan sa mata , Iniiwasan niya ba ko ? Ano bang nangyari ? . hay PAKE KO BA ? EDI KUNG DI NIYA KO PINAPANSIN DI KO NA RIN SIYA PAPANSININ.
[A/N:* napakaMoody talaga ni Elle, kanina malungkot tapos ngayun Masungit , haysss.]
"Ano ba kayong dalawa ! Ayusin niyo nga ! Kung kelan natapos na natin mga Step ngayon pa naging walang kaLatoy latoy yang PERFORMANCE NIYO ! " sabi samin ng instructor.
"Sorry po sir, masama po kasi ang pakiramdam ko, babawi po ako bukas" maikling sabi ni David.
"BUKAS HA, KAYONG DALAWA ! AYUSIN NIYO ! AYOKO NG GANYAN MGA EMOSYON SA MUKHA NIYO, AYUSIN NIYO YAN , SIGE TAPOS NA ANG REHEARSAL NATIN NGAYON! PAG DI NIYO PA INAYOS , MAGHANAP NALANG KAYO NG BAGONG INSTRUCTOR ! HAYS !" Pasigaw at galit na sabi ng instructor namin .
Hay nako, kasalanan to ni UNGGOY eh ! Napagalitan tuloy kami ! Bwisit. Bakit kaya siya nagkakaganyan , ARGGGH, Wala nakong pake, BASTA NABABADTRIP AKO SA KANYA
. *End of Elle's POV*
*********
@David's House
"Par ? Ano bang dapat kong gawin ? Natutorpe kasi ako sakanya , naiinlab na ba ko ?" tanong ko kay exequiel
"Nako par, mahirap yan , mukhang malakas na tama mo jan ! Daan natin sa maboteng usapan yan" sabi ni exequiel.
Naglabas ako ng 2ng bote ng Jack Danielle's at yun ang ininom namin at pulutan ay mga chichirya ,
"Par, alam mo namang nuon pa gusto ko na siya , pero hindi ganito , sa tingin ko Par MAHAL KO NA SIYA." pagamin ko kay exequiel
"ganun ba par ? Eh bat di mo ligawan ?" tanong sakin ni exequiel
"Par, DI AKO MARUNONG MANLIGAW , KAYA NGA GUSTO KONG MAGPATULONG SAYO " sabi ko kay exequiel
"Alam mo namang , parehas tayo eh . Babae ang mismong lumalapit saten ! Di din ako marunong manligaw Par, tanongin mo kaya si Tito Philip ? " sagot sakin ni exequiel
"Oo nga *hik* noh , shi daddy *hik* nga pfalah , sha kanya nah lang ako magpafatulong *hik* " sabi ko kay exequiel
"Ang bilish mo namang malashing , hinay hinay lang kashi *hik*" sabi ni exequiel "
"Di pfaah nooh , tara nuod tayong Movie , *hik* lashing kah nah rin eh" sabi ko kay exequiel
iSinalang ko yung "The Conjuring" okay to, parehas na kaming lasing eh , nuod kami nakakatakot para mawala pagkalasing ko.
"Par , baaket yaan pfapfanuoren naten ? Nakakatakot daw yan par ah" tanong sakin ni exequiel
"Gago, nababakla ka ka na ata ata eh, pampagishing yan par" sabi ko sa kanya
"Oshige, nah ngah , -o- " sabi sakin ni exequiel
"Oh shot mo na , " sabay bigay ko kay exequiel ng shotglass.
*After 2hrs* Natapos na namin , saket ng ulo ko. Si exequiel nakatulog na sa sofa, ako andito sa kama ko , iniisip ko pa din si Elle, kung pano ko siya maliligawan , hayss , bukas pa kasi dating nila daddy , sakanya ako magtatanong kung pano ba manligaw ng babae.
-END OF DAVID'S POV-
********************************
BINABASA MO ANG
Prinsipe Kong Chinito (On Going Series)
Teen Fiction~Mapapansin mo ba? kaya ang tulad ko? ~Kahit na sa sulok lang, ng iyong mga mata ~Mahuli mo kaya ? ang pagsulyap sayo oh ~Kahit na hindi naman ako, ang iyong kaharap ~OH CHINITO ♥♥♥