CHAPTER 6
"Tignan niyo yang si Elle, kanina pa tahimik" sabi ni rakee
"Oo nga eh , ewan ko ba diyan , kahapon pa ganyan yan eh " sabi ni jona
"hoy Girl ? Anu bang iniisip mo diyan ah ? Masyado ka atang tahimik?" tanong ni jussel
"Kahapon kasi, sinabi ni David sa instructor namin masama daw pakiramdam niya , kamusta na kaya siya" walang ullirat kong sabi sa kanila
<Sila-Ako> ?.?
"Waaahh,, taray ! Concern ! Ayiiee ! nagaalala kay david" pangaasar ni Jona
*umalis na lang ako para di na nila ako asarin at nagdirediretso*
At BIGLANG *bOOgssh !*
"AGGHHH ! Miss, tumingin ka nga sa nilalakaran mo!" Sabi sakin nung nabangga ko.
"Aww SORRY, JAYSON ! KAW PALA YAN ? NASAN SI DAVID ? BAKIT DI SIYA PUMASOK ? MAY REHEARSAL PA KAMI EH" Sabi ko sa kanya
"Tsk.tsk , di ko nga alam eh , kaya nga pupuntahan ko siya eh , si exequiel din di nakapasok eh ." sabi sakin ni jayson
"Hmmp , PWEDE BA KO SUMAMA ? Gusto ko rin kasi siya makausap, Please, sama ako sayo" parang batang pakiusap ko sa kanya w/ puppy eyes pa *ô*
"Sige na nga , tara pero sa BigBike ko lang tayo sasakay, okay lang ba kung aangkas ka ?" tanong ni jayson
"Okay sige " maikling tugon ko
*Umangkas na ko sa motor ni jayson , grabe lang ang astig niyang tignan , pinahiram niya sakin yung helmet niya*
"Kumapit ka sa kin" utos sakin ni jayson
"Eeehh ,, wag na.. Psshh.." sabi ko sa kanya
"Sige" Maikling sagot niya
*SABAY PATAKBO NIYA NG MABILIS, KAYA PALA PINAPAKAPIT AKO NETONG UNGAS NA TO, KUNG MAGPATAKBO EH KALA MO PAPATAY NG TAONG NAKAANGKAS SA KANYA*
"WAAAAHH , WAG MASYADONG MABILIS JAYSON ! WAAAHH" bulyaw ko sa kanya sabay kapit sa likod niya .
"Sabi ko sayo eh , kumapit ka ." maikling sagot niya
*bwisit to , kala mo nasa karera eh*
After 15mins
tumigil kami sa harap ng gate ng isang malaking bahay , ito na siguro yung bahay ni David, may mga CCTV din dito at pag doorbell ni jayson may nagbukas ng gate , guard ata nila david
And then pumasok na kami , malaki pala ang bahay nila david , halos magkasinglaki lang din ng bahay namin.
"Awwe, I have to go home early, Uwi muna ko, yung maid na bahala muna sayo jan Elle" Sabi ni jayson
"Okay, btw thanks" then umalis na si jayson
Tinanong ko yung maid , ''Ate , nasaan po si david ?''
"Ah , maam andun po siya sa kwarto niya maam, nagpapahinga pa po ata si sir dave" sabi sakin ng katulong.
"ah , okay po ,, san po ba banda yung kwarto niya ?" tanong ko sa katulong kasi gusto ko makita si david kung okay na ba siya .
"Dun po maam sa pangatlong kuwarto , sa kaliwa po pagakyat niyo" sabi nung katulong
"Ah , salamat po , tsaka pasabay na din pala ng bimpo tsaka small basin na may warm water " utos ko sa maid
"Ok po maam" tugon niya
Pagakyat ko , madami ngang pinto, sabi ng katulong pangatlo pakaliwa ,
so kumaliwa na ko then pagdating ko sa tapat ng pangatlong pinto , hingang malalim "Brrr , brrr, Maah !" yung pangpalakas loob na pagbukas ng pinto
Pagkapasok ko nakita ko si david na nakadapa sa kama at ang tanging suot niya lang ay short ,
* Ang Hot niya pala * aaayyhh kadiring isip to kung ano ano iniisip .
ayon sinubukan ko siya iAngat sa kama upang ayusin siya sa paghiga para mapunasan ko siya
BIGLA SIYANG GUMALAW O.O NAPAHIGA AKO SA KAMA , AT NADAGAN SA KIN YUNG BRASO NIYA AT NA DANTAYAN NIYA KO.
"DAVID, ANG BIGAT AGGH , UMAYOS KA NGA" sabi ko.
Hindi man lang ito muling gumalaw hanggang sa narinig ko ang pagbukas ng pinto at
"Eto na po yung A-ah , eh maam ?" sabi nung katulong
"Ahm a-ate palagay nalang ho diyan sa lamesa " sagot ko
"Sige po patawag niyo nalang po ako pag may kailangan pa kayo" mabilis na sabi niya
"WAAAHHH DAVID,, UMAYOS KA NA NGA , BAKA KUNG ANO NANG ISIPIN NG KATULONG NIYO SATEN" patuloy na gising ko kay david
"aaagghh , sakeett ng ulo ko" nadinig kong boses na parang galing sa terrace ng kwarto ni david.
Pagtayo ng tao na yun , nakilala ko siya "Exequiel ? Oy Exequiel, tulungan mo nga ko dito please , ang bigat ni david eh" pakiusap ko sa kanya
"Huh , teka teka, anong ginagawa mo nga pala dito " sabi niya
"Mamaya na tanong tulungan mo muna ako" ang awkward lang kasi nakashorts lang din siya haha , Nagkakaroon ng kasalanan ang inosente kong isipan
Tapos ang isang awkward pa , para kaming magkayakap ni david . Psh tong lalaking to , makasabi ng mabigat ako eh mas ang BIGAT BIGAT niya kaya .
Tinulungan na ko ni exequiel sa pagayos ni david
************** *Davids POV *
Nanaginip ba ko ? Andito si Elle ? , *dilat ng konti*
Oo panaginip lang to , ndeng nde naman ppnta dto si Elle at nde nya rn alam kung san ako nakatira
Tapos nung mapalapit siya saken, niyakap ko siya at idinagan ko yung braso ko, para kahit sa panaginip lang mayakap at makatabi ko siya , at sa panaginip ko , nakatulog ako , as in bagsak.
*End Of Davids Pov*
****************
BINABASA MO ANG
Prinsipe Kong Chinito (On Going Series)
Teen Fiction~Mapapansin mo ba? kaya ang tulad ko? ~Kahit na sa sulok lang, ng iyong mga mata ~Mahuli mo kaya ? ang pagsulyap sayo oh ~Kahit na hindi naman ako, ang iyong kaharap ~OH CHINITO ♥♥♥